Bella's POV
Flashback
"Mama? Papa? Nasaan kayo? Pakawalan ninyo ako dito ang dilim hindi ako makakita. Natatakot ako"
Pagmamakaawa ko. Hindi ko alam kung nasaan ako. Nakatulog lang ako sa play ground tapos nandito na ko loob ng sobrang dilim na capsul.
Nayakap ko na lamang ang aking tuhod dahil sa lamig at takot. Iba't ibang sigaw at iyak naririnig ko. Mukang Di ako nag-iisa dito.
Biglang nagbukas ang capsul na kinalalagyan ko at natanaw ko ang isang magandang babaeng naka itim na bistida na kumakain ng mga kaluluwa. Nagiging tuyot na bangkay ang mga kapwa ko bihag na nakakain niya. Hindi ko alam ang gagawin ko ng may biglang kumalabit na bata sa likuran ko.
Nag 'shh' sign Siya at tinulungan akong makababa sa capsul. Takbo lamang kami ng takbo sa madilim na pasilyo hanggang sa iwanan niya ko sa gitna ng kalsada. Paggising ko nasa hospital na ako at kasama sila mama at papa ko.
End of Flashback
"Ano ang pakiramdam na makulong sa dati mong kulungan Bellatrix Mateo?"
Sabi ng isang pamilyar na boses.
"Pakawalan ninyo ako dito! Parang awa ninyo na! Vicente nasaan Ka tulungan mo ko" Para akong mauubusan ng hininga sa sobrang takot. Akala ko unti-unti ko ng nalagpasan yung mga takot ko pero hindi Pala.
Nasaan Ka ba Vicente? Akala ko ba hindi mo ko pababayaan. Oo nagsinungaling ako natatandaan ko lahat ng nangyari noong Christmas Eve. Oo Mahal na Mahal Kita.
Wala akong matandaan sa mga nangyari. Sobrang gulo. Akala ko magiging masaya ako kapag nakabalik na ako sa bahay namin pero hindi. Ang huli Kong naalala after Kong nakatulog ng part paggising ko binigyan ako ng mainit na sabaw ni mama para sa hang over tapos biglang nagdilim paningin ko. Ang huli kong nakita ay hinampas ni papa ng tubo ni Vicente.
Nasaan Ka bang hangal Ka. Hindi Ka Mabilis mamamatay. You pervert! Iligtas mo ako dito.
"Mahal na mahal din Kita pero hindi ito ang oras para doon Sweetheart" sa isang iglap ay wala na ako sa loob ng capsul at buhat na ni Vicente.
"Talaga bang tatraydorin mo ko sa pangalawang pagkakataon anak ko?"
"H-hindi ikaw ang magulang ko."
"Kanino Ka maniniwala sa sinungaling mong ama?"
"Ano pa ang sinabi niya sayo, na mamatay akong Tao. Na ako ang pumapatay sa DDC? " Isang malakas at nakakarinding tawa ang binitawan nito.
"Bakit hindi mo tanungin sa babaeng kalong mo ngayon kung sino ang tunay na pumatay sa mga babaeng iyon"
"Magaling, hindi ko inaasahan na magiging ganto kabilis lalabas ang totoo. " Saad ko ng mga mala demonyong ngiti SA mga labi.
"Lahat ng nakakaalam ng sikreto ko ay dapat mamatay" Sigaw Kong siyang ikinaguho ng buong gusali.
Lahat ng Tao may sikreto at ang mga sikretong Ito ang nakatago sa pinakamaitim at masama nating pagkatao.
"Anong ginawa mo sakanya Victorina! "
"Wala akong ginagawa sakanya. "
"Ano ang pakiramdam na makulong sa sarili mong illusyon?" Sabat ni Astrid na NASA katawan pa Rin ni Keisha.
"Sinabi ko bang sumabat Ka? " Mataray Kong sabi dito.
"Minahal naman Kita pero hindi sapat para talikuran ko ang kapangyarihang ipinangako sa akin ni Victorina."
"Naguguluhan Ka pa Rin ba? Hinayaan kong isipin mong ginagamit nila ako. Na isa akong kawawang prinsesa na kailangan ng prinsipe. But a queen like me? Queen Celestia? Kahit kailan hindi ko kailangan ng kahit na sinong tagapagligtas-"
Vincent's POV
Hindi na natapos ng babaeng nagpakilalang Queen Celestia ang litanya dahil sa biglaang pagbukas ng pinto.
"Napakagandang Palabas" sambit Ng isang babaeng may kulang silver at green na buhok.
"Tapos na ba kayo Victorina Guerrero at Queen Celestia?" pagdugtong naman ng lalaking itim na itim ang mga Mata.
"Ayoko ng mahabang litanya" pagtatapos ng isa pang lalaking may bughaw na mga Mata kasabay ng paghagis nito ng mga barahang bumalot sa Amin.
Kasabay ng pagkalaglag ng mga baraha ay ang pagkawasak ng illusyon na matagal nilang ginawa at pinagplanuhan.
Ngumiti ng matamis si Vincent kasabay ng pagtama ng isang dagger sa dibdib ng huwad na akk.
"Tama na ang mga illusyon. Saka ang pangit mo para maging mommy ko"
"My mom died bago pa ako ipanganak. Diba daddy? You killed her. For what? Para sa babaeng Ito. Para sa bruhang Ito. Ohh let me rephrase it you are not also my dad. The real Don Manuel Guerrero is curse inside the mansion. Ang malaking salamin sa basement. Right Dadddy?" Madiin kong Sabi.
Kinuha ko ang dagger na nakabaon sa dibdib ni Victorina at hinagis ito sa mga pekeng magulang ni Trix at huwad kong ama.
"Paano ninyo nalaman?"
"Simple lang. Impossible na tumanggap ang tunay na ama ko ng ng isang tao sa loob ng mansion. You hate humans. But my mother change that. Nagsimula kang mahalin ang mga Tao. Pero pinaniwala mo ko akong bruha Ka na isang tao ang pumatay sa mommy ko"
Nagagalit, dahil sa presensya ni Trix sa loob ng mansyon ay nagkaroon Kami ng koneksyon na tunay Kong ama.
Bago pa kami pumunta sa lugar nila ay alam ko na ang katotohanan. Ngunit ang Di ko inasahan ay aagahan nila ang plano.
"Vincent bilisan mo puntahan mo na si Trix sa capsule sa gitna ng covered court. May 10 mins Ka na Lang. Trix is not human nor just a vessel. Ang dugo niya ang sagot sa buhay na walang hanggang. "
Kanina ko pa iniisip kung sino ang Ito. Ngayon ko lamang napagtanto na Ito ang tunay na anyo ng mga miyembro ng Supreme Student Government.
Franco is the only human at the student council. But I failed to protect him. Ngayon hindi ko hahayaang mawala ang babaeng Mahal ko.
Bella's POV
Pakiramdam ko ay nasa loob ako ulit ng sinapupunan ng aking ina. Ang daming imahe kong nakikita. Maging ang aking sarili ay nakikita ko. Aking wangis ngunit ibang kaluluwa. Nasa kanya rin ang emosyon at ala-ala ko. Nakikita ko ang lahat ng nangyayari mula dito. Gustong gusto kong sabihin Kay Vicente na hindi ako iyon pero walang lumalabas na tinig sa akin.
Biglang isang kulay dilaw at berdeng liwanag ang bumalot sa akin.
Sa pagmulat ng aking mga mata ay isang pamilyar na pigura ang aking nakita. Si Nurse Marie.
"Ililigtas kita katulad ng paglitas ko Kay Vincent isang taon na ang nakakalipas"
-EscapistLorenzo
BINABASA MO ANG
The Secrets of Bellatrix
HorrorBellatrix Mateo is a high school student that have Phasmophobia or fear of ghosts. What will happen if one day she wake up having an ability to see ghosts and be involved on Guerrero and Plazides Clan, the richest family on their province.