Chapter 3- Road to Foolishness

9 0 0
                                    

It’s been a week simula nung nakilala ko si Liam and from that day, I can’t get him off of my head. I admit I’m a bit attracted to him because who wouldn’t? He’s a masterpiece. But just like what I’ve said, ayokong maattached. It’s not as if we’re going to meet again.

I’m busy today with my coffee shop. Maraming tao ngayon dahil na rin sa weekday ngayon. I own a coffee shop just across the university kaya maraming customer tuwing weekdays. Dito na kalimitang nag-aaral yung mga istudyante since the ambiance is good. I can say na maganda talaga yung location na nakuha ko dahil bukod sa nasa tapat ng university eh marami ring malalaking kompanya ang nakapaligid dito. Marami-rami rin akong customer na office workers. May mga regular customers na na nakabisado ko na kung ano yung mga order. So far maganda naman ang takbo ng business ko.

Sa ngayon, ako muna ang tumao sa cash register dahil nakaleave si Micah. Micah is one of my three employees. I was busy taking orders, I tried to be as fast as I can dahil marami talagang tao. Mabuti nalang dahil sa kabila ng marami ang customer ay malaki naman itong shop.

“Hi good morning, what can I get you today?”

Bati ko sa susunod na customer without looking up.

“You. Pwede take out?”

Sagot ng isang baritonong boses na kilalang kilala ko dahil mula nang marinig ko ang boses na iyon ay hindi na ito nawala pa sa isipan ko. Napahinto ako at napataas ng tingin upang salubungin ang kanyang mga mata at katulad ng unang beses na mapagmasdan ko yung mga matang yon ay, wala, lunod nanaman ako. Those eyes that I want to stare at all day. I can really do this the whole day and I think I wouldn’t mind.

Lumipas ang ilang sandali na hindi ako nakasagot at nakatingin lang ako sa mga matang gabi-gabi kong nakikita sa tuwing ipipikit ko ang sarili kong mga mata. He smiled at me when our eyes met. Oo alam kong gwapo sya, pero hindi ko naman akalaing may mas igagwapo pa siya. He’s wearing a three piece black suit ngayon hindi katulad nung una ko syang nakita na nakacasual lang sya. Nonetheless gwapo pa rin sya. Iba lang ang dating ngayon dahil he looks intimidating kahit pa nakasmile sya.

“Liam”

I said blankly and tried not to show any emotions on my face. Hindi ko rin sya nginitian tulad ng ginagawa nya ngayon.

“Hi, Vie. Long time no see.”

He said still smiling. Gumagawa ba sya ng commercial ng toothpaste ngayon? Makabalandra naman ng ngipin to.

“yeah. What’s your order?”

I said still emotionless.

“Ikaw sana. Patake out nalang.”

I breathe in heavily trying to calm myself. I don’t really have patience for bullshits.

“I’m not on the menu and if it’s your way of asking me out on a date, it’s a no. So can I get your order now? Marami pang mga nakapila.”

“Woah! Chill. I’m just kidding, you don’t have to be hostile towards me.”

I just stared at him blankly at hindi na nagsalita pa. Tinitigan ko lang sya diretso sa mga mata na para bang inip na inip na ako sa kahihintay kung anong order niya.

He laughs and damn, how I want to hear it again. I must be getting crazy.

“Okay, Ms. Impatient. Chocofudge and cheesecake. Take out.”

“All right. Pakihintay nalang na matawag ang pangalan mo. You can sit wherever you want while waiting. Next.”

I said dismissing him.

“Anong oras out mo?”

Tanong nya pa at hindi pa rin umaalis sa pila. I’m getting annoyed. Hindi porque mesmerized ako sa mga mata nya eh hahayaan ko syang iinterrupt ang business ko. Business is business.

Our SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon