Tumunog na ang bell ng school namin, ibig sabihin uwian na! Kaya naman excited kaming nag-ayos ng gamit at lumabas ng room namin. Paglabas ng room ay bumungad sa amin ang ingay sa corridor, kanya-kanyang usap at tawanan. Nilagpasan na namin ang ingay at bumaba na kami ng aking mga kaibigan at lumabas ng school.
Dumiretso kami sa bahay ni Maya dahil may gagawin kaming project na ipapasa this week. Pagkapasok namin sa kanilang bahay ay bumungad sa amin si Tita Mila, mommy ni Maya. Binati kami ni Tita at magalang din namin siyang binati. Nilabas na namin ang aming mga gamit para gawin ang project. Lahat kami ay focused sa ginagawa pero biglang lumapit sa amin si Tita Mila na may dalang pagkain,
"Kain na muna kayo mga bata."
Nakangiti niyang nilapag ang mga pagkain at kami naman ay dali-daling lumapit at kumuha ng kanya-kanyang pagkain. Habang kumakain kami ay dun lang namin napansin na gabi na pala—lagot na ako kay mama nito!—sa isip-isip ko. Pagkatapos kumain ay nagpaalam na ako sa kanila at umalis na.
Nag-aantay ako ng tricycle dito sa may kanto, napansin kong madalang ang dumadaang tricycle kaya tiningnan ko ang relo ko at dun ko napagtantong alas otso y media na pala ng gabi! Ganun na ata kami ka-busy na halos hindi namin namalayan ang oras. May bumusina sa akin kaya napatingin ako, tricycle pala, may bakante ito sa loob kaya sumakay na ako agad. Sa kasunod na kanto ay may sumakay din na lalaki at dahil gabi na ay hindi muna ako naglabas ng cellphone at inobserbahan ang tricycle, puro lalaki pala ang nakasakay dito kaya medyo kinakabahan ako. Unti-unting nawala ang kaba ko nang bumaba din sila isa-isa.
Ako na lang ang natirang sakay kaya naman chineck ko ang phone ko at hindi na ako nagulat na makitang may 5 missed calls na ako mula kay mama. Pinatay ko ulit yun at sumilip sa labas—parang may kakaiba sa daan—sa isip-isip ko. Hindi ko nakita yung tindahang malaki na laging dinadaanan. Binalikan ko ng tingin ang nadaanan namin pero wala talaga kaming tindahang nadaanan.
Papara na sana ako pero mas bumilis ang pagpapatakbo kaya napahawak ako sa bakal sa tabi ko, lumiko ang tricycle at dun ay kinabahan na ako. Napatingin ako sa driver at papara na sana pero hindi ako makasalita ng maayos dahil sa kaba ko, para akong masusuka kapag binuka ko ang aking bibig pero pinilit ko pa ring magsalita,
"Kuya para na po! Dito na lang po kuya!"
naiiyak na at paulit-ulit kong banggit pero parang bingi ang driver na ito.
"Kuya please!" muli kong pagmamakaawa.
Bigla kong hinanap ang phone ko at tumawag kay mama, sa pagtawag ko ay biglang nagpreno ang tricycle at muntik pa akong masubsob sa harapan at mabitawan ang cellphone ko kung hindi ako agad nakahawak sa bakal na nasa gilid ko. Liblib na lugar at puro damo ang pinaghintuan ng sinasakyan kong tricycle. Nanginginig ako sa takot at hindi ako makagalaw kaya tinitigan ko na lang ang driver na dali-daling bumaba at lumapit sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/248568493-288-k905991.jpg)
BINABASA MO ANG
Tricycle
Misteri / ThrillerMga hindi inaasahang pangyayari na sa isang iglap ay wala na ang ating mga minamahal. Hindi natin hawak ang ating buhay, hindi natin alam ang susunod na mangyayari sa atin at kahit anong ingat kung oras mo na, oras mo na. Si Carla Los Ángeles ay isa...