Chapter 32:Fever

14.1K 769 128
                                    

HIREIN'S POV

Nagising nalang ako dahil sa ingay na nanggagaling sa labas.Idinilat ko ang mata ko at iginala ang paningin ko.Teka,nasa van parin ako?Tumingin ako sa labas at napagtanto ko na nasa harap na kami ng building dormitory.Nakita ko rin na nasa labas ang lahat ng SE.Agad naman akong nagtaka.

Ang sakit ng ulo ko.

"Gago,hindi Ganyan ang pagkakabit nyan"

"Ganto,Gago"

"Wag nga kayong maingay!"

"Ang ingay nyo,baka magising si Prinsesa"

"Eto kasi e!"

"Anong ginagawa nyo?" Agad silang napatingin sa akin.Nakangiti naman ako.

"Yan!ang iingay nyo kasi!" Galit na sabi ni Jack.

"Ah...eh..nagkakabit ng tent" sabi ni James sabay kamot ng ulo.

"Bakit kayo magtetent?" Sabi ko habang nakasilip sa bintana ng van.

"Ah...eh..dito namin balak matulog eh" sabi naman ni Kyle.Agad naman akong nagtaka.

"Bakit?Bakit dyan kayo matutulog? E may dorm naman kayo ah"

"Eh....babantayan ka sana namin" nangunot namn ang noo ko.

"Ano?Bakit?"

"E hindi ka namin maipasok sa kwarto mo.Alam mo naman na bawal ang boys sa girls dormitory"

"E bakit hindi nyo ko ginising?"

"Ayaw ni Clint.Ang himbing daw kasi ng tulog mo"inilibot ko ang paningin ko sa paligid at wala ang iba.

"Nasan sila Clint?"

"Nasa dorm kumukuha ng ibang gamit"lumapit naman sakin si Mike ng may pag-aalala." Princess okay ka lang?"umiling ako at hinimas ang aking sintindo.

"Masakit ang ulo ko.Feeling ko lalagnatin ako" matamlay kong sabi.Hinipo naman nya ang leeg at noo ko at agad na nanlaki ang mata nya at nataranta. Anong nangyari dito?

"Tawagin nyo si Clint!Bilis!Si Princess!" Natatarantang sabi ni Mike.Agad na lumapit naman ang iba samin.

PART 1:The Only Girl of Section Eleven | Only Girl Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon