Naglalakad sila kenji at juno papunta sa mission hall upang kumuha ng mission, may suot na balabal si kenji habang si juno naman ay may suot na maskara ayaw ng maulit pa ni kenji ang nanyari sa kaniya ng unang pasok niya dito masyado siyang nakaagaw ng atensyon mula sa mga tao, nakarating na sila kenji sa mission hall at makikitang tahamik lang ang dalawa na nagmamasid sa kanilang paligid.
Pumasok na sila kenji sa mission hall ng parang normal at gaya ng kaniyang inaasahan walang nakakilala sa kaniya dahil sa kaniyang balabal, diretsong naglakad si kenji patungo sa mission board habang nakasunod lamang ang batang si juno sa kaniyang likuran.
pagkarating nila sa mission board agad na namili si kenji ng madaling mission na may magandang pabuya habang si juno naman ay hindi mapigilan ang paglinga linga sa kaniyang paligid dahil sa dami ng tao sa kaniyang paligid, napansin naman nito ni kenji kaya binilisan niya ang pagkuha ng kanilang mission upang makaalis na sila dito, ilang sandali pa ay nakakita si kenji ng isang magandang mission para sa kanila at mabilis na lumabas sa mission hall.
Pagkalabas nila sa mission hall ay dun palang tinangal ni juno at kenji ang kanilang maskara at balabal, tapos pinaliwang ni kenji ang kaniyang nakuhang mission habang nakikinig lamang si juno kay kenji.
Mission: Get 10 fangs of viper snake in Ittorium forest
Mission difficulty: Class F
Rewards: 1x Container ring
25 silver coinsPagkatapos ipaliwanag ni kenji kay juno ang mga mission na nakuha niya nagtungo agad sila sa ittorium forest na katabi lamang ng Mirasol town.
Halos tatlong oras silang naglakad bago sila makarating sa ittorium forest isa lamang maliit na kagubatan ang ittorium forest ngunit marami pa ring malalakas na vicious beast sa pinakailalim na parte ng kagubatan na ito kaya hindi sila pwedeng magpakampante.
Nang makapasok na sila sa kagubatan mga huni ng ibon at mga kuliglig lamang ang kanilang naririnig dito habang naghahanap ng viper snake.
"talasan mo ang iyong paningin juno" wika ni kenji na nagmamasid sa kapaligiran na parang isang leong naghahanap ng makakakain.
tumango naman ang bata at tinalasan ang kaniyang paningin, maya maya pa at may nakita itong dalawang ahas na nakasabit sa isang puno at dahan dahang nilapitan ito ni juno at dahan dahang itinaas ang kaniyang espada handa ng hatiin ang ahas na magkadikit.
SHOOOOOSSSS
biglang nahati sa dalawa ang dalawang ahas habang naglililikot ang kanilang katawan, kinuha ni juno ang dalawang ulo ng ahas at tinanggalan ito ng mga pangil. maglalakad na sana siya ng biglang may pumulupot sa kaniyang katawan, paglingon niya sa kaniyang likuran isang malaking ahas na halos kasing laki niya ang pumulupot sa kaniya nabitawan ni juno ang kaniyang hawak na espada at nagpupumiglas na makawala ngunit masyadong malakas ang ahas.
"Haaaaaaaaaaaaaa" ginamit na ni juno ang kaniyang buong lakas upang makawala sa ahas at laking pasalamat niya ng bumitaw ang ahas at dali dali niyang kinuha ang kaniyang espada at nanghihinang lumayo sa ahas.
Habang sa hindi kalayuan nakarinig si kenji ng sigaw at dali dali niya itong pinuntahan dahil sigurado siyang si juno yung sumigaw nang makarating na si kenji sa pinagagalingan ng sigaw nakita niya si juno na halos maubos na ang enerhiya sa pakikipaglaban sa isang Viper Queen Snake na isang 1st level Two Star.
Lumapit si kenji kay Juno na ngayon ay halos hindi na makatayo, dali dali niya itong binigyan ng healing potion na gawa niya dahil halos ubos na ang healing potion ni juno dahil sa pakikipaglaban sa ahas.
"Magpahinga ka muna jan ako na muna ang lalaban dito" nakangiting sabi ni kenji at bigla na sumugod papunta sa ahas.
"Sssssssss" at sumugod din ang ahas patungo sa binata sinalubong ng ahas ang espada ni kenji kaya nahati ang buntot ng ahas ng ganon kadali.
Napangiti naman ang binata dahil sa nangyari sa buntot ng ahas na ngayon ay nagwawala na dahil sa pagkaputol, ngunit bigla nalang sumugod sa kaniya ang ahas ng pagkabilis bilis kaya nakatangap ito ng sugat sa balikat.
"Shit hindi ko yun nakita" bulong ni kenji at biglang naging alerto dahil sa papasugod na uli ang ahas.
Samantala habang nagpapahinga si juno nanonood lamang siya ng laban ng kaniyang kuya hindi niya akalain na magaling itong makipaglaban pero hindi niy gusto maging pabigat lamang dito kaya ng makita niyang nahihirapan si kenji ay sumali na siya sa laban.
Hindi nagtagal dahil sa mga pinsalang natamo ng viper queen snake mula kina kenji at juno nanghina ito hindi naman sinayang ni kenji ang pagkakataong ito at hinati niya na agad ang ulo ng viper at kinuha ang mga pangil at inilagay sa container ring.
"ipagpabukas nalang muna natin ang pagkuha ng isa pang misyon kailangan muna natin bumalik sa mission hall at kunin ang pabuya tsaka magpahinga hanggang bukas alam kong napagod ka ng husto" wika kenji at naglakad n palabas ng ittorium forest.
Papunta sila ngayon sa mission hall upang kunin ang pabuya sa kanilang mission habang na nakasuot pa din sila ng maskara at balabal.
habang papasok sila sa mission hall maraming nag uusap at makikita ang galak sa kanilang mga mukha.
"Siguradong magiging kapanapanabik aang guild match na gaganapin ngayon taon"
"balita ko maraming silver rank ngayong taon ang nangungunang guild"
"oo nga eh siiguradong ang dragon knigth guild na naman ang mangunguna ngayong taon"
Bulong bulungan ng nga tao sa kanilang paligid, hindi naman ito maintindihan ni kenji kaya nagtanong napatingin ito kay juno na nakuha naman agad ang ibig sabihin nig binata..
"Ang guild war kuya ay isang uri ng paligshan ng mga guild dito nila pinapakita ang totoong lakas ng bawat isa, at ang kasalukuyang nangunguna ay ang Dragon Knight Guild kasunod ang Serpent Guild ang pangatlo ang Silver Wolf Guild sila ang pinakamalalakas na guild dito sa Metropa kuya" mahabang paliwanag ni juno sa binata na ngayon ay mababakasan ng kagalakan sa kaniyang mukha.
Hindi na nagsalita pa si kenji at kinuha na nila ang pabuya na 1 container ring na binigay niya kay Juno at ang 25 silver coins ay kaniyang tinago.
kasalukuyang nagpapahinga si Juno habang si kenji ay patuloy sa pagbabasa sa sa mastery book, marami na siyang natuklasang bagong mga weapons na wala pa sa kanilang mundo ngayon pero bago niya ito magamit kailangan niya muna makatapak sa silver rank dahil hindi niya makakaya ang enerhiya nito.
Isa ng 9th Star Warrior Rank si kenji at binabalak niyang tumungtong sa elite rank ngayon at dahil 9th star na siya pwede na niyang gamitin ang Advance Warrior pill na galing sa kaniyang natutunan sa mastery book ng kaniyang itay, ang pill na ito ay kayang pataasin ng isang antas ang iyong kakayahan pero dapat ang isang nilalang ay nasa 9th star na upang ito ay gumana isa itong kayumanging pills na halos kasinglaki lang ng normal na gamot.
Nang ininum na ni kenji ang pill bigla siyang nakaramdam ng init sa kaniyang katawan at nagsisimula na siyang mahilo dahil parang binibiyak ang kaniyang ulo dahil sa sakit na kaniyang nararamdaman pagkalipas ng ilang sandali biglang nagdilim ang kaniyang paningin.
Samantala sa kabilang banda patuloy na namamangha sa Juno sa kaniyang nakikita.
Napapalibutan ng isang gintong aura si Kenji sa kasalukuyan at wala siyang alam tungkol sa dito.
____________________________________________
BINABASA MO ANG
Godlike Emperor
FantasyIto ay kuwento ng isang binata na kinuhanan ng pamilya at naglalayon na bumuo ng isang puwersa na naglalayon na bagohin ang mundong ignorante pa sa teknolohiya.