Chapter 5: Return

175 37 5
                                    

Nagising si kenji sa hindi kilalang silid, nakabenda ang kaniyang katawan at nung sinubakan niyang tumayo

"Arghh" hiyaw ni kenji dahil sa pananakit ng kaniyang katawan.

"Huwag mo munang piliting tumayo binata" Isang tinig ang nagpabaling sa kaniya sa kaniyang likuran.

"Anung nangyari ginoong kraden?"

"Mukhang naging maayos na yata ang pakikitungo mo sa akin binata" nagugulat na wika ni kraden.

Napaiwas naman ng tingin ang binata sa sinabi ni kraden "maayos ako makitungo sa maayos ang pakikitungo"

"Tungkol naman sa iyong mission"Naging interesado ang mga tingin ng binata at umaasang napatay niya ang pinuno ng mga lobo."Nagtagumpay ka binata napatay mo ang pinuno ng mga lobo at nagsialisan na rin ang mahihinang vicious beast sa lugar" wika ni kraden.

"Mabuti naman kung ganun"naging maginhawa ang kalooban ni kenji ng malaman niyang nagtagumpay siya sa kaniyang mission.

"Sa totoo lang kaya naman naming paaalisin ang mga vicious beast na iyon ngunit nag aalala lamang kami sa mga matatanda at bata na baka may umatake sa kanila pag wala kami" wika ng ni kraden.

"Bakit nga ba kayo dito naninirahan ginoong kraden?, halos parte na ito ng kagubatan tsaka kokonti lang ang may kayang lumaban sa inyo dito" tanong ni kenji.

"Gusto ko mang lumipat hindi papayag ang aking mga nasasakupan dahil na rin sa galit nila sa silver wolf guild" sabi ni kraden

"Silver wolf guild?" nagtatakang tanong ni kenji.

"Sila ang top 3 guild sa buong maetropa na walang ginawa kundi ang pagnakawan ang mahihinang bayan" makikita ang galit sa mukha ni kraden.

"Kung gayon bakit hindi ito pinipigilan ng nakatataas?" nakakunot na tanong ni kenji dahil sa isiping walang ginawang aksyon ang palasyo ukol dito.

"Yun din ang aming tanong ngunit hindi kami tinuutugunan ng mga ito, sa aming palagay may promoproteksyon sa silver wolf guild na nasa mataas na katayuan"

Naisip ni kenji na maaring ang silver wolf guild din ang gunawa ng pag atake sa kanilang bayan.

"may impormasyon po ba kayo kung anu anung bayan ang mga inatake ng silver wolf guild?" tanong ni kenji dahil malakas ang kaniyang kutob na ang silver wolf guild ang may gawa ng pag atake sa kanilang bayan.

Godlike EmperorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon