Chapter 1: His Legacies

273 41 2
                                    

Dumating ang pinakahihintay na araw ni kenji at ito ay ang kaniyang kaarawan hindi na nag abala si Kenji na magdiwang dahil ang gusto niya lang malaman ay ang kuwento ng kaniyang lolo tungkol sa kaniyang magulang.

"Maligayang kaarawan apo" Nakangiting bati ng kaniyang mahal na lolo sa kaniya. Hindi mapigilang mapangiti ni kenji dahil ang kaniyang lolo nalang ang natatangi niyang kayamanan sa buhay, wala na siyang mga magulang at hindi niya lamang ito nasilayan dahil sa kaniyang pagkakaalala ang kaniyang lolo na ang kaniyang kinalakihan simula pagkabata

"Maraming salamat po lo" Nakangiting sambit ni kenji. Si kenji ay may asul na buhok, asul na mga mata, matangos na ilong at saktong pangangatawan para sa labing walong taong gulang na binata.

"Marahil ito na ang tamang panahon upang malaman mo ang tunay na nangyari sa iyong mga magulang apo" sabi ng matanda na wala na ang ngiti sa kaniyang mukha. Nakatuon lamang ang atensyon ni kenji sa kaniyang lolo at naghihintay ng sasabihin nito at nagpatuloy naman sa pagsasalita ang matanda ng mapansin niya ito.

"Marahil nagtataka ka kung bakit ako nalang ang nag aalaga sa iyo, yun ay dahil sa ang iyong magulang noon ay isa sa mga lumaban sa mga nilalang na lumusob sa ating mundo. Ang iyong ama ay isang kilalang pinakatalentadong tao sa panahon namin napakarami niyang hinawakang propesyon tulad ng blacksmith, Alchemy, at marami pa habang ang iyong Ina naman ay isa sa  pinakamakalakas na tao sa mundo ang kaniyang antas ay isang 8th Star Diamond Rank" Huminto sa pagkukuwento ang matanda at umubo bago nagpatuloy sa kaniyang pagsasalaysay " Noong nalaman ng mga magulang mo na maaaring maubos ang ating race agad na gumawa ng paraan ang iyong ama upang maitago kayo ng mga kabataan sa ligtas na lugar at yun ay ang  planetaryship na ngayon nasa aking pangangalaga ibinilin ka sa akin ng iyong mga magulang para gabayan ka sa iyong paglalakbay sinabi ng iyong mga magulang na sa pagtungtong mo sa tamang edad ay sabihin ko ang aking mga nalalaman sa iyo at ibigay ang tatlong bagay na iyong kakailanganin"

Halos hindi makapaniwala si kenji sa mga sinabi ng kaniyang lolo pero hindi ito magsisinungaling sa kaniya dahil kilala niya ito.

"Anong klaseng mga bagay po lo" pinipilit na pakalmahin ni kenji ang kaniyang boses kahit papaano.

Ngumiti naman ang kaniyang lolo at naglabas ng mga kakaibang bagay sa kaniyang container bag.

"ito ay tinatawag na Divine Lenses ito ay isa sa sampung  Divine Item sa buong kalawakan na pag aari ng planetang
arcania maari nitong masuri ang isang walang buhay na bagay na iyong titingnan at ito ay galing sa iyong ama" paliwang ng matanda sa kaniyang apo na may ngiti sa labi.

Godlike EmperorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon