Three

5 0 0
                                    

Three


"ANO na naman ba ang ginagawa mo dito?" Angil ni Divine kay Alinor nang maabutan niya itong kumakain sa kusina. Talagang feel at home na ang loko at mukhang ayos lang 'yon kay Mama.

"Your mom invited me here for breakfast since tinatamad akong magluto kaya ako nandito," sagot nito.

Umupo siya sa kaharap na upuan nito at nagsimulang maglagay ng pagkain sa plato. "Walanghiya ka rin pala 'no?" Saad niya dahilan para mabulunan ito at napapantastikuhang napatingin sa kaniya.

"Like I said, inimbitahan ako ni Aling Marie!" Depensa nito na iningusan niya lang.

"Asus ginamit mo pa si Mama, hindi mo na lang aminin!" Giit niya at nagsimulang kumain. Hindi niya na ito pinansin at nag-focus na lang sa pagkain pero napatingin siya dito nang magsalita ito.

"Saan mo inilalagay ang kinakain mo?" Takang tanong nito. "Ang lakas mong kumain pero ang payat mo pa rin."

"Tumahimik ka nga, nagfo-focus ako sa pagkain eh!"

"Ba't ba ang init ng ulo mo sa'kin? Simula nang makarating ka dito palagi na lang mainit ang dugo mo," saad nito at binuntunan'yon ng tawa.

Wala gana niya itong tinignan at nginisihan. "Fyi, mainit ang ulo ko sa lahat ng bagay, hindi lang sa'yo kaya 'wag kang assuming saka ganito talaga ako and it's none of your business."

Natigilan siya at napatingin sa entrada ng kusina nang may biglang pumasok, akala niya'y Mama niya 'yon pero si Yasmin pala, ang nakababata niyang kapatid na ngayon ay nagtatakang nakatingin sa kanila ni Alinor.

Tumayo siya at sinalubong ito ng yakap. "Sistah! How are you? Na-miss kita!" Bungad niya dito pero na kay Alinor pa rin ang atensyon nito.

"Anong ginagawa mo dito, Kuya Ali?" Takang tanong nito saka bumaling sa kaniya. "Bakit magkasama kayo?" Tanong naman nito sa kaniya. Nababasa niya ang pang-uusisa sa mukha nito na para bang may ginawa silang kababalaghan ng lalaki kahit wala naman.

"Ano ka ba, Sis! Inimbitahan siya ni Mother dito para mag-almusal, kinakausap ko lang siya baka sabihin niyang snob ang anak ni Marie," paliwanag niya.

Muli itong bumaling kay Alinor at pinukol ng masamang tingin ang binata. "Pagkatapos mo diyan umuwi ka na sa bahay mo," seryosong saad nito, "Saka lubayan mo ang Ate ko," dagdag pa ni Yasmin saka umalis.

Napalabi naman siya at tinignan si Alinor. "Sorry... Pagpasensyahan mo na yung kapatid kong 'yon. Kung mainitin ang ulo ko, mas mainitin ang ulo nun," saad niya at muling pinagpatuloy ang pagkain niya. Napansin niya namang napatango na lang ito at hindi na nagsalita.

HABANG nasa k'warto si Alinor at prenteng nakaupo sa kama ay hindi pa rin mawala sa isip niya ang nangyari kaninang umaga.

Kilala niya si Yasmin na palangiti at kalmado pero iba yata kanina? Base sa pagsasalita nito kanina'y parang kukunin ko ang ate niya sa kaniya.

Napabuntong-hininga siya at napabaling sa balkonahe kung saan kita niya si Divine na seryosong nagbabasa ng libro. Hindi niya maiwasang mapangiti sa tuwing kumukunot ang nuo nito at nagsasalubong ang kilay na para bang hindi gusto ang nababasa.

I wonder what happened to her 2 years ago? At kung bakit biglang naging protective si Yasmin sa ate nito?

Wala siyang balita sa mga ito dahil umalis siya ng bansa para asikasuhin ang negosyo ng parents niya sa America at kababalik niya lang nung isang buwan. Wala rin namang nai-kuk'wento si Aling Marie sa kaniya at para bang sinasadya nitong hindi magsalita tungkol sa panganay nitong anak.

Just a One night standTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon