Chapter 18

1 1 0
                                    

Kinakaban man ay napilitan si Elianna na sundin ang lahat pinapagawa sa kanya ni Jillian katulad ng pinaligo sya nito sa isang tub na may mga dahon,pabango at herbs.

Kasama nya sa paliligo ang assistant nito at nagtagal sya sa tub ng isang oras.

Muntik pa ngang makatulog si Elianna sa amoy nito kundi lang sya ginising ni Klea,ang pangalan ng assistant ni Jillian.

"Miss Elianna. Pinapatawag na po kayo ni Madam Jillian."

Napalingon si Elianna kay Klea at marahang tumango.

Nasa harap sya ng malaking salamin sa loob ng magarang cr ng botique ni Jillian.

Halos buong bahay na nga yata ni Elianna ang CR.

Magagara ang mga gamit nito gaya ng bath tub, shower room at nakahiwalay din ang bowl.

Sa harapang bahagi naman ng cr ay ang malaking salamin at ang mga magagarang gamit sa katawan at kung ano-ano pang sabon at lotions.

Nakakalula ang mga gamit na nakikita ni Elianna lalo na ng nakapasok na sya kanina sa hilera ng mga damit bago ang reception area.

Nakasabit ang napakaraming magagarang damit sa bawat daraanan ni Elianna.

Bago sya makarating sa make-up tranformation slash fashion trends ni Jillian na nakasabit sa may itaas nang isa pang bahagi ng loob ng botique.

Napag-alaman nyang fashion designer at make-up artist pala si Jillian.

Huminga si Elianna ng malalim habang nakamasid sya sa harapan ng salamin.

She immediately thought of how would her looks after this make over.

Magbabago nga kaya ang status nila ni Kayden pagkatapos ng transformation nya?

Napahinga sya ng malalim.

Pagkatapos ay matuling lumakad si Elianna palabas ng CR.

"I would prepare you a V-shape hair, brown color since you have a fair skin and a bangs. Have you try bangs Elianna?"

Maarteng turan ni Jillian sa gilid nya at bahagya pang nakataas ang kilay.

Iling lang ang naisagot ni Elianna.

Nakaupo ang dalaga sa isang malaking salamin at may nakakasilaw na spotlight sa gilid nya para daw mas makita ng make up artist ang mukha nya.

Kasama din nila ang isa pang assistant nito na pinakilala sa kanyang Haydee.

"You know what girl? Your cheeks is so cute. Bagay na bagay sayo ang mag bangs para ma emphasize pa lalo ang umbok ng pisngi mo."

Bahagya itong natawa at nagpatuloy sa pagsasalita.

"Your so lucky, you have a one hot, gorgeous with ozzling sex appeal friend.I don't believe that Kayden is doing this for your self-esteem. I believe he do this for himself also. Just don't get me wrong okey? Kayden is a nice guy. Just appreciate what he was doing coz that what he is. Maraming beses ko ng napatunayan ang kabaitan ng lalaking yan girl.Kaya kung ako sayo hindi ko na papakawalan pa yan."

Kumabog ang puso ni Elianna sa sinabi nito. Parang gusto nyang magtatalon sa tuwa dahil tumpak ang lahat ng sinasabi nito tungkol sa binata.

At kung talagang swerte nga si Elianna ay susundin nya ang payo nito na wag na nyang pakawalan pa ang binata.

"Anyway, lets start. Mukhang napapahaba na ang usapan natin dito."

Makalipas ang isang oras ay natapos na din sa wakas ang nakakangawit na pag-upo ng dalaga sa harap ng salamin dahil sa pagrerebond sa buhok nya.

Love of my life (Completed)Where stories live. Discover now