Chapter 19

2 0 0
                                    

Habang nasa sasakyan ay napagpasyahan ni Kayden na manuod ng sine.

Maingat na ipinaparada ni Kayden ang sasakyan nito.

Lihim nyang pinagmamasdan ang binata. Hindi maalis sa isip nya ang eksena kung saan ito ang kanyang groom at sya naman ang bride. Si Kayden na yata talaga ang kanyang man of her dreams.To think that she wants to marry this guy made Elianna giggle.

Nakagat nya ang ibabang labi ng magtama ang kanilang mga mata.

"Your so preety Elianna. The moment i first saw you i knew that your so pretty in a simple way."

Kumabog ng husto ang puso ni Elianna ng marinig ang sinabi ni Kayden.

Kumikinang ang mga mata nitong nakatingin sa kabuuan ng mukha nya.

Hindi malaman ni Elianna ang gagawin habang titig na titig ito sa kanya at ng dumako ang mata nito sa labi nya ay lalo syang kinabahan.

Domoble lalo ang tibok ng puso nya.

Is Kayden going to kiss her?

"Thank you for making me a part of your life Elianna."

Isang tipid na ngiti ang iginanti ni Elianna sa sinabi nito.

Nanlaki ang mata ng dalaga ng mabilis na inilapit ni Kayden ang mukha sa kanya at hinalikan sya sa pisngi.

Kumabog ng husto ang puso ni Elianna sa gulat at kilig sa ginawa ni Kayden.

Ramdam na ramdam ni Elianna ang mga labi nitong dumampi sa balat nya.Para syang lumutang sa alapaap sa ginawa ni Kayden at pakiramdam nya ay nag-iinit ang buo nyang mukha. First kiss nya ang binata at parang gustong magtatalon ni Elianna sa tuwa kahit pa sa pisngi lang ito.

The moment Kayden kissed her cheeks is perfectly fine.

Kahit pa sa isip ni Elianna ay inaassume nya na sa labi sya nito hahalikan.

Nababaliw ka na talaga Elianna!

Piping pagalit nya sa sarili nya.

"Lets go Elianna."

Mabilis na binuksan ni Kayden ang pintuan nito at ng gumawi sa tabi nya ay matulin nitong binuksan ang pinto at inilahad pa ng binata ang kamay sa dalaga.

"What genre do you like Elianna?"

Tanong ni Kayden habang naglalakad sila papasok sa mall.

Magkasabay silang lumalakad ng binata at ramdam ni Elianna ang mga mata ng ilang nakakasalubong sa mall.

"Romance and true to life stories Kayden."

Tumango lang binata at ng aakyat na sila sa escalator ay ikinawit ni Kayden ang kamay sa hawakan nito na parang binabakuran sya ng binata.Lihim namang syang napangiti. Nasa likuran nya ang binata at hindi sya makalingon dito.Maya-maya habang tumataas sila ay naramdaman ni Elianna ang bulong ni Kayden sa tenga ng dalaga.

"Your indeed a preety lady Elianna that's why everyone is looking at you."

Napangiti si Elianna sa sinabi nito.

"Ikaw kaya ung tinitignan kasi ang gwapo mo Kayden."

Tumawa sya pagkatapos.

"Pahamble pa si Miss preety girl."

"Tigilan mo nga ako Kayden."

Mabilis na lumayo si Elianna sa binata ng makataas ang escalator sa third floor. Sobra-sobrang papuri na yata ang ginagawa ni Kayden sa kanya. Gusto nyang yakapin ang binata sa mga sinasabi nito.Tama nga si Kayden sa pag-aanalized na madaragdagan ang self-confidence nya sa transformation na ito. Looking at the people around her makes Elianna felt preety,noticed and important. Ngayon lang nya naramdaman sa buong buhay nya ang tignan ng mga tao na may halong paghanga.

"Come here Elianna or someone will grab you right away. They might grab you from behind coz you looked rich right now."

Pagkatapos sabihin iyon ay hinila sya sa braso ng binata at inilapit sa tabi nito.Nanlaki ang mga mata nya sa sinabi nito. She can't imagined that she looked rich right now.

"Tinatakot mo ko Kayden noh?"

"Of course not. I'm just protecting you."

Tinignan sya nito sa mga mata. Napangiti nalang si Elianna sa binata ng biglang nitong hawakan ang kamay nila at pinagsalikop. Mahigpit nitong hinawakan ang kamay nya at diretso ang tingin habang naglalakad. Elianna felt secure again. Looking at Kayden right now and telling her that she's protecting made Elianna fall for him ever more.

Pagkatapos manuod ng sine ang dalawa ay inaya ng binata si Elianna na kumain sa isang restaurant. Halos wala pang 15 minuto ang tinatagal nila sa restaurant ay tumayo na ang dalawa. Nasa katapat kasi ng restaurant ang isang malaking supermarket kaya duon daw ang kanilang next destination.

"Come on Elianna. Grab anything you want. It's my treat."

Nilingon nya ang binata na nakakunot noo. Nakahawak ang binata sa cart habang marahang tinutulak ito na wala pang laman.

"What?" Nakatawang ani Kayden.

"Baliw ka talaga Kayden."

"Seryoso ako okey?"

"Ewan ko sayo."

Nilingon nya ang mga nakakasalubong na cart. Ang iba ay puno na ang laman samantalang sila ay wala pa kahit isa. Gustuhin man ni Elianna  na lagyan ng cart ay nahihiya sya kay Kayden. Masyado ng maraming pera ang nagagastos ng binata sa kanya at wala silang relasyon para pagkagastusan nito.

Naagaw ang atensyon ng dalaga ang hilera ng mga gatas. Sa wakas ay nakakita narin sya sa personal ng gatas na pangmayaman.Ito ay ung gatas na nakakahon at fresh milk ang laman. May kasama din itong takip at iyon ay nagmumukhang cute sa paningin ni Elianna.

"You want milk Elianna?"

Napalingon sya kay Kayden at parang bata na tumango.Hindi naman siguro kalabisan sa binata kung magpabili sya kahit isang piraso ng pangarap nyang gatas.Ngumiti naman ito at mabilis na lumapit sa  mga hilera ng gatas at magkakasunod na inilagay ang mga iyon. Nanlaki ang mata ni Elianna ng halos kuhanin ni Kayden ang buong hilera.

"Kayden bakit ang dami mong kinuha? Tama na ung isa masyadong marami yang kinuha mo."

Nilingon sya nito at ngumiti.

"It's okey Elianna. You dont have to worry about this."

"Pero Kayden, walang ref sa bahay, bakas mapanis lang ang mga yan."

"Ayun ba? Okey, Will buy you a refrigerator."

"Sira ka ba?"

Natatawang ani Elianna. Nakakunot noo naman syang nitong binalingan.

"What? I'm serious."

Napatawa si Elianna sa mukha ng binata. Seryoso ang mukha nito at iyon ang ikinatawa nya.Dahil lang sa mga gatas ay bibilhan na sya ni Kayden ng ref? Kayden is really sweet and sometimes funny. She thought.

Dahil sa naging reaksyon ni Elianna sa sinabi ni Kayden ay itinigil na ng binata ang paglalagay ng gatas sa cart nila. Halos 20 piraso yata ang nahakot ni Kayden. Maya maya ay tumabi ito sa kanya at marahang itinulak ang cart nila at nagsalita.

"You're not treating me seriously Elianna."

Anito na hindi sya nililingon.Lalo syang natawa sa sinabi nito.

"Hindi naman sa hindi kita sineseryoso Kayden. Ang sakin lang, sobra-sobra na ung naitulong mo at malaki na ung utang na loob ko sayo."

Napayuko si Elianna.Ngayon sya tinatablan ng hiya pagkatapos ng buong araw na magkasama sila ng binata. Mula ng bihisan sya nito ng magarang damit hanggang sa buong maghapon ay ang binata na ang gumagastos para sa kanilang dalawa. Idagdag pa ang mga bibilhin daw nito para sa kanya.

"It's nothing okey? As long your happy then its worth it." Seryosong ani Kayden habang nakatingin ng deretso sa mga mata ng dalaga.

Napahinga nalang ng malalim si Elianna. Kumakabog nanaman kasi ang puso nya sa mga banat nito.

Hay Kayden, ang lakas talaga ng potential mo bilang boyfriend ko.

Lihim na napangiti si Elianna sa naisip.


Love of my life (Completed)Where stories live. Discover now