Chapter 10

4 0 0
                                    

Marahang naglakad si Elianna sa sala nya at alanganin ang mukha.

Nakasuot kasi sya ng simpleng pantalon at simpleng tshirt na kulay dilaw.Nakasandals din si Elianna.Halos inabot na ng kalahating oras ang dalaga sa pagligo dahil first time nyang makakasama si Kayden sa labas. Idagdag pa ang paghahanap ng babagay na damit. Huminga sya ng malalim.

Kaya mo yan Elianna!

Pagpapalakas nya ng loob sa sarili. Pagkatapos ay binuksan ang pintuan.

Mabilis na lumingon si Kayden ng makita sya. Nakaupo ito sa tabi ng puno ng mangga. Sa gilid ng bahay.

Ngumiti ito ng makita sya.

"Lets go?"

Tango lang ang naisagot ni Elianna. Hindi nya makita sa mukha ni Kayden kung ano ang reaksyon nito sa suot nya. Lalong kinabahan si Elianna. Bakit naman kasi hindi muna nya tinanong kung saan ba sila kakain na restaurant. Napahugot sya ng hininga.

Bahala na nga.

Pagkalabas ng dalawa sa gate ay matuling hinila ni Elianna ang bakal na bakod at isinusi ito.Pagkatapos maisusi ni Elianna ang padlock ay umunat sya ng tayo.

"May dala ka palang sasakyan Kayden?"

Gulat na tanong ni Elianna sa binata. Hindi nya kasi napansin ang kulay pulang kotse nito na nakaparada sa di kalayuan.Nandun si Kayden na naghihintay sa kanya habang hawak ang nakabukas na pintuan ng kotse.

"Yeah. I'ts mine."

Simpleng tugon ni Kayden. He sound like he did'nt want to boost his property.

Ngumiti nalang si Elianna at lumakad papunta sa kotse nito. Kayden did'nt failed to amazed her. Ngayon lang sya nakakilala ng lalaking hindi nagyayabang. Or maybe its Kayden himself kaya puring puri ng dalaga.

Pagkatapos makaupo ni Elianna sa kotse ni Kayden ay matulin ding nakapasok ang binata sa sariling sasakyan. Tahimik nitong pinaandar ang sasakyan kaya natahimik narin si Elianna. Pinagala nya ang tingin sa sasakyan nito. Malinis na malinis ang dashboard ni Kayden at sobrang bango pa ng sasakyan. Halatang mayaman ang mang ari nito.Naisip ni Elianna.

Wala pang alam tungkol sa binata si Elianna. Nahihiya naman syang magtanong. Siguro hihintayin nalang nyang mag open up ang binata sa kanya gaya ng ginawa nya dito noon.

Makalipas ang mahigit bente minutong pagbabyahe ay inihinto ni Kayden ang sasakyan sa tapat ng isang restaurant.

Binasa ni Elianna sa isip ang pinagparadahan ni Kayden di kalayauan sa restaurant. Nakasulat sa taas nito ang House of Blues. Moderno ang disenyo at kulay asul ang mga letra.

"Were here."

Napalingon sya sa binata. Nakangiti sya nitong nilingon kaya  kusang kumabog ng mabilis ang puso ni Elianna. Mukhang hindi parin yata sya sanay sa ipinapakita ni Kayden na kakaibang pakiramdam. Huminga sya ng malalim pagkatapos.

Pagkababa nito ay pinagbuksan sya ng pinto ng sasakyan nang binata at inalalayan sya nitong makapasok sa restaurant.

"Here."

Pinaghila sya ni Kayden ng bangko sa may tabi ng malapad na poste. Nakadikit duon ang mga menu ng restaurant. Iniikot ni Elianna ang mata sa loob. Ngayon lang sya nakapasok sa ganoong lugar kaya manghang pinagmamasdan nya ang mga sosyal na gamit at mga bangkuan. May iilang tao na ang kumakain doon.

"Here's your menu. Ma'am and Sir."

Napalingon si Elianna ng may magsalita sa tagiliran nya sabay abot ng menu.

Love of my life (Completed)Where stories live. Discover now