Chapter 3

7 1 0
                                    

Napahinga ng malalim si Elianna ng tuloy tuloy na pumasok si Kayden at walang pag-aalinlangan na umupo sa pwesto nya kanina at inilapag ang dalang baunan.

"Good afternoon Miss, And this is for you."

Sinenyas pa nito ang baunan habang nakatingala kay Elianna na ngayon ay kunot na kunot na ang noo dahil sa lalaking kaharap.

Ang kapal talaga ng lalaki na to!

Mataman lamang na nakatitig si Kayden sa kanya na para bang tuwang-tuwa sa mapang asar na ngiti na nakapaskil sa labi nito.Dahil sa hindi mapigil na emosyon ay pagalit na nagsalita si Elianna.

"Bakit ba bigla bigla ka nalang pumapasok dito hah?!"

Sigaw ng dalaga habang nakapameywang.

"Bukas ung gate mo kaya pumasok na ko." Nakangiting anito.

"Ano?! Panong bukas?!"

"I don't know. Maybe you left it open. So i came right in front of your door." Nangingiti parin ang mokong.

Para namang sasabog sa galit si Elianna. Sa lahat ng makakalimutan nya ay hindi ang maiwang bukas ang gate. Her house is her sanctuary kaya hindi maaring maiwan nya yon ng bukas. Pano nalang kung naabutan sya ng lalaki ng bago nya ito mapagbuksan? Sukat sa naisip ay lalong pang sumabog ang galit ni Elianna sa pangahas na lalaki. Sinamaan nya ito ng tingin.

"Hindi mo ba alam na trespassing yang ginagawa mo ha?! Hindi ka ba marunong tumawag?!"

Frustated na sigaw ng dalaga.

"I can't have your name Miss. Besides i'm already here in your house. You don't have to get mad. I'm here to offer my food and asking your name."

Tinaas pa nito ang dalawang kilay at ngumiti na lalo pang ikinagalit ni Elianna.

"Pero hindi parin sapat yon para bigla ka nalang pumasok dito!"

"Relax Miss. Baka mahigh blood ka. Mainit pa naman ang panahon ngayon. C'mon seat here."

"No way!"

I will never go near you!

Sigaw ng isang bahagi ng utak ni Elianna. Napansin nya ng mawala ang ngiti sa labi ng binata at napalitan iyon ng amusement. Agad namang kinabahan ang dalaga. Ano bang ginagawa ng lalaki sa kanya? Una, nakipagkilala si Kayden sa kanya.Kung ano ano pang kalokohan ang sinabi bago sya hinayaan ng lalaki na makapasok sa bahay nya. At eto naman at nasundan pa. Kayden enter in her house without her permission at ngayon, prenteng nakaupo sa sala nya.

Napabuga sya ng hangin dahil sa tinitimping galit para sa lalaki. Never in her life, made her felt annoyed at dito lang sa lalaki na ito.

"Look, nangangawit na ung leeg ko na tingalain ka. C'mon seat besides me."

Utos nito sabay senyas sa upuang pag aari nya pero nagmatigas lang ang dalaga.

"Ayoko nga sabi e!"

Nanggigil na pinaglapat nya ang mga labi para pigilan na maruhin ang lalaking kaharap.

Sumosobra na talaga ang lalaki na ito. Walang modo at akala mong kung sino kung makapag-utos sa kanya.

"Okey I'm sorry for what i did. Pero talagang nakabukas ang gate-"

"Hindi nga sabi nakabukas yon e!"

Natawa si Kayden sa reaksyon ng dalaga.

Inirapan naman to ni Elianna at marahang binaba ang kamay na nasa bewang. Dahil sa nakalipas na minuto ay parang nabawasan ang galit ni Elianna ng sinabi ni Kayden ang salitang sorry. He sounds really sincere pero hindi nya ipinahalata ito sa binata.

"So, mag-isa ka lang dito?"

Tanong ni Kayden habang dumidikwatro ang mga paa. Iniikot nito ang mata sa buong bahay ni Elianna. Kaya matuling sinusundan ng dalaga kung saan dumadako ang mga mata nito. Mabuti nalang talaga at maagang nakalinis si Elianna ng bahay at halos walang makikitang alikabok.

Pero ano nga ba ang dapat nyang ipag-alala? She don't have to please Kayden at all. Hindi sila magkaibigan ng lalaki. Baka wala lang ito magawa sa bahay nila kaya nambubwisit ng kapitbahay at sya ang minalas na napagtripan nito.

Napabuntong hininga si Elianna, ang malas talaga.

"It's good."

Nagulat pa si Elianna sa boses ni Kayden. Hindi nya namalayan na napatulala nanaman sya kawalan kakaisip sa lalaking kaharap.

At nang salubungin nya ang mga mata nito ay tila may nakatagong emosyon sa mga mata si Kayden. Is it attraction? Paghanga nga ba ang nakita nya? But its imposible. She looks ordinary of an ordinary. She's nothing. She's.... ugly. Sukat sa naisip ay nag iwas ng tingin si Elianna.

She is now planning to sue Kayden. She don't have to known how miserable she is right now.

"Kumain ka na ba?"

Bumalik ang tingin ni Elaina kay Kayden para lang makita ulit ang mapanuksong tingin nito sa kanya. She felt concious right now. How on earth did she manage to stand in front of this guy? Napakagwapo ni Kayden at kung paano nya nakiparaharapan ang ganitong de klaseng lalaki ay hindi na nya alam.

Kayden made her forget everything again. Para bang natural na lumalabas ang mga gusto nyang sabihin sa lalaki without knowing her dilemma. She don't have a confidence everytime she talks to a guy. Ito rin siguro ang dahilan kung bakit walang nagtangkang manligaw sa kanya. Well bukod sa hindi na sya kagandahan, lumalayo din sya sa mga lalaki sa takot na baka pintasan nito ang physical appearance nya. But Kayden, She can be herself.

No.This will be my worst nightmare if  i had fallen for him!

"Pwede ko na bang malaman ung pangalan mo?"

Kumabog ang dibdib ni Elianna sa  masuyong boses na narinig nya kay Kayden. But she want to end this conversation for her to save herself.

"Elianna."

Mahinang bulong ng dalaga ng hindi lumilingon kay Kayden.

"Bakit nag-iisa ka lang dito? Where's your family? Ilang taon ka na Elianna?"

Sa narinig ay parang gustong sumabog ni Elianna sa galit. Paano sya makakawala sa ganitong kakulit na lalaki?

"Nagrebelde ka ba kaya ka umalis sa inyo?"

Galit na nilingon ni Elianna si Kayden. Nakahanda na syang sigawan ito ng tumawa ang binata sa nakitang reaksyon ng mukha nya.

Huminga ng malalim si Elianna para makalma ang buo nyang sistema. Sa nakikita nyang reaksyon ng lalaki ngayon, malamang na natutuwa itong inisin sya. Pwes, She can't buy that. Alam nya ang mga karakas ng ganitong ugali ng mga lalaki. Para saan pa ang pagiging writer nya kung hindi naman nya malalaman ang mga ganitong eksena.

"Oh wait san ka pupunta?"

"Tatawag ako ng barangay tanod."

Matuling lumabas si Elianna sa pintuan ng marinig nyang magsalita si Kayden.

"Wait! Please don't bother to go there. Para ka namang bata e."

This time nakatayo na si Kayden at bahagyang nakalapit sa kanya.

"Ano?! Ako pa talaga ang bata ngayon hah?! Adik ba ka?!"

Sinalubong nya ng tingin si Kayden. Masamang masama na talaga ang timpla nya sa kung ano mang kalokohan ng lalaki. Lahat nalang ng sabihin ni Elainna ay may pang bara ito.

"I'm sorry. Naiinis ka na yata talaga."

Sinsero ngunit nakangiting paliwanag nito. Dalawang dipa lang din ang layo nila sa isa't isa. Naaamoy nya rin ang pabango ng lalaki katulad ng unang pagkikita nila. Nakatingala si Elianna dito, hindi talaga nakakasawa ang mukha ng lalaki, kung hindi lang sya iniinis nito ay baka ito ang gawin nyang bida sa sinusulat nyang story.

Nang biglang magring ang cellphone ng lalaki ay hindi maialis ni Elianna ang tingin dito.

Kinuha ni Kayden ang cellphone sa bulsa nito.

Love of my life (Completed)Where stories live. Discover now