5 (Letting Go)

1.8K 36 16
                                    

Binilang ni Contessa ang mga araw. Dapat ay kahapon pa dumating ang kasintahan niya pero ni isang tawag o text ay wala siyang natanggap mula rito. Mula sa trabaho ay dumiretso na siya sa condo ni Rafael. Baka nagkasakit ito at kailangan ng mag-aalaga. May susi naman siya kaya di siya mahihirapang pumasok.

Napangiti siya nang makitang nasa isang sulok na ang travelling bag nito. Sa pagkakaalala niya ay isang maleta lang ang meron si Rafael. 'Baka dinagdagan ang dala niya.' Kapansin-pansin na wala kahit isang pasalubong man lang. Kahit sa kitchen cabinet, sa ibabaw ng mesa o sa ref kaya.

'Sinabi mo din naman na ayaw mo ng pasalubong, 'di ba?'

Una muna niyang inatupag ang paghahanda ng hapunan. Isinunod ang pagliligpit ng mga kalat. Napansin niyang walang anumang softdrinks o juice sa ref kaya minabuti niyang bumaba muna. May vendo machine sa ibaba. Pabalik na sana siya sa elevator nang mapansin mula sa main entrance ng building ang papahintong sasakyan.

Umabot hanggang tenga ang ngiti niya nang makita si Rafael na pababa ng sasakyan. Pero ang matamis na ngiti ay napawi rin kaagad nang makita kung sino ang kasama nito. Instinct told her na manmanan ang mga kilos ng mga ito. Nagkubli siya sa gilid ng malaking plorera para di siya makita.

Mga hayop!

Ang sweet sweet ng mga ito. Nakapulupot ang babae sa baywang ni Rafael habang nakaakbay naman ang lalaki sa balikat ng babae. Unang tingin pa lang ay iisping may relasyon ang dalawa. Halos lumuwa na ang sex hormones sa ilong at pores ng mga ito at kung makatitig sa isa't-isa, sobrang lalagkit.

Kailan man hindi siya tinititigan ni Rafael ng ganito. Lihim siyang nasasaktan. May dapat siyang malaman pa. Lumulan siya sa isa pang elevator. Sa lobby pa lang ay wala nang patumanggang naghahalikan ang dalawa hanggang sa tuluyang makapasok sa pintuan.

Inipon niya ang lahat ng lakas at ilang sandali din niyang pinaglabanan ang impulse na pumasok. Nahahati ang puso niya sa katotohanan at takot. Sa huli ay nagpasya siyang buksan ang pintuan na hindi matagumpay na naisarado at naharangan ng panlalaking sapatos na basta na lang siguro isinalya. Masyadong nasasabik sa isa't-isa.

Mga taksil!

Gusto niyang isigaw. There is her Rafael. Hubo't-hubad na pinaibabawan ng hubad ding si Samantha. Ang mga damit na hinubad ng mga ito ay basta na lang nagkalat sa sahig. Naglulunoy sa sarap ng kataksilan ang mga ito. Nakapikit at kagat-labi pa ito. Halatang sarap na sarap sa ibabaw ng kama habang naglandas ang mga labi at kamay ni Samantha sa balat nito. Napapaungol pa si Rafael. Indecent words are formed in his mouth. Ang kanang palad nito ay napapadiin sa buhok ng kaniig na ngayon ay nasa mismong sentro na ng taksil na kasintahan.

Hayop.

Masyado pang napalakas ang mura niya at napansin nito na may ibang tao sa loob? Ganoon na lang ang pagtakas ng kulay sa mukha ni Rafael nang makita siya. Napabalikwas ito ng bangon at bahagyang naitulak si Samantha. Tayong-tayo pa ang simbolo ng kataksilan nito.

'Ah, tama na, Contessa. Sapat na ang nakita mo. Hindi ka naman tanga para saktan pa ang sarili mo.'

Labis-labis na sakit ang nararamdaman niya. Pakiramdam niya ay binayo ng malaking maso ang dibdib niya. Her entire world is shaking. Realization hit her. Her dream of building a happy family is clouded with uncertainty now that her cheating Rafael is in love with another woman.

Sobrang sakit. Kumikislot sa hapdi ang puso niya.

Humakbang siya paatras at lakad takbong tinungo ang pintuan wala pa mang nabuong pangungusap Kay Rafael. Sa staircase niya mas piniling dumaan, nanatili siya doon ng ilang minuto, nakaupo sa isang baitang habang malayang pinakakawalan ang luha. Nakakadurog pala ng dibdib ang sampalin ng katotohanan na kahit kailan ay hindi siya maaaring mahalin ni Rafael sa paraang gusto niya. Kailanman hindi siya minahal ng lalaki.

His Cheating HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon