10 (Challenge)

1.4K 34 20
                                    

Ilang araw na rin ang nakalipas simula nang bumisita si Rafael sa resort. Simula ng araw na 'yon, wala na siyang narinig na binanggit pa si Sir Leo tungkol sa lalaki. Ayaw naman niyang magtanong at makarinig ng anuman tungkol sa lalaking 'yon. Malamang ay hindi ito interesado sa property ni Sir Lennard. Masyadong ambisyoso si Rafael. Kesehodang gumamit lang ng ibang tao para lang umangat. Kagaya ng paggamit nito kay Samantha noon. Ano nga naman ba ang mahihita nito sa isang islang kagaya ng Siquijor. Wala rito Ang drive na hinahanap ni Rafael. Sa estado ng buhay nito ngayon, hindi ito nababagay sa tahimik nilang Isla. Siquijudnon are gentle people and Rafael is far from being one. Ano, mahahaluan ng demonyo ang mababait niyang mga kakilala at kaibigan?
Napaismid siya.
No way!
With Rafael away, ibig sabihin ay walang halong toxic materials ang hanging pumapasok sa baga niya.
Papasok na siya sa resort nang mapansin ang mga kalalakihang nagki-clearing operation sa bakanteng bahagi ng property ni Sir Leo.
Kumunot ang noo niya. Ibig sabihin ba nito..
“Tawag tayo ni Sir sa conference.”
Ang sinasabi ng isang staff ang pumutol sa daloy ng kanyang pag-iisip.
Sumunod siya sa mga kasamahan. Umugong ang bulung-bulungan at hinala ng mga kasamahan tungkol sa urgent meeting na ito. May nabuo na siyang hinala sa utak na napatotohanan nang magbukas ang pintuan at nakita si Rafael katabi ni Sir Lennard.
Napintahan na naman ng ismid ang mukha niya pagkakita rito.
“Gusto kong personal na mamaalam at personal na ipakilala sa inyo ang magiging bagong may-ari nitong resort.”   
"Sir, paano na ho kami?”
“Don’t you worry, maayos ko na kayong inihahabilin kay Mr. San Diego. Kasama sa kundisyon ng pagtransfer sa pangalan ng property ang iretain ang sinumang empleyado ng resort.”
Napasimid siya. ibig sabihin magiging amo niya ang lalaking ito. Di sinasadyang napatitig siya kay Rafael na sa kanya din pala nakapako ang paningin at tila matamang pinag-aaralan ang ekspresyon niya.
Walang kangiti-ngiti na nagbawi siya ng paningin. Nang matapos ang pamamalam ni Sir Lennard ay naiwan sila sa mga kamay ni Rafael.
“Good morning!” panimula nito. “Gusto ko lang sabihin, walang magbabago sa employment status ninyo. Maybe may gagawin akong review sa mga status ng employment pero walang tatanggalin. Surely, there will be some changes in the operations. If we intend to continue operating, I suggest for a massive change in the operation of the resort. Habang pinaplano ko ang pagbabago, bawat isa naman sa inyo ay mag-a-undergo ng intensive training based on your area of expertise. Kailangang bawat isa sa inyo ay makakakuha ng NC II certificate ng TESDA.”
Kailan pa ba nagkainteres sa hospitality business ang lalaki?
“Bukas nga pala ng gabi magkakaroon tayo ng salu-salo, that would serve as despedida for Sir Lennard.”
Sa lahat ng sinabi nito, yon lang inayunan niya.
Kahit kailan hindi siya magpapasakop sa lalaking ito. Nang matapos ang meeting ay pumasok siya sa isang silid at gumawa ng liham. Hindi pa man umiinit ang pwet niya sa pag-upo nag muli silang ipatawag isa-isa ni Rafael.
Habang excited ang iba na makaharap ang bagong boss, siya naman ay lihim na nagpupuyos sa yamot. Ayaw niyang mapalapit sa hayop.
“Ate Con, ikaw na.”
Inihanda niya ang sarili. Ito ang pinakaunang beses na mapagsosolo silang muli ni Rafael. Nakaisang katok pa lang siya nang marinig ang boses nito.
“Come in.”
Malamig na buga ng aircon ng dating opisina ni Sir Lennard ang sumalubong sa kanya. Kapag pumapasok siya rito, laging may nakapagkit siyang ngiti sa mga labi pero biernes santo ang mukha niya ngayon.
“Sit down.”
Halatang inaantabayan ang pagpanhik niya at inoobserbahan ang bawat kilos niya. They were like strangers. Simula’t sapol naman ay di siya lubusang kilala ni Rafael.
Nag-angat ito ng mukha.
After all these years, mas lalo itong gumwapo. Life must have favored him so much habang siya ay nahihirapan. Mas umangat pa ito sa buhay, lalong tumatayog habang nalulugmok siya sa pighati.
Unfair. Kung sino ang mapanakit, yon pa ang biniyayaan.
Wala pa mang nabuong salita sa lalaki ay nauna na niyang iabot ang liham na ginawa niya.
“What is this?”
“Basahin mo,” mababa ang tonong sagot niya.
Pinasadahan nito ng basa ang content ng sulat. Nakita niya kung paanong nagpabago-bago ang ekspresyon nito. Hinintay niya ang sasabihin nito.
“Why?”
Sumandal ito sa upuan at mataman siyang pinagmamasdan.
“Nasa sulat ang rason ko.”
Muli nitong sinipat ang bahaging iyon ng liham.
“Just because iba na ang may-ari you are tending your resignation? Nakasalalay ba kay Lennard ang pananatili mo nito?”
“Kailangan bang isa-isahin ko ang paliwanag ko?”
Nainis na siya talaga.
“You can’t work with me kaya ka magriresign. That sounds childish.”
Siya pa ang childish.
“I bought this business with the existing condition na kasama kayo. In short, I am not only buying this property. Kasama kayo sa property na ito.”
Sino ba ang akala nito sa sarili? Dios?
Umalsa ang galit niya. “My resignation is final.”
Tumayo na siya at ipipihit na sana ang seradura nang inisang hakbang ni Rafael ang kinaroroonan niya. Bago pa man makalabas ay naharangan na siya nito. Pigil-pigil nito ang kamay niya habang hawak ang seradura at direkatng nakapatong na sa kamay niya.
Simpleng pagdadaiti lang iyon ng mga kamay pero ganito pa rin ang reaksyon niya. Nagagawa pa rin nitong pakabugin ang dibdib niya ng ganito kalakas at ang katotohanang sobrang lapit nila ni Rafael sa isa’t-isa ay nagpapawindang ng buong sistema niya.
Hindi siya dapat makaramdam ng ganito. Galit at poot ang dapat na namamayani sa puso niya.
"Palabasin mo ako.” Sa wakas ay natagpuan niya ang sariling tinig.
“Bakit ha, Contessa, natatakot kang mapalapit sa akin?”
Sa abot ng kanyang makakaya ay nagtatapang-tapangan siya. Tinigasan niya ang ekspresyon.
“Bakit ako matatakot sayo?”
“Then prove it.”
Ang kapal ng mukha nito. Tsina-challenge ba siya nito? Pwes ipapakita niyang hindi siya apektado ng presensya nito.
“Hinahamon mo ba ako? I’ll prove you wrong, mister.”
Buong lakas niya itong itinulak at matapang itong hinarap at sinalubong ang mga titig nito.
Marahil, naninibago si Rafael sa inasal niya. Hindi na siya ang parang kuting na Contessang sunud-sunuran noon sa lalaki.
“Maupo ka at may pag-uusapan tayo.”
With all formality, kilos at mukha ay naupo siya sa kaharap nitong silya at hinintay ang sasabihin pa nito.
“You cannot just walk away, Contessa.”
“And why is that? Pwede ko namang tawagan at kausapin si Sir Leo at magpapaalam ako.”
Napabuntunghininga si Rafael. Siguro kung noon ito nangyari ay nauubusan na ito ng pasensya kapag nagkataong nagmamatigas pa siya. Wala itong pasensya sa pagpapaliwanag ng mga bagay-bagay sa kanya.
“Masasabi mo pa kaya yan kay Lennard kung sinisiguro niyang mananatili ka sa resort? Na hindi mo iiwan ang mga kasama mo? Lennard make sure you’d stay. Twenty percent ng lahat ng ito ay pag-aari mo.”
Tama ba  ang anrinig niya?
“Bakit naman gagawin ni Sir Leo yon?” wala sa sariling tanong niya.
Lumambot ang ekspresyon niya. Pilit niyang inaaaninag sa mga mata nito ang katotohanan ng mga sinasabi. But Rafael is not the type na magbibiro ng ganitong mga bagay.  
“Ngayon, iiwan mo pa ang resort at ang mga kasamahan mo?
Hindi siya umimik. Nakakahiya naman kay Sir Leo. Ang siste ay magagapos siya at mapipilitang makisama sa taong ito.
“I guess, I’ll stay. As of this moment.”
Saka siya tumayo. Akmang lalabas na siya ng opisina nang marinig niya ang pagtawag ni Rafael sa pangalan niya.
“Contessa.”
Napilitan siyang lumingon. Pero lumipas na yata ang ilang saglit nang walang anumang mga salitang lumalabas sa bibig nito. Tinangay ba ng pusa ang dila nito?
“Nothing,” anito kapagkuwan.

“Shit!”
Napasandal si Rafael sa swivel chair na kinauupuan niya. Hinamig niya ang sarili at ang init na rin na naghahari sa kanya.                Nababaliw ka talaga, Rafael.
Nakalabas na si Contessa pero heto pa rin siya, nakatitig sa nilabasan nitong pintuan. It was an opportunity for him to say sorry pero iba ang namutawi sa bibig niya nang mabasa ang liham nito. nathreaten siya nab aka tuluyan na itong umalis. wala namang legal basis ang sinabi niya. Sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam langs iya ng takot nab aka tuluyan na nga itong umalis.               
Gusto niya lang namang makabawi sa kasalanan niya. Para na rin mabawasan ang bigat na nararamdaman dahil sa kasalanang nagawa niya sa babae noon.
Paano ba niya maitatawa ang init na nabubuhay habang magkalapat ang mga katawan nila? There was something he felt inside. May kung anong warmth na nanulay sa kaibuturan niya na di niya makuha-kuha sa ibang babaeng nakakaniig niya. He never thought his body would react this way simply because of her presence.
Suddenly, he felt a certain longing in his heart.
Longing na sana lumawig pa ang paglalapat ng kanilang mga balat.
He missed her di man niya aminin.
 

His Cheating HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon