11 (Prove It Wrong)

1.5K 31 13
                                    

"Prove it wrong pala ha!"

Napalakas ang pagtadtad ni Contessa sa mga laman-loob na nasa ibabaw ng chopping board. Ang inis ay sa mga hinihiwang ingredients niya ibinunton. Literal na nagpupuyos ang kalooban niya sa 'di masukat na yamot. Pakiramdam niya ay umaalsa lahat ng balakubak niya sa galit. Naiinis siya hindi lang kay Rafael kundi mas sa sarili niya.

"Dino, hanapan mo nga ako ng bayag ng baka diyan."

"Te?" nagtatakang napatitig ang kapapasok na binata sa kusina. Kukuha lang sana ito ng tubig mula sa dispenser.

"Magluluto ako ng Soup Number Five. Bilis!"

Parang kidlat na tumalima si Dino. Siya naman ay kumuha ng aluminum mixing bowl at inilagay roon ang isasahog sana sa lulutuing Paklay para sa mga tauhan at isinantabi muna ang mga iyon.

Nang nasa ibabaw na ng chopping board ay ang pinakukuha kay Dino, yon naman ang napag-initan niya. Tinadtad niya iyon ng tinadtad na parang bayag ni Rafael ang tinatadtad niya.

Hayop!

Ang mga nakapaligid sa kanya ay kapwa nagkakatinginan. Sa tuwina kasi ay kalmado siya at ngingiti-ngiti lang. Ngayon ay naninibago ang mga ito sa biglang sabog niyang temper.

Sunod niyang ginawa ay nagsuot ng gloves at inatupag ang sea urchins na nakasalansan sa isang basket at isa-isa iyong binuksan gamit ang kitchen shears.

"Ate, asan na ang lunch ni boss?"

Eksaktong natapos siya nang siya namang pagpasok ni Liza. Magkasalubong ang kilay niya na tinitigan ito.

"Ikaw pa talaga ang magsiserve sa amo mo? Wala ba yong mga kamay?"

"Hala, si Ate galit."

"O, ayan, yan ang ipakain mo sa amo mo." Nguso niya sa kahit papano ay maayos na nakasalansang mga pagkain sa tray. "Specialty of the house, Raw Sea Urchin at Soup Number Five." Maselan si Rafael sa pagkain. She should know.  

Walang anuman niyang isinalasansan sa tenga ang headphone at inatupag ang iba pang gawain sa kusina.

'Tingnan natin kung hindi lilipad ang lahat ng balakubak mo sa inis pag nakita ang pagkain.'

She silently hoped na sana ay mabilaukan ang 'amo'.

But to her surprise ay nakangiti pang bumalik si Liza sa kusina at iwinawagayway ang wala nang lamang tray.

"Ate, aprubado!"

Talaga bang nagbago na ito? Baka sinaniban ng kabaitan.

'Demonyo 'yon! Demonyo.'

******
Bumalik siya ng Maynila matapos ang pormal na mailipat sa kanya ang pangalan ng property. Ang daming bagay na dapat repasuhin sa bagong business venture niya. Magmula sa improvement ng interior at exterior facade ng resort at ng mga empleyado. Overhaul ang kinakailangan. Hence, he gathered all the best resources he could pull off. Pinulong niya ang pinakamagagaling niyang mga tauhan bilang planning team na siyang mangunguna sa paglalatag ng plano ng renovation ng resort. Ilang araw na binuo ang bagong konsepto at bagong look niyon.

"I want everything to be finalized bago ako muling bumalik ng Siquijor."

Matapos nga ang ilang araw na palugit ay ipinakita na sa kanya ng mga tauhan ang 3D presentation ng nabuong disenyo at konsepto. Isang promising na architect ang itinalaga niyang mangunguna sa team.

"Architect Dionisio, you may start your presentation."

He likes this kid. Naalala niya ang sarili niya noong nagsisimula pa lang siya sa industriya kaya gusto niya itong bigyan ng pagkakataong maipakita pa ang talent nito.

His Cheating HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon