8 (The Encounter)

1.4K 27 16
                                    

"Ate!”
Muntik na niyang mabitawan ang hawak na bowl nang bigla na lang siyang kalabitin ni Liza sa tagiliran.
“Ano ka bang bata ka ha?” pinadilatan niya ito ng mga mata pero mukhang walang epekto dito ang paggalit-galitan niya. 
“Si Ate naman masyadong magugulatin. Parang matanda eh ilang taon ka pa naman.”
Walang inhibisyong umupo ito sa working bench at pinulot ang tinapay na gagawin niya sanang French toast. Breakfast yon ng isa sa mga kakaunting guests nila.
“Ang dumi ng kamay mo.” Tinampal niya ang kamay ng dalagita. “Kagagaling mo lang sa pagha-housekeeping. Mamaya malason ang customer natin at kung anu-anong kemikal ang hinahawakan mo.”
Tinirkan lang siya ng mata ng nakababatang dalaga at isinubo sa bibig ang pagkain. 
“Sayang Te, umuwi ka ng maaga kahapon, di mo tuloy nakita ang gwapong guest ni Sir Leo. Parang prince charming sa mga nobela. Matangkad, matipuno, mukhang mayaman.”
Natatawa siya kay Liza, every time na may gwapong guest ay nag-i-sparkle ang mga mata nito at madalas nitong sabihing crush niya ang kung sinuman yon.
“Gwapo? Ingat ka sa mga gwapo kung hindi man yan babaero, malamang bading.”
Napatayo ito bigla, napapahumindig.
“Hindi ha. Sure ako Te hindi bading yon. Mukha ngang ang yummy, eh. Siguro pag nahalikan ka non, mararating mo ang langit.”
Napapailing siya sa sinabi nito.
“Ke bata bata mo pa, kay laswa na ng iniisip mo,” aniya habang kumukuha ng wire whisk sa cabinet at itlog sa ref at binati iyon sa isang medium sized glass bowl. 
“Sa isip lang naman yon. Syempre di ko gagawin. Teka nga Te, nakatikim ka na ba ng kiss? Ang damot mo sa details ng buhay mo.”
Details ng buhay. Nakapinid iyon sa mga kasamahan. Ayaw niyang magkwento, ayaw niyang balikan ang nakaraang yon. 
“Liza, tantanan mo nga si Ate Contessa. Mamaya yang matabil mong dila ang lulutuin niya para ipakain sa guest,” sawata ni Dino na ikinatawa ng dishwasher na nakikinig lang sa kanila.
"Anong tawag don sa putaheng yon, Dino, Lengua de Liza/" sabat naman ng isa pang kasamahan nila na ikinatawa nilang lahat. 
"Hmp, ako na naman ang pinag-iinitan ninyo," nanunulis ang ngusong angil ng babae.
"Napakaisip-bata mo kasi."
"DIyan na nga kayo."
Nagmartsa itong palabas. Salamat na rin at nang matiwasay niyang magagampanan ang tungkulin. Kapag nagsisimula na siya sa kusina ayaw niyang iniistorbo siya. Soaking herself in the kitchen is her best therapy. Tila kasi sumasabay sa ingay tunog ng mga utensils ang buong isip at sistema niya. 
Apat na dishes lang naman ang ihahanda niya para sa breakfast buffet. Ilan lang din naman ang guests nila. Kung tutuusin ay naging matumal na ang nagpupuntang turista sa kanila. Simula kasi nang magkasakit si Ma'am Clara nong minsang nagbakasyon ang mga ito sa US ay natuon na ang pansin ni Sir leo sa pag-aalaga sa asawa hanggang sa ito naman ang ginupo ng karamdaman. 
Ilang minuto lang naman at natapos na niya ang ginagawa at ngayon ay magkatulong na nilang dinala sa dining ang mga pagkain at personal iyong inayos sa buffet table. Mamaya masilan at metikuloso ang guest. Higit sa lahat, kailangan nila itong iimpress kaya inigihan niya ang food presentation.
"Okay na siguro to."  
Sinipat-sipat niya ang pagkakalagay ng bawat tablewares. Mayaman at maselan daw ang guest. One final touch at nakuntento na rin siya sa kinalabasan ng trabaho. Nang masigurong spotless ang lahat kuntento na niyang iniwan ang lamesa. 
Nakailang hakbang na siya nang mahagip ng kanyang mga mata ang bulto ng katawang papasok sa dining. Hindi niya ugaling makiusyuso sa mga guests ngunit may kung anong nag-utos sa kanya para titigan ang naturang lalaki. Ganoon na lang ang pagtahip ng kanyang dibdib nang mapagsino ito.
Impossible. Nahihirapan ang isip at puso na iproseso ang naghuhumiyaw na katotohanan. 
Of all places, bakit dito pa niya makikitang muli ang taong ito?
Bigla ang pagsukal ng hinanakit at galit sa dibdib niya. Bumabangon ang lahat ng sakit na dinanas niya ng dahil sa lalaking ito. Pinangako niya noon sa sarili na oras na nagtagpo silang muli ay matatag na siya but one couldn't ever prepare for this inevitable reunion. 
In a split second, nag-ugnay ang mga titig nila ng lalaking yon. Those familiar hazel eyes na unang nakaakit sa kanya. But that was in the past. 
Matatag ka na, Contessa. Pinatatag ka ng sakit at panahon.  

Contessa.
Mahinang bulong na kinain lang ng hangin. Ilang ulit siyang kumurap at ito pa rin ang nakikita niya.
Ni sa hinagap hindi niya inakalang makakatagpo niya itong muli ngunit nasa mismong harapan niya ito ngayon. Buhay na buhay. Ngayong nasa harapan niya ito ay di niya malaman kung ano ang sasabihin o gagawin. He is held speechless.
“Rafael, nagkita na pala ni Contessa. You were looking for her, right? Rafael, meet my cook, Contessa. Contessa, si Rafael, ang psoibleng magiging bagong amo mo.”
If not for Lennard na tulak-tulak ng caregiver nito ay hindi niya mapapatunayang totoo ang nakikita niyang Contessa at hindi lang likha ng kanyang imahinasyon.  
“Kumusta, Mr. San Diego, sana naging makabuluhan ang stay mo sa resort.”
She acted as if she never knew him. Una pa itong nakipagkamay sa kanya na parang walang anumang namagitan sa kanila noon. Sa isang iglap ay muling nagdaop ang mga palad nila. Ang pamilyar na init ay umabot sa kanyang puso.
God, he never thought he’d miss this warmth at hindi niya maitatangging may pumitik sa kaibuturan ng kanyang puso. 
Si Contessa rin ang unang nagbawi ng kamay.
“Contessa, here is my most trusted employee. She is more than a cook. She sometimes do the bookkeeping for me and the marketing na rin. And I personally recommend her to tour you around the island. Is that okay with you, Contessa?” binalingan nito ang babae.
“Fine with me ho, Sir Leo. Pero sa tingin ko ay uuwi na naman ho si Mr. San Diego. Maybe, next time, I guess. Yon ay kung magugustuhan niya ang napakabagal na takbo ng buhay natin dito sa isla.” Muli itong tumingin sa kanya. May ngiti man sa mga labi ngunit hindi iyon nakaabot sa mga mata. It was a coomplimentary smile. “If you’ll excuse me.”
He marveled at how much she changed. Hindi pisikal ngunit ang demeanor nito. Malayo na sa Contessang masunurin at iyakin noon. Yong insecure na makipagharap sa mga tao. Suddenly, he misses the old Contessa.
 

Hayop! Hayop!
Gusto niyang sumigaw at magwala. Bakit ang taong iyon pa?
Matapos ang maikling encounter ay palihim siyang pumuslit sa tabing dagat, sa bahaging walang ibang tao maliban sa kanya at doon pinakawalan ang mga luha. Buong lakas din niyang inihagis sa dagat ang anumang mahawakan sa buhanginan. Kahit sa ganitong paraan man lang ay magkaroon siya ng temporary release.
‘No! Hindi ka na iiyak nang dahil sa kanya, Contessa.’
Matapang ka na, mtatag ka na at ang lalaking iyon ang dapat mahiya sayo. 
Hinamig niya ang sarili at pinahid ang namasang mukha bago muling bumalik sa resort na pinintahan ng ngiti ang labi. 
 
 
 
 
 
 
 
 
 




Sana naman sa mga may Dreame diyan, pakifollow ninyo naman ang acount na ito. Salamat talaga..

https://www.dreame.com/search/?kw=grace+ayana

https://web.facebook.com/grace.ayana.54

His Cheating HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon