7 (Almost an Encounter)

1.3K 38 9
                                    

Napapailing na napatitig si Rafael sa paligid. Initially, hindi siya na-impress sa lugar na ito at masyadong old-school ang pagbabarko. Walang bus o coaster. Multicab at traysikel ang pangunahing transportation means at tila mabagal ang usad ng teknolohiya. Well, maybe, he is not into tranquil life.
Napalinga-ling siya sa paligid. Hinahanap ang sundo niya. May dala naman siyang sariling sasakyan pero kailangan niya ng guide papunta sa property ni Lennard. He could make use of GPS pero maghihintay na Lang siya.
“Excuse me, Sir, kayo po ba si Mr. Rafael San Diego?”
Isang sa tingin niya ay dise-otso anyos na binata ang nakatayo sa kanyang harapan. Salitan nitong tinitigan ang nasa larawan sa cellphone at ang mukha niya.
“Ikaw nga, Sir. Mas pogi pala kayo sa personal. Ako nga po pala si Dandino, ang sundo ninyo.”
Napatingin ito sa sasakyang kinasasandalan niya.
"Ang gara po ng kotse ninyo, Sir, ah."
Sinipat nito ang guling ng kotse.
"Sumunod na lang ho kayo sa akin, Sir."
Magka-convoy sila ng sundo niya patungo sa resort. Maganda ang sceneries na naraanan niya patungo sa bayan ng San Juan. Tama nga si Lennard, maganda ang beaches na naraanan niya.
At least, there is something good he saw.
Ilang minutong biyahe at papasok na sila sa malaking steel gate na may nakasulat na Masangcay Resort. 'Di gaya ng mga karaniwang resort, mas homey ang dating nitong kay Lennard.
Papaliko na sila sa gate nang makasalubong nila ang isang babaeng nakasakay sa motorbike. He must be under some sort of spell at na-magneto siyang titigan ang babaeng iyon na natatabingan ng helmet ang mukha. Napalingon din ito sa gawi niya kaya lang tinted ang sasakyan niya at hindi siya maaninag sa loob. Sa hindi malamang dahilan ay bigla na lang tumahip ang kanyang dibdib.
Goodness!
Muntikan na pala niyang nabundol ang sasakyan ni Dandino sa kakatitig niya sa babaeng iyon. Bumaba siya ng sasakyan at inilinga ang mga mata sa paligid. Kapansin-pansin ang maraming ornamental plants sa paligid. Typical ang resort ni Lennard at mostly, native materials ang gamit sa mga furnitures at kahit na ang pinaka-atrium niyon ay gawa sa kawayan at kahoy.
“Rafael!”
Naka-wheel chair na pala ang mabait na lalaki. Pero ganoon pa rin ang habas ng mukha nito- mabait at may nakahandang ngiti. Ilang beses lang ba silang nagtagpo noon sa hospital pero kung ituring siya nito ngayon ay parang malapit na kaibigan.
“Good to see you, Sir.”
How he wished na hindi naputol ang komunikasyon nila noon. Matapos siyang tulungan noon ay basta na lang ito hindi bumalik sa ospital. Inaabangan niya ito ngunit hindi na nakita.
“Heto, nakatali na sa wheel chair.”
Tukoy nito sa kundisyon.
“I’m glad we met again, Sir.”
Napangiti ito. “Look at you, sinong mag-aakalang magiging tanyag na architect ka na? Kung 'di ko pa nabasa sa pahayagan ang life story mo ay hindi ko malalaman na ikaw pala ang binatilyong iyon. And I’m glad nabanggit mo ako. Kaya naglakas loob akong mag-set ng appointment sa'yo, gladly, hindi mo ako inisnab.” Mahaba ang naging pahayag ni Lennard.
“Malaki ho ang utang na loob ko sa inyo, Sir.”
Sinawata nito ang sasabihin niya. “Wala iyon.” Binalingan nito ang isang staff. “Come on, Liza, sabihan si Dino na dalhin ang mga gamit ni Rafael sa guest house. “And you, Rafael, mamaya na tayo mag-uusap. Magpahinga ka muna. I’m sure nakakapagod ang biyahe.”
Magkaagapay na silang naglalakad ng staff na nakasuot ng sa tingin niya ay kulay green na unipormeng t-shirt na may nakatatak na M.Resort sa dibdib.
“An hour later, Sir, kakatukin po kita para sa dinner.”
Nang mapag-isa ay ipinasya niyang ayusin ang iilang gamit na dala sa closet at unang-una niyang inatupag ang mag-check ng mail sa Iphone niya.
Shit!
Walang signal. Minabuti niyang libutin ng tingin ang maalwang silid na yari sa native materials. Sa pinakagitna ang king-sized bed katabi ang night stand na yari sa hardwood. Sa kaliwang bahagi ay naroroon ang palikuran na nang inspeksyunin niya ay may shower naman. Malayo sa class ang naturang resort but it is okay.
Gumilid siya sa bintana at tinanaw ang bughaw na dagat sa unahan. Tila kaysarap maglakad-lakad sa dalampasigan na nalalatagan ng mga matatayog na niyog sa gilid na nagsisilbing shed na rin sa mga naroroong iilang turista. Nahiga siya sa higaan. He felt comfortable. Ipinikit niya ang mga mata ngunit bago pa man siya tuluyang maidlip ay binulahaw siya ng katok sa pintuan.
“Sir, ready na ho ang dinner.”
Ang staff na nagngangalang Liza ang nabungaran niya.
Iginiya siya ni Liza patungo sa pinaka-hall ng resort. Sa tingin niya ay di hihigit sa sampu ang mga dining tables roon na gawa din sa kawayan at driftwoods. Sa isang side ay naroroon ang skirted buffet tables na nalalatagan ng samu’t-saring pagkain. Natatakam siya sa mga nakahaing seafood dishes. Idagdag pa ang nakakahalinang amoy niyon.
“Come on, Rafael. Kumain na muna tayo. I can guarantee you, these are the best home-cooked meals you’d ever tasted.”
Una niyang tinikman ang ginataang alimango.
“How do you find it?” si Lennard na halatang inaantabayanan ang magiging reaksyon niya.
“Masarap.”
Napatigil siya sa pagnguya. Funny how this dish seemed so familiar. Ang alat at tamang anghang at tamang amount ng gata. Iyong hindi masyadong pinasobrahan sa kulo. Kagaya ng inihahain noon sa kanya ni Contessa.
Imposible. Magkapareho lang siguro ang lasa at ang taste buds ng nagluto.
Pero kahit ang ibang pagkain ay pamilyar din ang sarap. Through these food, he was taken somewhere, to a certain point in his life.
This is impossible.
“Who cooks these? Can I meet him?”
Di niya maunawaan ang sarili. May bumabangong hangarin na makilala ang taong responsable sa mga nakahain.
“Pasensya na ho, Sir. Umuwi na ho si Ate.”
Babae pala ang cook. All the more na kinabahan siya.
“You’ll get to meet her, Rafael, and all the other staffs 'pag natuloy na ang negotiation natin.”
Sa gitna ng masaganang tanghalian ay napag-usapan nila ang posibleng transition ng resort at ang pag-retain sa mga tauhan.
********
Unang umaga niya sa isla. He is greeted by this serene and tranquil morning. Typical na buhay probinsya. Kailan nga ba ang pinakahuling beses na nagawa niyang hangaan ang isang umaga? All he did from sunrise to sundown, ang makabubuti lang sa kumpanya ang iniisip niya.
Nagdesisyon siyang mag-jogging muna. Titingin-tingin din siya sa kung ano ang nasa paligid.
Ilang metro pa lang ang natatakbo niya nang mahagip ng paningin ang nakamotor na babaeng papasok naman sa resort mula sa kabilang direksyon. Ito kaya yong nakasalubong niya kahapon? Ewan niya ngunit may pumunong excitement sa puso niya na makita ang mukha nito nang tanggalin ang helmet. Ngunit bago pa man mangyari ay nakablock na si Dino sa daan niya.
“Sir, kailangan mo ng guide?”
“No thanks. Di naman ako lalayo.”
Napatingin siyang muli sa kinapaparadahan ng babae ngunit tanging motor na lang nito ang naiwan at ang nakasabit na kulay violet na helmet.
Crazy.
“Pag nawala kayo, Sir, magtanong-tanong lang ho kayo. Mababait naman ang mga tao dito. Isa kaya ang Siquijor sa tinaguriang may pinaka-gentle na mga tao.”
Kahit papano ay natatawa siya sa kakengkoyan ng nakakabatang lalaki. Nagpaalam siya rito at pinagpatuloy niya ang morning jog pero tuksong hindi mawala sa isip niya ang babaeng yon particular ang mahabang buhok na isinayaw-sayaw ng hangin.


His Cheating HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon