19

0 2 0
                                    

Athena's Pov*

"School Library,10 years na itong nakatayo dito marami ring kwentong nakapaloob sa aklatang ito at malalaman nyo yun sa school history.May 5 teachers na nag hahandle nito dahil sobrang laki may schoolars rin na pumupunta dito tuwing umaga para mag linis at mag ayos ng mga aklat"mahabang paliwanag ni Mr.Pressident.

Kanina pa kami nag lilibot at nag lalakad pero parang hindi kami napapagod siguro ganito talaga pag interesado ka sa isang bagay.

4pm na.1 pm kami nag simula.

7 na buildings narin ang pinuntahan namin marami pa daw kaming pupuntahan.Ang laki ng school na ito.parang isa na ngang village sa sobrang laki eh.

Bukas pa ata namin matatapos ang pag lilibot.

"Pasok tayo"pag anyaya ni Mr.Press.

Pag pasok namin malalaking shelves agad ang sumalubong sa amin. Shelves na punong puno ng iba't ibang klase nang aklat.

Ngayon lang ako nagandahan sa isang library boring kasi ng library para sa akin.

Pero ngayon parang gusto ko nalang na mag tigil dito at mag basa.

"Kahit matagal na ang library na ito hindi mo makikita na luma na.Alagang alaga kasi ito isa kasi ang library sa pinaka mahalagang lugar sa school na Ito.Maraming students na pumupunta dito dahil lumuluwag daw ang pakiramdam nila pag pumapasok sila dito pero may iba na pinaka ayaw ang lugar na ito dahil nasasaktan sila pag pumapasok dito."paliwanag ni President.

"Nasasaktan bakit naman?"kunot noong tanong ko.papasok lang sa library masasaktan na?Duh weird AF.

"Yeah. Dahil iba ang tingin at pag intindi nila sa kwento ng library na ito.Para bang pag pumapasok sila sa lugar na ito may tumutusok sa puso nila."

"Oww okie"

"Maraming iba't ibang klase nang aklat dito.Hindi lang about sa subject ang nandito.Meron ring kwento at kung ano ano pa.Kaya nilagyan ng ganoong aklat dito ay dahil hindi pwedeng lumabas ang mga students pag di pa time."

"And may book store rin sa school na ito.Pero tuwing Friday to Sunday lang iyon naka bukas.Project sya ng isang club.Gusto nyong puntahan?nililinis yun ngayon kaya pwede tayong pumunta"

"Sige gusto ko ring makita"

"Ako rin"

"Ok let's go"

Pumunta na kami sa book store hindi sya kalakihan pero maganda na sya sa labas palang.May mga nakalagay na bulaklak sa labas ng store.

"Hi Mr.President"

"Hello Adara.Pwede ba kaming pumasok?"

"Sure Mr. President"

Wow sobrang ayos ng mga gamit sa loob may mga picture rin ng mga sikat na author ang dingding at katabi non ang mga aklat na isinulat nila.

"Isang club ang nag pagawa ng store na ito.Nanalo sila sa isang contest at binigyan sila ng chance na gumawa ng isang project na pwede nilang mapakinabangan."

"Naisip nilang mag patayo ng isang book store dahil maraming gusto ng aklat.At magagamit rin nila yung pera sa mga project nila at sa mga activities na gaganapin"

"Wow na aalala ko nung first time kong pumunta sa school ni Paris dati.May sariling mall yung School nila at ang pinaka malaking store ay ang book store"Sabi ni Thyrynn.

I Still Love You,Paris(On-Going)Where stories live. Discover now