21

1 3 0
                                    

Thyrynn's Pov*

"Athena are you still there?"tawag ko kay Athena kanina pa ako kumakatok sa kwarto nya pero walang sumasagot.

Tinawagan ko na sya sa phone pero nag riring lang.Naka silent na naman ata Yung phone nya.

"Athena!!!!"Sigaw ko at kumatok.

"ANO BA SISIRAIN MO BA ANG PINTO NG KWARTO KONG BRUHA KA?!!!!"Sigaw nya na ikinagulat namin ni Sahara.

"Buksan mo na yung pinto!"

"SAGLIT!"Galit na sabi nya.

"Ano bang kailangan mo? ang aga aga pa Ng bubulabog ka na!"

"Mag bihis ka na muna bilis may ipapakilala ako sayo"tinulak ko sya papasok ng kwarto nya at dinala sya sa Bathroom.

"Oo na!"Sabi nya binalikan ko na si Sahara sa pinto at pinapasok sya.

"Upo ka Sahara pag pasenyahan mo na si Athena ganon lang talaga sya pag dinidistorbo sya"

"Naka okay lang po Yun"

"Wag mo na akong gamitan ng po pakiramdam ko kasi ang tanda ko na eh"

"Ahh okay"

"Wag kang mahiya sakin."

"Okay"

"Matagal ka na ba sa school na ito?"tanong ko.

"Oo,simula Grade 7 dito na ako nag aaral as schoolar.Bakit mo na itanong?"

"Wala Lang gusto ko lang malaman.Marami ka bang alam sa school na Ito?"

"Oo pero hindi lahat may MGA bagay kasi sa school na ito na nanatiling sagrado at sekreto.Katulad nalang nung Green house sa likod ng Clock Tower."

"Bakit anong meron dun?"

curious akong malaman kung anong meron dun at ngayon ko lang nalaman na may Greenhouse pala sa likod ng Clock Tower na yon akala ko garden Lang ang nakapalibot dun.

"Sagrado ang lugar na iyon bawal kaming pumasok dun "pwedeng lumapit pero bawal pumasok".Ayon ang rule may sabi sabi na may nag tangkang pumasok dun dati at pinatalsik sya sa school na Ito at sabi naman iba haunted place daw yun."Pag papaliwanag nya.

"Wow hindi nyo ba alam kung anong laman ng Greenhouse na iyon?"Tanong ko.

"Naka lapit na ako dun pero di naman kita yung loob.At parang wala namang special sa lugar na iyon parang simpleng lugar lang ganon"

"Ahh"

"Hello"pag bati ni Sahara Kay Athena na kakalabas lang ng Bedroom nya.

"Hi I'm Athena Ateah C.Montefalco the most prettiest student  artist in this school"pag papakilala ni Athena.Ang hangin talaga ng babaeng to.

"Nice meeting you I'm Sahara Madrigal.SC Secretary ng School na to at ako rin ang mag tuturo sa inyo ng School History"Pag papakilala ni Sahara.

"Nice meeting you too Sahara"

"Tara na? Hahanapin pa natin si Paris"Sabi ko.

Tumango lang sila at lumabas na ng Dorm ni Athena.Ang tanong saan namin Hahanapin si Paris?

I Still Love You,Paris(On-Going)Where stories live. Discover now