Margaux POV
Hayst! Kahit kailan talaga ang hirap sumakay dito. Late na nga ako mas magiging late pa lalo. Buhay nga naman.
After 15 minutes
———
Sa wakas nakasakay din, ang problema nga lang nakasabit ako sa jeep. Para lang umabot ako kahit papaano sa first sub ko. Ako na yata ang pinakamatindi. Nakapalada ako pero feel na feel ko ang pagsabit sa jeep. Hindi naman kasi ako tulad ng iba na sobrang arte.Sa wakas nakarating din ako ang problema nga lang 15mins nalang matatapos na yung klase sa 1st sub ko arghh. Bakit ba kasi sa dami ng gabi hayy, kagabi pa yun nangyari.
Hayaan na nga.Welcome to SKY LIGHT UNIVERSITY!
Ang school na punong puno ng mayayaman,maarte, malalanding kabataan. Hindi ko na nga maintindihan kung bakit mas inaatupag nila yung mga kaartehan at kalandian sa buhay. Dapat mas iniisip nila ang pag-aaral kaysa sa mga iyon. Paano ba naman mayayaman na sila. Wala ng kahirap hirap. May pera,tirahan at trabaho silang mamanahin.Ang dami ko ng nasabi nandito na pala ko sa room. Nagdahan-dahan akong pumasok dahil busy si Ms. Torrejano sa pagtuturo.
"Sweet!" argh akala ko hindi na niya ko mapapansin. Lagot na naman ako nito.
"Yes po mam? Sorry po late ako. Ang hirap pong sumakay eh sumabit na nga lang po ako." paliwanag ko.
"Sweet ilang beses ko bang sasabihin sayo na kahit mataas ang grado mo kailangan mong pumasok ng maaga sa klase ko."
"Opo ma'am, pasensya na po di na po mauulit."
"Sige maupo ka na Sweet. Mamaya ay dumaan ka sa faculty may paguusapan tayo."
"Sige po"
After several
KRINGGGGGG!!!KRINGGGGG!!!!KRINGGGG!!!Natapos ang buong maghapon ko na puro turo dito turo doon. Nakakaboring na araw ito. Hay. Paulit ulit nalang ang nangyayari.
Nandito ngayon sa faculty. Nakakainis naman si Ms. Torrrejano eh. Imbes na makapasok na ko sa part time ko malalate pa ko. Hayy.
Knock!knock!
"Excuse me po, andyan po ba si Ms. Torrejano?" wala sa mood kong tanong.
"Halika dito Sweet. Dito tayo sa likod."
Napalingon sa nagsalita.Naglakad na ako palapit sa desk ni Ms."Ano po bang paguusapan natin?" walang ganang tanong ko sa kanya.
"Gusto ko lang sabihin na ilalaban ka sa Math at Impromptu Contest sa gaganaping interbranch ng school. This coming October."
Pagpapaliwanag ni Miss."Sige po Ms. Sino po ang partner ko sa math contest? Meron pa po ba kayong sasabihin?" nakapangalumbabang tanong ko.
"Can you sit properly Sweet. You're in the school so kindly act presentable." pagalit na sabi ng guro.
"Ang dami namang arte ng matandang ito. Lahat nalang napapansin." sa isip-isip ni Margaux.
"By the way si Colt ang makakasama mo. We also need to talk about sa late and absences mo. Binigay sakin ng ibang teachers ang mga gagawin mo. Kailangan mong gumawa ng dalawang term paper at diagram ng skeletal system.You also have to do 10hrs community service."
"Ok po sige po Ms. Wala na po ba kayong sasabihin? Alis na po ako."
Dire-diretsong lumabas ng teachers office.
"Sige magiingat ka sweet." rinig kong sabihin ni Ms.
Napagpasyahan kong hindi na pumasok sa trabaho tutal late naman na ko eh.
"Nay! Nandito na po ako. Hindi na ho ako kakain. Matutulog na ho ako."
Hayy nakakasawa na. Arghhh!!!! Nakakapagod na!!! ARGGHHHH!!!
Ano nga ba ang nangyari sa kanya? Ano nga ba ang sikreto niya?
A/N
Margo po ang basa sa MARGAUX
YOU ARE READING
The Girl In The Dark
Mystery / ThrillerHindi siya yung tipo ng babae na mahilig magparty, bar hopping o kung ano-ano pa na hilig ng ibang kababaihan. Hindi naman siya loner. May mga kaibigan naman siya. Pero ano nga ba ang sikreto ng babae sa dilim.