Margaux POV
Madaling araw na pero hindi parin ako nakakatulog . Hanggang ngayon umiiyak parin ak. Nilalabas ang sakit na nararamdaman. Hindi ko magawang matulog dahil sa dami ng iniisip. Argh bakit ba inaatake na naman ako. Bakit ngayon pa?!
Bakit ba kasi sa dami ng masasamang tao ako pa nakakaranas ng ganito? Bakit kami pa? Alam ko po masamang sisihin o tanungin kayo kung bakit ganito, pero hindi ko ho kaya. Pagod na pagod na ho ako.
"SWEETTTT!!!SWEETTTT apo gising na. Baka tanghaliin ka na naman."
Napabalikwas siya ng bangon. Ghad nakatulog pala ko. Buti naman kahit papano may naitulog pa ko."Gising na po nay. Ito na po. Maghihilamos lang ho ako.Next time ho Margaux or Marg nalang itawag niyo sakin. Paulit ulit na ho tayo eh."
"O sige bilisan mong bata ka ha. Ano bang problema mo sa Sweet eh ang ganda ganda nga ng pangalan mo kasing ganda mo."
Hindi na niya nagawang sumagot at baka magtalo pa sila ng lola niya. Pikit matang naglakad si margaux patungo sa cr niya upang maghilamos. Pagdilat niya ng mata niya ay nagulat siya.
"Argh! Haysst namamaga yung mata ko. Nangingitim din ang ilalim nito. Ayan sige Margaux kakaiyak mo yan. Kakaisip ng kung ano ano."
"Sweet ano ba halika na dito at tatanghaliin ka na."
Paano ko ito itatago ayokong magalala si nanay. Hayyy
Naghalungkat siya sa drawer niya ng bagay na magagamit niya.
"Woahhh! buti nalang talaga binigyan ako ni Grace ng concealer. Buti nalang pala naitatago ko iyong binibigay nila sa'kin na ganito" gulat kayo no. Hindi niyo inexpect na may ganito ako.
Sa haba ng seremonyas na nangyari sa bahay ay halos malate na naman ako sa klase ko kay Miss Torrejano.
Sesermunan na naman ako ni Miss pagnakataon."Margaux!Hey!Margaux!!!"
"Ano ba yun Hanie?! Kung makasigaw ka naman. Magkatabi lang tayo oh."
"Duh Margaux kanina pa kami tawag ng tawag sayo ni Grazel hindi mo kami pinapansin."
" Ay sorry naman may iniisip lang ako."
"Mukha nga eh. Sobrang lalim nga ata niyan malulunod ka na eh." *roll eyes*-Hanie
"Napakaarte mo talaga Hanie. Bakit niyo ba ko tinatawag?"
Naiinis na sabi ko."Ihhhhh! may nachismis kasi kami nito ni Grazel."
Sabay na sabi nila."Ano ba wag nga kayong tili ng tili. Masakit sa tenga pwede ba. Atsaka. Pwede naman magsabi ng di kayo nagkakasabay diba."
"O-M-G Hanie, Grazel look gamit ni Sweet yung binigay kong concealer. Omg girl nagiimprove ka na ah. Iba ka din. Maarte ka din patago ha!" Napakaarteng sabi ni Grace.
"Pwede ba tantanan niyo 'kong tatlo kung aartehan niyo lang ako ha. Nakakaloka kayong mga babae kayo. Nagtataka na tuloy ako kung paano ko kayo naging kaibigan."
"Your so harsh girl ah. Pero ito na nga balita namin partners daw kayo ni dearest Colt. Ayiieee."
"Kanino niyo naman nabalitaan yan. Kahit kailan ang chismosa niyo."
"Ikaw ha. Ang sama ng ugali mo. Pero totoo ba?"
"Oo totoo. Partners kami no choice ako. Sa dami ng pwedeng ipartner sakin si Colt pa. Bwisit." pahina ng pahinang sabi ko.
"Bakit ba galit na galit ka kay my loves?"
"Akin nalang iyon. Sige na mga babaeng maarte una na ko. May trabaho pa ko." paalam ko sa kanila sabay walk out.
"Ciao Sweet. We Love You!!"
Rinig ko sigaw nila. Kahit kailan talaga ang mga kaibigan ko napakaarte. Pero kahit ganoon sila mahal ko yung mga yun.Kumaway nalang ako sa kanila habang naglalakad paalis.
A/N
Thank you sa mga nagbabasa ng story ko. Sorry lame.
YOU ARE READING
The Girl In The Dark
Mystery / ThrillerHindi siya yung tipo ng babae na mahilig magparty, bar hopping o kung ano-ano pa na hilig ng ibang kababaihan. Hindi naman siya loner. May mga kaibigan naman siya. Pero ano nga ba ang sikreto ng babae sa dilim.