Margaux Pov
Habang naglalakad palabas kamalas-malasan naman ay nakita ko ang taong sobrang nagpapainit ng ulo ko. Panira ng araw bwisit.
"Oh Hi dear Sweet. Ang sama na naman ng tingin mo sakin."
"Mandiri ka nga sa pinagsasabi mo Colt. It's MARGAUX not Sweet.Tsaka anong dear ka diyan? Abnormal ka ba? Ano na naman bang kailangan mo?" umiirap na tanong niya.
"Gusto ko lang ipaalam sayo na may review session tayo sa dadating na linggo. In my unit." sabay akbay nito kay Margaux
"Review session? Pwede na tanggalin mo yang braso mo sa balikat ko mandiri ka nga." Naiiritang sabi nito.
"Wow my dear Sweet sa gwapo kong 'to? Seryoso ka diyan? Baka lang nakakalimutan mo may laban tayo sa October."
"Oo seryoso ako wag kang magdididikit sakin.Sh*t oo nga pala, Ok. Bakit kailangan sa unit mo pa? May school tayo. Siguro naman makakapagreview tayo sa school. Tsaka bakit linggo pa?"
"Kasi linggo lang ako pwede." nang iinis na sagot nito.
"Ang kapal din naman ng mukha mo ano? Ako pa mag-aadjust sayo. Bahala ka magreview ka magisa mo." pagalit na sabi ko sabay alis. Kahit kailan talaga panira itong lalaking ito.
"Hey Sweet wait up."
Hindi ko na siya pinansin at nagmadali ng umalis. Malalagot na ako sa amo ko nito. Hindi na nga ako pumasok kahapon tapos malalate pa ko ngayon. Hayst.
Hindi naman ganoon kalayo ang trabaho ko sa school namin. Nagtataka siguro kayo kung paano ako nakapasok sa isang exclusive school. Ako ang nagpapaaral sa sarili ko.
Sa wakas nakadating din ako. Welcome to ANDERSON MANSION. Estudyante sa umaga. Chimay/Yaya/muchacha ng walanghiyang Colt na iyon. Pinatos ko na ang trabahong ito sayang malaki ang sahod eh. Pero may isa pa akong trabaho, tuwing gabi. Sikreto ko na kung ano iyon.
Colt's POV
Hey beautiful ladies. Im Colt Andrei Anderson the one and only. Ako lang naman ang taong laging nagpapainit ng ulo ni Sweet. Ewan ko ba sa babaeng yun. Laging mainit ang ulo sa akin. Sa gwapo at talino kong 'to di ko maintindihan bakit nandidiri sa akin hahaha.
"Look who's coming mwuahahaha" sa isip-isip ni Colt.
"Oh Hi dear Sweet. Ang sama na naman ng tingin mo sakin." malanding bati ko sa kanya.
"Mandiri ka nga sa pinagsasabi mo Colt. It's MARGAUX not Sweet. Ano na naman bang kailangan mo?" kahit kailan talaga tong babaeng ito.
"Gusto ko lang ipaalam sayo na may review session tayo sa dadating na linggo. In my unit."
"Ok. Bakit kailangan sa unit mo pa? May school tayo. Siguro naman makakapagreview tayo sa school. Tsaka bakit linggo pa?"
"Kasi linggo lang ako pwede." kunwari lang. Gusto ko lang taaga siyang inisin hahaha.
"Ang kapal din naman ng mukha mo ano? Ako pa magaadjust sayo. Bahala ka magreview ka magisa mo."
"Hey Sweet wait up."
Pasigaw na sabi ko sa kanya sabay habol. Bastos talaga iniwan ako. Akala mo naman magkaiba kami ng lugar na pupuntahan.Welcome to our house. If you can call this a house. Paano ba naman puro yaya at si sweet lang ang nakakasama ko dito. Madalas pang umabsent ang babaitang iyon.
My parents is busy in their business and searching for my lost sister. Bata palang kami noong mawala siya. Nangyari iyon when we're on our way to Singapore. Nagcrash yung plane na sinasakyan namin. Hindi nahanap yung katawan ni Ashanti. Sabi ng iba baka patay na daw ang kapatid ko. Pero hindi kami naniniwala doon. We are still hoping na makikita parin namin siya.
"Hey Colt. Nakahanda na ang meryenda mo. Pumunta ka nalang sa kusina if gusto mo nang kumain."
Hindi ko na pinansin pa si Sweet. Nagdire-diretso nalang ako papasok ng kwarto. Nakakawalang gana. Im not in the mood to eat.
Margaux POV
"Ano kayang nangyari sa lalaking iyon. Kanina lang ang kulit kulit niya. Tapos ngayon parang namatayan." mahinang sabi ko sa sarili.
Bahala na nga siya basta inihanda ko na iyong meryenda niya. Makapaglinis na nga lang. Hayst
Ano na naman kayang nangyari sa lalaking iyon. Kanina lang lakas mangtrip ngayon lutang. Hay naku! Bakit ko ba iniisip 'yun ehang trabaho ko lang naman dito maglinis at maglutong kakainin niya.
YOU ARE READING
The Girl In The Dark
Mistério / SuspenseHindi siya yung tipo ng babae na mahilig magparty, bar hopping o kung ano-ano pa na hilig ng ibang kababaihan. Hindi naman siya loner. May mga kaibigan naman siya. Pero ano nga ba ang sikreto ng babae sa dilim.