Colt's POV
Kkringgg!!! Kringgg!!! Kringgg!!!
*kapa-kapa*
"Argh! My head hurts." Alak pa self. Bakit ba kasi biglang naalala ko na naman siya. It's been months since nung huli ko siyang mapanaginipan. I miss you Ashanti. I miss my sister.
"Nasaan na naman kaya yung alarm clock na yun?" still looking.
Kapag talaga naaalala ko siya hindi ko mapigilan. Lagi nalang akong nagbebreak down. Lagi aking naglalasing. Next time nga matanggalan ng alak ang ref or rather I'll put a lock on the shelves.
"Oh! There you are. For sure si Sweet na naman ang nagset nito. Ghad its just 6 in the morning. Kahit kailan talaga yung babae yun ang hilig manggising ng maaga" I turned it off and just throw it in the bed.
She really know how to irrirate me. That girl really.
Colt walk towards the door. Tiningnan niya ang itsura ng kwarto niya. It looks like his room was attacked by some akyat bahay gang. It's so messy. He then clean it up. Do his morning routine.
Nagpapatuyo siya ng buhok, when suddenly he sees a medicine in the desk with a note. "Inumin mo to kulugo. Alak pa more di mo naman pala kaya. Sinukahan mo pa ko kagabi. Bwisit ka! Pagbabayaran mo yung ginawa mo *death glare*"
"Ang sweet naman ni Sweet. In fairness ah.Seriously nagawa pa niyang lagyan ng death glare sulat niya, just wow. Pero f*ck wala kong maalala sa nangyari kagabi. Ang huling naalala ko lang ay tinatawag ko si Ashanti."
Margaux's POV
"Lintik na Colt yun. Akala ko hahali---- hep hep self anong naiisip mo ha? Jusko kabahan ka nga ha. Pero langya talaga matapos akong yakapin ng mahigpit sinukahan ako. Pagbabayaran niya to arghh" pagkakausap niya sa sarili niya.
"Hoy SWEEETT!!!! Nababaliw ka na ba diyan? Nagsasalita ka na mag-isa. Sinong kausap mo diyan?" sobrang lakas na sigaw ng lola niya.
"Jusko ayan na naman po ang nanay ko. More sigaw more fun siya ah. Nagtataka nalang ako at hindi siya napapaos ahh. Kaloka." sabi niya sa isip niya.
"Lintik yan narinig niya pa yun samantalang nasa kusina siya." napalakas na pagiisip niya.
"Anong sabi mo SWEET?!" galit na sabi ng lola niya.
"Wala po nay. Hindi po nay! Wala po akong kausap. Nagrereview lang po!" sagot niya pabalik.
"Akala ko nababaliw ka na eh. Pinapakain naman kita ng tama. Hindi ka rin naman mukhang gutom. Baka naman may problema ka magsabi ka lang kay nanay ha."madramang sabi ng lola niya.
"Magsisimula na naman po siya. Makalayas na nga at may trabaho pa ko. Pasensya na nay at naglilihim ako pero para sa inyo naman po ito." mahinang pagkakasabi niya sa sarili.
"Nay alis na po ako." paalam niya sa lola niya at sabay mano.
"Aba'y sige mag-iingat ka apo ha. Mag-aaral kang mabuti."
"Opo nay, syempre para sa atin." at naglakad na siya paalis ng bahay.
Naglalakad si Margaux papunta sa sakayan ng jeep ng may mabunggo siya.
"Hey miss ayos ka lang?"tanong ng lalaki.
"Ahh oo ayos lang ako sorry."
"No, its okay. Pero sigurado ka ayos ka lang?"
"Yup ayos lang ako sorry ulit." walang ganang sagot niya sabay lakad na uit paalis ng biglang may humawak sa braso niya.
"Wait miss ohh *hand her the handkerchief*"
"Ahhh para saan 'to?" nagtatakang tanong niya habang nakatingin sa panyo nito.
"Ahm you look like sh*t. Umiiyak ka habang naglalakad." seryosong pagkakasabi nito.
Hinipo ni Margaux ang mukha niya at nagulat nga siyang may mga luhang tumutulo mula sa kanyang mga mata.
"F*ck di ko napansin." mahinang pagkakasabi niya sa sarili.
"Thank you dito." sinserong pagkakasabi niya sabay takbo paalis sa sobrang hiya.
Mystery Guy's POV
Naglalakad si guy papunta sa sakayan ng jeep ng may makabunggo sa kanya.
"Hey miss ayos ka lang?"tanong niya sa babae
"Ahh oo ayos lang ako sorry." sagot nito habang nakatingin sa malayo.
"No, its okay. Pero sigurado ka ayos ka lang?"nag-aalalang tanong niya.
"Yup ayos lang ako sorry ulit." walang ganang sagot nito sa kanya. Naglakad na ulit ito ng pigilan at hawakan niya ito sa braso.
"Wait miss ohh *hand her the handkerchief*"
"Ahhh para saan 'to?" nagtatakang tanong nito.
"Ahm you look like sh*t. Umiiyak ka habang naglalakad." seryosong pagkakasabi niya dito.
Hinipo nito ang mukha niya at halatang nagulat ito ng may mga luhang tumutulo mula sa mga mata niya.
May binulong ito sa sarili ngunit hindi niya naintindihan.
"Thank you dito." sinserong pagkakasabi ng babae sabay takbo paalis sa sobrang hiya.
Seriously ngayon lang ako nakakita ng taong umiiyak habang nakatulala at naglalakad. Mukhang sobrang lalim ng iniisip niya eh. Pero tinakbuhan niya ko ah. Ibang klaseng babae. Hindi man lang niya ko tiningnan sa mukha. Weird.
YOU ARE READING
The Girl In The Dark
Misteri / ThrillerHindi siya yung tipo ng babae na mahilig magparty, bar hopping o kung ano-ano pa na hilig ng ibang kababaihan. Hindi naman siya loner. May mga kaibigan naman siya. Pero ano nga ba ang sikreto ng babae sa dilim.