“I love you so much Denisse”
Huh?? Wait Denisse? Bakit si Denisse? So ganun lang un yung first kiss ko aksidente lang kasi akala niya ako si denisse? Yung pinapangarap kong special na first kiss ko nasayang lang ng ganto? Sumikip ang dibdib ko , ang hirap huminga, nasasaktan ako pero ayokong ipakita sa kanya. Alam ko medyo OA pero special dapat yun ee. Naramdaman ko na lang ang mainit na tubig galing sa mata ko. Naiinis ako sa kanya. Gusto ko nang bumitaw sa nararamdaman ko. OO may gusto ako sa kanya at feeling ko mahal ko na siya. Diba ganto nman kapag mahal mo ang isang tao masasaktan ka.
Nakatingin pa rin siya sakin at sinabi niya ulit ang mga katagang iyon. Hindi ko kinaya ang nangyari kaya bigla ko na lang siyang nasampal.
Kita ko sa mukha niya ang pagkagulat parang medyo natauhan ata sa ginawa ko. Tumayo ako at tinalikuran ko siya.
“ Cose Im sorry” hnd ako gumalaw sa pwesto ko. “ Cose that was a mistake. Im sorry”
Mistake??? I know kahit gano ko gusto na maging totoo yun, alam kong hindi mababago yung nararamdaman niya para kay Denisse. AnTanga ko naman kasi alam ko na noon pa na si Denisse ang gutso nia kilala ko siya kasi BESTFRIEND ko siya alam ko kung gaano ka espesyal para sa kanya si Denisse. At masakit mang aminin alam ko na hanggang BESTFRIEND lang ako alam ko na hinding hindi ko mapapantayan ung pagmamahal na meron siya para kay Denisse. Bakit pa kasi ako umasa.Lumingon ako sa kanya at pilit na ngumiti. “I know. It’s okay”.
Diresto na ako naglakad palabas sa room na yon. Hindi ko na tinwag si Tony pinabayaan ko na lang siya dun sa loob na lumandi sa mga kaibigan ni Xavier. Paglabas ko narinig ko ang malakas na tugtog at hiyawan ng mga tao. The party is at its peak. Marami akong nakitang mga babae na ngayon ko lang nakita na nagsasayawan sa gitna kasama ang mga lalaking grabe kung makahawak sa bewang nung mga babae. Magaganda sila mga sosyal alam na alam mong mga anak mayaman. Ngayon ko lang din napansin na kami lang ata ni tony at ung mga kaibigang kasma ni Xavier kanina ang nag-aaral sa same school. Halos lahat ng mga tao dun bago sa paningin ko. Nahiya tuloi ako makihalubilo kaya umupo na lang ako dun sa bar stool at humingi ng isang tequila shot sa bartender. Grabe parang nagkaroon ng mini bar dito sa bahay nila Xavier. Para lang sa pagluluksa niya sa ginwa ni Denisse ganto kagad. Tsktsk.
Ininom ko na lang ung shot. Tatlo lang talaga iinumin ko after nun uuwi na ako.
Tuloi lang ako ng tuloy sa paglagok. Nagugulat na lang ako ng bigla nanamang magkakaroon ng laman ung shot glass pero hnd na ako nagreklamo ininum ko na lang ng ininum yun. Grabe 4th year high school pa lang ganto na ako kung makainom anu na lang kaya ang sasabihin ng nanay ko kapag nalaman niyang ganto ang ginawa ko. Pero heto sige parin ako sa pag-inom hahayaan ko na lang ang sarili kong makalimot sa mga masasakit na bagay na nangyari ngayon at simula bukas goodbye pain, goodbye Xavier na ako. Kakalimutan ko na yung feelings ko para sa kanya. Susubukan sa abot ng aking makakaya.
Iinumin ko n asana yung isa pang shot nang may biglang kumuha sa kamay ko at ininom niya yung laman.
“ Anu ba akin yan?”
Tumingin ako sa lalaking kumuha nung iinumin ko na sanang tequila.
“Bastos. Pwede namang humingi na lang dun sa bartender nangaagaw pa.” naiinis ako sa kanya badtrip na nga ako pangpadagdag pa tong lalaking to.
“what?” yan yung sabi niya medyo nilapit niya ung tenga niya sakin.
“ Ang sabi ko BASTOS!!” medyo nilakasan ko na kasi hindi niya siguro narinig yung una kong pagkakasabi sa kanya. Medyo na palakas ata ako kasi nakita kong napalingon yung ibang taong malapit samin.
Hinawakan niya yung tenga niya sabay tumawa ng konti. Infairness ah gwapo siya pero wala akong time sa kanya gusto kong mapag-isa dito.
![](https://img.wattpad.com/cover/1097448-288-k969464.jpg)
BINABASA MO ANG
When fate doesn't meet destiny
Randomon-going na ulet. ahahhaha medyo sinipag gawin. nainspire ng konte. . Sorry sa mga nakapagbasa noon dahil ngaun pa lang ulet na-update medyo busy kaso sarreh po :)