“ Mr. Busybody?” sabay pa kami ni Tony ng pagkakasabi nito.
Oh may gulay.
Hindi nman napansin ng Prof namin ung sabay na pagsasalita namin ni Tony. Hindi ako makatingin kay Tyler. Nahihiya ako na ewan. Pero kung tutuusin kasalanan ko ba na nasukahan ko siya kasi masyado siyang pakealamero? Hnd naman siya masususkahan kung hnd siya nakealam. Hanggang ngayon nakatingin pa rin si Tyler sakin mukhang hinihintay na magsorry ako or what.
“Sorry.Hindi ko nman kasi sinasadya. Medyo naparami yung inom ko saka kasi ikaw kinuha mo bigla yung iniinom ko kaya ayun. Sori na kalimutan mo na yun matagal na yun ee. Haha” Medyo awkward yung tawa ko tapos tumingin ako sa kanya.
Aba ang mokong hindi man lang nakatingin sa akin at mukhang hindi man lang niya pinakinggan yung mga pinagsasabi ko at humikab pa ang loko. Hindi na ako nagabala pang magkomento sa kanya. Tumingin na rin ako sa harap at iniisip na wala akong katabing mokong.
Natapos ang subject namin. Wala naman masyadong binigay na assign or school works yung prof namin kasi malamang first meeting pa lang namin sa kanya.Lumipas naman ang mga araw na okay lang. kaklase ko si Tyler sa dalawa pang minor subject. Hindi niya naman ako pinapansin or kinakausap man lang. Hindi niya na rin nabanggit yung tungkol sa first meeting namin. Kinakausap niya lang ako kapag may importanteng bagay siyang kelangan tanungin about sa subject namin na yun.
Naging busy na rin ako dahil sa dami ng plates na kelangan ipasa, idagdad pa ang mga research papers sa minor subject namin.Malapit na rin ang midterms namin kaya eto nagiging busy na. Sa sobrang busy ko hindi ko na rin nabibigyan ng time si Xavier. Kahit na may nangayri sa amin dati yun nga yung kiss, normal pa rin yung pakikitungo niya sa akin yung tipong parang walang nangyari. Isang beses nga niyaya niya ako na pumunta sa kanila kasama si Tony. Normal lang naman sa amin yun kasi magbestfriend kami. Kilala na nga ako ng parents niya ee. Pero dahil busy ako hindi ako nakakapunta madalas ako magpass sa mga yaya niyang gala. Nagtatampo na nga ang mokong. Hahahhaha. Pero mas mabuti na rin ito kasi mas nakakapagfocus ako sa pag-aaral.
Andito ako ngayon sa hallway papunta sa admission office. Nagkaproblema kasi ako sa requirements ko dati kaya eto kelangan kong ayusin. Bago pa man ako makarating sa office nang may narinig akong ungol. Hinanap ko kung san nanggagaling yung ungol nay un. . Pagliko ko sa isang side malapit sa locker area may nakita akong babae na hinahalikan ng lalaki sa leeg. Yung kamay nung lalaki unti unting bumababa mula sa likod nung babae. Nakapulupot naman yung kamay nung babae sa leeg nung lalaki at halatang sarap na sarap sa halik sa kanya.
Tumalikod ako at baka mahuli pa ako nung dalawa na nanonood sa kababalaghan na ginagawa nila kahit na medyo tago nman ako sa kinatatayuan ko mas mabuting nang makaalis para safe. Paalis na ako nang narinig kong nagsalita yung babae in a weird way kasi medyo mei ungol pang kasama.
“hmm. Wow!! That’s ahhhmazing….. Tyler.”
What? Wait tama ba rinig ko tyler? Lumingon ako para icheck kung yung Tyler na sinabi nung babae ay yung tyler na kilala ko. At hindi nga ako nagkamali si Tyler nga, Tyler Razon. Bago pa man naalis yung tingin ko sa kanila nakita kong lumingon si Tyler at dahil sa gulat ko sa bigla niyang paglingon agad agad akong tumakbo palayo.
Naku Lord sana hindi niya ako namukaan. Nakakainis ka naman Cose bakit ka pa kasi masyadong curious. Dumiretso na lang ako sa admission office dahil natatakot ako na baka nasundan pala ako
“Excuse me po Ma’am Abeleda. Ito na po ung requirements.” Medyo hiningihal pa ako sa pagkaksabi ko niyan.
“ Are you ok Ms. Rosales?” sabi sakin ni Ma’am Abeleda. Kilala niya ako kasi ilang beses na ako nakabalik dito dahil sa pagaasikaso ng requirements.
BINABASA MO ANG
When fate doesn't meet destiny
Acakon-going na ulet. ahahhaha medyo sinipag gawin. nainspire ng konte. . Sorry sa mga nakapagbasa noon dahil ngaun pa lang ulet na-update medyo busy kaso sarreh po :)