Lumabas ako ng room at nagsimula nang maglakad sa hallway. Biglang tumunog ang aking cellphone kinuha ko sa aking bag at tiningnan kung sino yung nagtext.
From bakla:
Ui gurl! Sori hindi na kita nahintay may iportante lang akong aasikasuhin. Anyway wait for me gala tayo later. Hatid na lang kita sa bahay niyo after ok! See yah later!!
To bakla:
Ok cge. See you later
Naisipan kong kumain muna kasi anung oras na rin magfofour na ng hapon. Nang natapos ako kumain ng miryenda tumambay ako sa isang bench malapit sa soccer field. Habang nag-iintay pinanuod ko na lang yung mga taong nagalaro ng soccer. Naalala ko tuloy si Xavier isa kasi to sa mga paborito niyang sports. Siguro kung hindi yun busy baka kasali na siya sa soccer team. Magaling din yun ee.
Napansin kong dumadami na yung mga nanunuod. Karamihan dito ay mga babae. Grabe nga kung makatili halos mabasag eardrums ko, malapit pa nman sila sa pwesto ko.
“Go Razon!!! Go Tyler!!!!” sigaw nung mga babae habang nagtatatalon.
Nakikita ko rin yung ibang babae na nakikisabay na rin sa pagsigaw nila. Ibang iba talaga tong si Tyler. Sobrang sikat niya sa mga babae. Grabe yung pagcheer nung mga tao kahit na practice game lang to. Yung soccer team ay nahati pa sa dalawang team. Pareho silang nakasuot ng sleeveless shirt na nakapatong sa t-shirt nila ang pinagkaiba lang ay yung kulay nung shirt. Yung grupo nila Tyler ay nakasuot ng color “ Neon Green”samantalang yung kabilang team nman ay nakasuot ng color Orange.
Hindi ko mapigilang tumingin kay Tyler kasi stand-out siya masyado, silang tatlo nila Ethan at Blake. Pero magaling din talaga silang magsoccer.
“Go green team” sigaw ulet nung mga babae.
Mukhang inis na yung kabilang team, una hidi pa rin kasi sila nakakascore, pangalawa wala halos nagchicheer sa kanila kundi yung mga kateam nila na nakaupo.
Ilang sandal pa ay nagtime-out yung orange team kaya yung mga players ay nagsialisan sa soccer field ar kanya kanya sa pag-inom ng tubig. Nakita ko ang team nila Tyler na papunta sa way ko, yung water jug kasi nila medyo malapit sa bench kung saan ako nakaupo ngayon. At agd agad nagsitilian yung mga babae na malapit sakin.
“ Oh my goodness.. Ayan na sila. Mas gwapo kapag mas malapit!!!” Haaaay mali talaga ako ng napwestuhan. Mukhang masisisra ata yung eardrums ko kung mananatili pa ako dito.
Nang tumingin ako kela Tyler nakita ko na nakatingin siya sa akin sabay ngumiti. Nagjog siya papunta sakin at umupo sa tabi ko. Nakita ko yung mga matutulis na tingin ng mga babaeng nagchicheer kanina. Binalewala ko na lang.
“Bakit di ka pa umuuwi? Kanina pa yung dismissal naten aa?” sabi niTyler matapos niyang inumin yung tubig niya.
Lumingon ako sa kanya at kitang kita ko ang pawis sa kanyang mukha. Kahit na pawisan siya gwapo pa rin siyang tingnan. Inalog niya ang bsa niyang buhok at bahagyang sinuklay gamit ang kanyang kamay.
“Aaahhh. ALam ko na bakit ka nadito.” Nkangisi siya
“bakit?” medyo mataray yung pagkakasabi ko.
“ Gusto mo akong panuorin nuh? Or nabitin ka kanina? Gusto mo bang ituloy ko?”
“huh? Kapal naman ng mukha mo. Una sa lahat hindi ko pag-aaksayan ng panahon ang panunuod sayo. Pangalawa anung sinasabi mong nabitin? Hindi ako nabitin sa mapupula at kissable—I mean sa labi mo.” Feeling ko kasing pula ko na ang kamatis dahil sa kahihiyan. Shemay ka Cose pinapairal mo nanaman yung kamanyakan mo. Pero alam niyo sa totoo lang tuwing tumitingin ako sa labi niya para bang inaakit ako nito.
BINABASA MO ANG
When fate doesn't meet destiny
Diversoson-going na ulet. ahahhaha medyo sinipag gawin. nainspire ng konte. . Sorry sa mga nakapagbasa noon dahil ngaun pa lang ulet na-update medyo busy kaso sarreh po :)