“Sino kayo?”
Kinusot ko ang mga mata ko at dahan-dahang umupo. Haa.. Gumaan na rin sa wakas ang pakiramdam ko.
“Oh? Yung lalaking maldito.” I said out of the blue. “Bakit kayo nasa loob ng sasakyan ko?”
“Sasakyan mo? Sasakyan namin ito!”
“Sino ka?” Nagkatinginan muna silang dalawa bago ako sinagot.
“Refix! Refix ang pangalan ko.” A man with a tanned skin said.
“Ahh.”
“Manahimik kayo! Itago mo yan Refix, papunta na dito sina Lijo at Addi.”A with a fair skin said while looking outside the car.
Mabilis naman akong pinatago ni Refix sa likuran ng kanyang upuan.
“Magandang gabi, Refix at Aydan.”
“Maligayang pagbabalik sa inyong dalawa.”
I heard two strangers voices at base sa mga boses nila ay matanda sila sa dalawang kasama ko.
“Maraming salamat.”
“Pumasok na kayo.”
Nabuhay ang makina ng sasakyang kinalululanan ko at dahan-dahang umandar. Tumigil ang sasakyan sa isang garaheng puno ng mga pare-parehong sasakyan.
Lumabas kaming tatlo sa loob ng sasakyan. Inayos ko ang suot kong damit pagkatapos ay ang buhok ko naman.
“Aydan, pare!” Lumapit si Refix kay Aydan at nagfist bump ang mga ito. “Pasensya ka na ngayon ah.”
“Ano pa ba ang magagawa ko?” Umiling-iling na sabi ni Aydan.
Sabay silang tumalikod at nagsimulang maglakad sa magkabilang direction.
Eh? Huh?! Tumakbo ako palabas ng garahe at tinignan ko sila.“How about me?! Saan ako matutulog?!”
Naiiyak na sigaw ko. “I don’t know this place. Kayo lang ang kilala ko! Bakit niyo ako iniiwan?!”Nakita ko silang napatigil sa paglalakad at pareho silang lumingon sa akin.
“Aydan, pare! Pasensya na talaga! Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya!”
Mabilis na tumakbo palayo sa amin si Refix at ilang segundo lang ay nawala na ito sa paningin ko.
“Sumunod ka sa ‘kin.”
Patakbo akong lumapit kay Aydan at tahimik siyang sinundan hanggang sa makarating kami sa kanyang bahay.
“May bakante na kwarto doon sa dulo. Doon ka muna matulog.” Tumango ako ng ituro nito ang kwarto sa corner ng kanyang bahay.
Naglakad siya papasok sa isang parte ng bahay niya. Habang ako naman ay inililibot ang paningin sa kanyang bahay.
I saw pictures of him, with Refix, his parents, and with a girl. Malinis ang bahay niya at bihira lamang ‘yon sa mga lalaki.
Nilapitan ko ang mga larawang nakalagay sa ibabaw ng kanyang mga figurines. Ini-angat ko ang larawan niya kasama ang mga magulang niya.
The woman has a fair skin habang kayumanggi naman ang balat ng lalaki. Nagmana si Aydan sa kutis ng kanyang ina at makikita naman sa kanya na maganda at dapat na ipalaganap ang genes na mayroon sila.
“Gusto mong kumain?”
I turned my head in his direction at nakita ko siyang nakadungaw habang may hawak na sandok sa kanyang kaliwang kamay. How cute!
“No. Busog pa ako.” Tumango lang siya at babalik na sana sa kanyang ginagawa ng pigilan ko siya. “Nasaan ang mga magulang mo?”
“Matagal na silang wala.” Casual na sagot niya.
YOU ARE READING
Ninja's Love (Shinobi #1)
FantasyShinobi #1 (COMPLETED) SYNOPSIS: Does love comes coincidentally or it was fate all along? Nikita Abalone, the sole owner of Ninja Van found herself trapped in the world of Ninjas. *Cover is mine. All credits are rightfully mine.*