Refix's POV
Napatayo ako sa 'king kinauupuan ng biglang dumilim ang paligid. Gumalaw ang sahig na tila ba parang lumilindol.
"Babe, nasaan ka?" Nangalap ako sa dilim ng marinig ko ang boses ni Calli.
"Nandito, babe. Nasa pwesto ko lang ako." Ilang segundo lang ay may kamay ang humawak sa 'king damit.
"Anong nangyayari?" Tanong ni Calli.
"Hindi ko rin alam." Nanatili kami sa 'ming pwesto hanggang sa tumigil ang paggalaw ng sahig at bumalik ang liwanag sa buong paligid.
Napapikit ako sa liwanag na tumama sa aking mga mata. Unti-unti kong binuksan muli ang mga mata ko at pinagmasdan ang paligid.
Nakatayo kami sa isang kwarto na gaya ng sa mga mag-aaral. May mga upuan at lamesa na ginagamit sa eskwelahan at may mga numerong nakalagay sa bawat upuan.
"Magandang umaga sa inyong lahat! Humihingi ako ng paumanhin kung pinanatili ko kayong naghihintay." Isang lalaki na may nakakatakot na presensya ang naglalakad sa harapan namin. "Ako si Ginoong Ibis Panter, ako ang magiging proktor sa unang parte ng pagsusulit."
Mataas siyang lalaki na may pilat sa kanyang kanang pisngi. Suot-suot niya ang kanyang bandana at mas nakakatakot siyang tingnan dahil sa ngisi sa kanyang mukha. Napalunok ako sa kaba.
"Walang magaganap na laban ng walang permiso galing sakin. Kaya mag-ingat kayo na huwag gumawa ng anumang klase ng gulo o away." Inilibot niya ang kanyang paningin sa loob ng kwarto. Kapagkuwan ay biglang tumalim ang kanyang mga mata at tinignan kaming lahat. "Kung sino man sa inyo ang mga walang galang na lumabag sa alituntunin na ginawa ko ay hindi ako magdadalawang isip na alisin siya sa pagsusulit."
Natahimik ang lahat ng nasa loob ng room. Mahigpit na hinawakan ni Calli ang damit na suot ko.
"Ibigay niyo sa 'kin ang mga papel na hawak ninyo at kumuha kayo ng isa sa mga numerong ito bilang kapalit," Ipinakita niya sa 'min ang mga hawak niyang number cards. "at umupo kayo sa upuang nakalaan para sa inyo ayon sa numerong nakuha ninyo."
Hinawakan ko ang bulsa ko kung saan nakalagay ang application paper na ibinigay sa 'min ni Sir Bexley.
"Pagkatapos nito ay ibibigay na namin ang mga sagutang papel para sa unang parte ng pagsusulit." Written test?! Ano naman kayang nakalagay doon? Tungkol ba ito sa kung ano ang mga natutunan namin noong nag-aaral pa kami? Hindi pa naman ako nakikinig sa mga guro kapag nag didiscuss sila.
May dalawang lalaki ang lumapit sa kanya na may hawak na mga test papers. Habang ang iba naman ay naka-upo na sa may gilid at nagsisilbing mga spectators.
Kakamot-ulo akong sumabay sa paglalakad papunta sa pwesto ni Ginoong Ibis. Pagkapasa ko sa application paper ko ay kumuha ako ng isang numero.
Sana malapit lang ako kina Aydan o di kaya naman ay kay Calli. Please, Lord. Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata at tinignan ang numerong para sa 'kin. Please, please, please.
Number 195? Nasaan 'yon? Nilibot ko ang mata ko sa mga numero at nakita ko ito sa... bandang gitna. Si Aydan nasaan? Si Nikita? Si Calli? Anooo?! Hindi maaari!!!
Bakit ang layo nila sa 'kin? Paano na 'ko ngayon?! Waaaah!! Bakit ba kasi may written exam pa?! Bakit hindi na lang kaagad practical exam?! Babagsak ako neto eh!
Nanghihinang umupo ako sa 'king upuan. Nagkalayo-layo ang bawat upuan ng bawat grupo. Anong gagawin ko?
"Sa simula pa lang ay may 10 puntos na kayo kagaad." Napa-angat ang ulo ko papunta sa pwesto ni Ginoong Ibis. May kung ano siyang sinusulat sa pisara. "Ang bawat katanungan ay nagkakahalaga ng isang puntos. Isang puntos ang mababawas sa inyo sa bawat tanong na mamamali ninyo!" 'Yon ang sinusulat niya kanina sa pisara. Humarap siya sa 'min at seryoso kaming tinitigan.
YOU ARE READING
Ninja's Love (Shinobi #1)
FantasyShinobi #1 (COMPLETED) SYNOPSIS: Does love comes coincidentally or it was fate all along? Nikita Abalone, the sole owner of Ninja Van found herself trapped in the world of Ninjas. *Cover is mine. All credits are rightfully mine.*