Someone's POV
Nakaupo ako sa aking upuan habang nakatingin sa magandang kalangitan sa labas ng may marinig akong katok mula sa labas. Dahan-dahan kong iniharap ang katawan ko sa pintuan.
"Tuloy ka!" Sigaw ko mula sa loob.
Bumukas ang pintuan at pumasok ang taong kanina ko pa inaasahang darating.
"Magandang hapon." Iniyuko nito ang kanyang ulo bilang paggalang. "Nakapaghanda na kami para sa gagawing paglusob mamayang gabi."
"Magaling kung ganoon." Nakangiti kong sagot sa kanya.
Sa wakas ay maisasagawa na rin ang matagal ng plano.
"Tatawag kami sa oras na maging maayos ang pagpasok sa bayan." Magalang na sabi niya.
"Sikapin ninyong huwag mahuli. Alam mo naman ang kakayahan ng lalaking 'yon." Itinukod ko ang dalawang siko ko sa lamesa. "Gagawin niya ang lahat para lang sa kapakanan ng kanyang bayan... at syempre.. para sa kapakanan ng anak niya."
"Masusunod,Pinuno." Tumalikod na siya at lumabas sa loob ng kwarto ko.
Tumayo ako at tumingin sa labas ng aking bintana. Napangiti ako ng malawak ng makita ko ang mga kasamahan namin na naghahanda.
"Gawin mo ito ng maayos, Emanuel. Ito na ang huling pagkakataon na ibibigay ko sa 'yo." Nakangisi kong bulong.
******************************************
Third Person's POV"Umpisahan na natin ang laro!"
Mabilis na inilabas ni Nikita, Aydan, at Refix ang kanilang mga kunai sa kani-kanilang bag at naging alerto sa maaaring kilos o atakeng gagawin ng kanilang mga kalaban.
"Akin ang lalaki sa kanan." Nakangising turo ng kalaban nilang bata kay Aydan.
Nagtangis ang bagang ni Aydan sa galit. Mahigpit na hinawakan niya ang kunai at matatalim ang mga matang nakatingin siya sa bata.
"Sa 'kin naman siya." Malamig na sabi ng isa pa na nakaturo kay Refix.
Naging mas alerto si Refix sa kanyang kinatatayuan. Habang si Nikita naman ay seryoso lang na nakatingin sa lalaking natitira na tiyak niyang makakalaban niya.
"Kung ganoon... akin siya." Tamad na sabi ng lalaki.
Nagngalit ang mga mata ni Nikita sa kanyang narinig.
"Minamaliit mo ba ako? Sa tingin mo ba ay mahina ako?" Galit na tanong niya sa lalaki.
"Oo." Maikling sagot nito na may kasamang pag tango.
Mas lalong nagalit si Nikita sa kanyang sagot. Nanggigigil na humakbang siya palapit sa mga 'to ng biglang hilahin siya pabalik ni Aydan.
"Nikita, huwag kang magpadalus-dalos. Alam mo ang kapabilidad nila. Hindi sila magdadalawang-isip na pumatay." May diin na sabi sa kanya ni Aydan.
Unti-unting humihinahon si Nikita habang inaabsorb ang mga salitang binitawan ni Aydan.
"Elemento ng Tubig: Libu-libong mga karayom." Bumulusok pababa sa kanila ang libu-libong mga karayom.
Mabilis na nag-isip ng maaaring pangharang si Refix at binigkas ang mga kataga nito.
"Elemento ng Lupa: Matigas na pananggalang." Mabilis na pumalibot sa kanila ang solidified na putik sa kanila.
Ang mga karayom na gawa sa patak ng ulan ay isa-isang lumambot at nagmistulang mga normal na patak ng ulan.
Unti-unting nawawala ang barrier at nakikita na nila ang kanilang mga kalaban.
YOU ARE READING
Ninja's Love (Shinobi #1)
FantasíaShinobi #1 (COMPLETED) SYNOPSIS: Does love comes coincidentally or it was fate all along? Nikita Abalone, the sole owner of Ninja Van found herself trapped in the world of Ninjas. *Cover is mine. All credits are rightfully mine.*