Ikasampu

27 4 0
                                    

"Magandang gabi, binibini."

I turned my head to my right and saw a tall man standing there. The wind blown my hair kaya sinikop ko ito gamit ang isa kong kamay.

"Bakit?" I asked.

"Ikaw ba'y naliligaw, magandang binibini?" My eyebrow arched because of his question. So lame.

"Hindi." Tinalikuran ko siya at nagpatuloy sa aking paglalakad.

He stopped me from leaving ng hawakan niya ang kanang kamay ko. Inis na hinarap ko siya.

"Mister-na-pangit-na-nga-bastos-pa, bitawan mo ang kamay ko." Matigas na sabi ko sa kanya.

"Aalis ka na agad? Samahan mo muna ako, 'no?" He smirked at me and closed the gap between us.

"Ayoko sa pangit eh kaya bitawan mo ako." Nagtitimping sagot ko sa kanya. Kumunot ang kanyang noo sa kalituhan.

I bit the inside of my cheek to prevent myself from smiling. Hindi niya nakuha ang sinabi ko. How dumb! Ganoon ba kagwapo ang tingin niya sa sarili niya?

"Miss, ang arte mo naman." Sabi niya sa akin. "Samahan mo muna ako."

"Pasensya na at sinabi kong ayaw ko makisama sa mga katulad mo." Inis na binawi ko ang aking kamay mula sa kanyang pagkakahawak.

Mabilis na iniwan ko siya doon at tinahak ang daan pabalik sa bahay ni Aydan.

"Sandali lang!" He blocked my way at tinignan ako ng may inis sa kanyang mga mata.

"Ano ba?!" Inis na bulyaw ko sa kanya. "Ang sabi ko tigilan mo na ako!"

"Bakit ba ayaw mo sa'kin?!" Irita niyang sigaw. Nilapitan niya ako at mahigpit na hinawakan sa aking kamay.

"Let go! Ano ba?!" Pwersahan kong binawi ang aking kamay sa kanya at matalim siyang tinignan.

Bumakas ang irita sa kanyang pagmumukha. He raised his hand at hahawakan sana ako ulit ng mapatigil siya.

"Bakit ang tagal mo, mahal?" My body stiffened when a hand snaked around me and a soft lips touched my cheek.

"A-aydan." Pigil ang hiningang sabi ko.

He's standing beside me while hugging me from the side. Inilayo niya ang kanyang mukha sa'kin at tinignan ang lalaking nasa harapan namin.

"Sino siya?" He asked.

"Ah! Pi-" Naputol ang dapat kong sabihin ng biglang magsalita ang lalaki.

"A-ano... Ti-tinatanong ko lang siya kung nakita ba niya yung kapatid ko." Mabilis na sagot niya.

Nangunot ang noo ko sa kanyang sinabi. His hands are trembling at hindi mapakali ang kanyang mga mata.

"Kung ganoon, bakit mo siya hinahawakan?" He asked him coldly.

"A-ano kasi... Ano... Pasensya na!" Mabilis na tumakbo siya palayo sa amin.

Nakatayo lang kami doon at pinapanood kung paano tumakbo ng mabilis ang lalaki upang makalayo sa amin.

"Tara na. Kanina pa luto 'yung kanin." Umalis na kami doon at simulang maglakad pabalik sa bahay niya.

Hindi niya inalis ang pagkakahawak niya sa aking baywang. He acted as if nakalimutan niya na hawak-hawak niya ang baywang ko.

"Uh... Aydan?" He looked at me.

"Hmm?"

"Yung baywang ko." I said at tiningnan ang kamay niyang nakahawak doon.

Ninja's Love (Shinobi #1)Where stories live. Discover now