Dalawampu't tatlo

15 4 0
                                    

Nikita's POV

Nakatitig ako sa galaw ng kamay ng babaeng nasa harapan ko.

"Okay.. Number 6." Binasa ko ang tanong sa number 6.

"Kung titingnan mula sa aking lupain, anong lupain ang makikita sa kanang parte ng mapa?" Woahh! Buti nalang may mga tanong na easy lang sagutan. Siguro naman hindi na makakakuha ng zero dito si Refix.

Hinawakan ko ng mahigpit ang gamit kong panulat at isinulat ang sagot na nararapat para sa katanungan na 'yon.

"Next is number 7. Konti nalang at matatapos na 'ko." Bulong ko. There are only 9 questions in the paper and the last one will be given 10 minutes before the test will end.

"Alright!" Napatingin ako kay Mister Ibis ng bigla siyang magsalita. "Here is the tenth question!"

I stiffened in my seat and held my pen tightly. This is it.

******************************************
Refix's POV

Heto naaa. Kahit ito lang ang makuha ko ayos na!

"Una sa lahat, bibigyan kayo ng pagkakataon na mamili kung sasagutan niyo ba ang tanong na ito o hindi." Itinikom niya ang kanyang bibig at binuka muli upang magsalita. "Kung pinili ninyo na sagutin ito ngunit namali kayo sa pagsagot ay kailangan mong.." Seryoso niya kaming tinignan. "kalimutan ang pagsali sa pagsusulit na ito kahit kailan!"

Mas lalo akong nanigas sa 'king kinauupuan sa kanyang sinabi.

******************************************
Nikita's POV

Throw over the rights of taking the Chuunin exam?! Ganoon ba kahalaga ang pang-sampung katanungan na 'to?!

"Pero binigyan ko kayo ng pagkakataon na huwag na itong sagutin." He stepped forward. "Para sa mga hindi sigurado na masasagutan nila ang pang sampung katanungan, pwedi niyo itong huwag sagutan. At sumali nalang kayo ulit sa susunod na taon."

He laughed like a witch and stared at us deadly.

"Sa mga hindi kukunin ang pang sampung katanungan, itaas niyo ang inyong mga kamay! Kapag nalaman na ang buong numero ng hindi sasagot ay paalisin na namin kayo." Seryoso nitong sabi.

Naging tahimik ang paligid ng ilang minuto hanggang sa isang lalaki ang tumayo. Nakapikit ito habang nakataas ang kanyang kaliwang kamay.

"A.. A.. Ayoko na! Hindi ko na 'to kukunin!" Nakapikit nitong sagot kay Mister Ibis.

"A-ako rin!" Sunud-sunod na nagtaasan ng mga kamay ang mga nasa loob at tumayo.

Pinalabas sila ni Mister Ibis by team. Konti nalang ang mga natira sa loob ng room.

I stared at Aydan. If you take it, I'll take it too. I will support you, hon. Your dream is my dream.

Biglang nanlaki ang mga mata ko ng makitang dahan-dahang itinataas ni Aydan ang kanyang nanginginig na kamay. What are you doing, Aydan?! Are you giving up? Oo sinabi ko na kung ano ang desisyon mo ay susuportahan ko, but really? That easily?

Seconds later, he slapped both his hands on his cheeks which made the people inside the room look at him.

"Aaah! Ano ba 'to?! Tinatakot niyo ba kami? Kung ganoon ay hindi ako natatakot! Pagkatapos ng pagsusulit na ito ay sisiguraduhin kong magiging isang Chuunin ako! Hindi ako natatakot sa mga banta ninyo, Ginoo." He crossed his hands in his chest and closed his eyes.

That's right, honey. Nakangisi ko siyang tinitigan at nabuhayan ng loob. Tumayo si Refix at mabilis na lumapit kay Aydan.

"Salamat, Aydan!" Niyakap niya ito ng mahigpit na siyang nagpasama sa mukha ni Aydan. "Pinalakas mo ang loob ko, dude."

Ninja's Love (Shinobi #1)Where stories live. Discover now