third person pov
Pinuntahan ni Minho si Chan sa bahay nila na may dalang beer at chicken. Agad naman siyang binatukan ng nakatatanda dahil sa dami ng mga dala nito.
"Baka gusto mong maawa sakin? May pasok pa bukas"
Kumamot sa ulo si Minho at tinignan ng masama si Chan.
"Sinabi ko bang uubusin lahat 'to ngayon?", depensa ni Minho
Dumiretso silang dalawa sa sala at sinimulan ang pagtagay. Syempre kala mo mga malalakas na eh
"Non alcoholic 'tong binili ko ha"
"Mahina ka"
"Parang kanina sabi mo pa maawa ako sayo hyung"
Weird na tinignan ni Minho si Chan na nilalapa ang chicken wings.
"Hyung", tawag ni Minho
"Hmm?", sagot ni Chan nang hindi tumitigil sa pagkain
"Balak kong umamin kay ShinAe bukas", nakangiting sambit ni Minho
Napatigil sa paglamon si Chan at tinignan si Minho. Nangiti nalang ito at tinapik ng pagka lakas si Minho. Hindi na nagreklamo ang nakababata at nangiti na lang.
Saksi si Chan sa kung paano titigan ni Minho si ShinAe. Hindi siya ganon kadali magtago ng nararamdaman kaya halata ito ni Chan simula pa lang.
"After several months, naisipan mo rin yan. Patatagalin mo pa ba? Dapat ngayon na", excited na sabi ni Chan
Nagulat naman ang nakababata at pinagmasdan nalang si Chan na kuhanin ang phone niya.
"Hi. Gusto ko sana magpadeliver ng 3 Large Burgers saka Fries. Yes yes! Saka pwede mag request? Pwedeng si ShinAe yung magdeliver dito-"
"Hyung? NO HINDI PO! PWEDENG KAHIT SINO!"
"Ano ba? Panira ka naman eh"
Mahahablot na sana ni Minho ang cellphone ni Chan nang tumayo ito at tumakbo sa kwarto nito. Napagtanto niya na amoy Chicken na siya gawa ng maduming kamay ni Chan.
Nagpunta ito ng CR at naghilamos. Napatitig ito sa salamin gaya ng mga nasa music video. Pinagiisipan niya kung ano ang mga sasabihin niya sa dalaga.
'Pano ba?'
Dahil sa kaba nito ay binasa niya nalang uli ang mukha niya at ginulo ang buhok. Hindi niya alam ano ang mga sasabihin niya kaya pinagsisisihan niya na sinabi niya iyon kay Chan.
'Positive. Positive. Dapat positive, Minho'
Kinuha ng binata ang cellphone nito at akmang imemessage si ShinAe. Naalala niya na naka block siya sa dalaga kung kaya nagtagal siya ng ilang minuto pa kung pano ang gagawin niya. Nagdesisyon sya na lumabas nalang sa CR at bumungad sa kaniya si ShinAe na nakatayo sa tapat ng pinto.
"Oh Minho oppa", banggit ni ShinAe
"Iwan ko muna kayo", banggit ni Chan dala ang mga inorder na pagkain
Oo, siya lang uubos non.
"Teka galit ako sayo. Nabigay ko na yung order kaya aalis na ko", sabi ni ShinAe
"Teka naman. Galit ka pa rin dahil don? Joke lang naman yun diba?"
"Joke lang? Hindi kaya nakakatuwa. Nakakahiya kaya"
"Wala namang nakakita na nadapa ka non"
"PINAALALA MO PA!!"
Natawa nalang si Minho habang si ShinAe naman ay tinakpan ang mukha dahil sa hiya. Akmang lalabas na ito ng pinto nang tawagin ulit siya ni Minho.
"May sasabihin pa ko"
"Ano yun oppa?", lingon ni ShinAe
"Wag na wag mong sasabihin sa iba 'tong sasabihin ko ha", banta ni Minho
Kahit na nagtataka ay tumango pa rin ang dalaga. Nilapitan naman siya ni Minho at hinalikan siya sa labi nang mabilis.
"Gusto kita", bulong nito sa dalaga
Nakatingin lang ang dalaga sa kanya at hindi nagsasalita. Kaya minabuti ni Minho na umatras at hintayin siya na makapagsalita.
Grabe kasi, Minho. Kiss agad? Sanaol diba
"Ah ano kasi oppa.. Ano gusto mong palabasin? Hindi ko alam bakit mo 'to ginawa"
Natawa si Minho. Di niya inakala na sasabihin niya ang cringe phrase na ito na galing sa mga napapanood na drama ng kapatid niya.
"Sabihin mo lang kung oo. Kung oo, sakin ka na. Kung hindi, tatanggapin ko", proud na sabi ni Minho
Gulat parin na nakatingin sa kaniya si ShinAe. Hindi nila alam na nakasilip si Chan mula sa kwarto niya at malawak ang ngiti habang nakakagat sa fries.
"H-hindi...", sagot ni ShinAe
Nagulat si Minho sa sinabi ng dalaga, "Kung hindi... sige--"
"...ako hihindi", dugtong ng dalaga
"Ha?"
Lumabas na si ShinAe at susundan sana niya ito pero agad na lumabas si Chan sa kwarto niya at pinigilan si Minho.
"Naka silip sa labas sila Kihyun at Taeyong. Wag kang lalabas"
BINABASA MO ANG
Autumn || lee minho
Fanfiction"Autumn, the time when everything bursts with its last beauty, as if nature had been saving up all year for the grand finale." [seasons of the world #02: autumn] skz lee minho ff ;; 112720