021

9 2 0
                                    

third peron pov

nasa kalagitnaan ng water break ang team ng tinawag ni Taeyong si Kihyun. Nagpunta sila sa dulong bahagi ng court at tinignan ang paligid.

"Hindi ako natutuwa sa inasta ni Minho sa gc kagabi", bungad na bulong ni Taeyong

Pasimpleng tinignan ni Kihyun si Minho na nagdi dribble ng bola, "Ako bahala hyung"

"May tinatago yan. Hindi pwedeng lumabag sa batas ng tropa", bulong ulit ni Taeyong

Naglakad pabalik ang dalawa at nagtawag ulit ng practice. Buong magdamag nilang pinagmasdan si Minho at maging sa paguwi nito ay sinundan nila ito.

"May check up daw sila ng mama niya. Sundan natin pauwi", utos ni Taeyong

Hindi kalayuan ang layo nilang dalawa sa naglalakad na si Minho. Hindi lumilingon ang binata pero alam nito na may sumusunod sa kaniya kung kaya naglihis siya ng daan.

"Hyung hindi mo ba alam bahay ni Minho?", tanong ni Kihyun kay Taeyong

Umiling lang si Taeyong at pinagpatuloy ang pagmamasid kay Minho. Nagulat ang dalawa nang biglang may inalayan itong matandang babae at pumasok ito sa isang bahay.

"Hyung, yung mama ata na tinutukoy niya ay lola niya. Paranoid ka hyung?", asar ni Kihyun at nakatanggap ito ng batok kay Taeyong

Nagsimulang maglakad pabalik ang dalawa. Habang naglalakad ay nagtanong si Kihyun kay Taeyong na ikinalaki ng mata nito.

"May gusto ka ba kay Minho, hyung?"

Agad na sinakal ni Taeyong si Kihyun habang naglalakad. Nakatakas naman ito at nagtatakbo. Sa kabilang banda naman, nagpasalamat naman si Minho sa matandang babae.

"Lola maraming salamat po. Malaking tulong po yung ginawa niyo", sabi niya saka nag bow sa matanda

Nginitian lang siya ng matanda at kumaway. Nakangiting umuwi si Minho at tinatawanan ang kalokohang ginawa sa dalawa.











Autumn || lee minhoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon