Hindi alam ni Yeseul kung ano mararamdaman niya ngayon. Pangatlong beses na nilang magkikita ni Minho pero pakiramdam niya ay matagal na silang magkakilala. Ngayon ay naiinis siya dahil sa mga sinend na chat ni Minho sa kanya.
Napa simangot siya at nilagay ang cellphone niya sa kaniyang bulsa at nagsimulang maglakad paalis.
"Sige bye pala ha. Sige aalis talaga ako. Akala niya mapipigilan pa niya ako", bulong niya sa sarili niya
Patuloy siyang naglalakad paalis ng school nila Minho. Nagiintay siya ng Minho na hihila sa kaniya para pigilan pero walang dumating hanggang tuluyan na siyang nakalabas ng school nila.
"Ganon pala ha. Magkalimutan na tayo Lee Minho", inis na bulong niya
"oppa", dugtong niya sa pangalan ni Minho
Huminto siya sa paglalakad pero dahil sa inis sa chat ni Minho ay nagpatuloy ulit siya maglakad habang dinadaldal ang sarili.
"Uumpog ko talaga siya sa puno kapag nagkita kami"
"Hindi na pala kami magkikita. Hindi na! Akala niya sakin marupok?"
"Kalandian lang ba talaga ako? Ha! Akala niya ba papatol ako sa ganon lang?"
"Hindi dapat, Yeseul. Tama. Wag ka nang lumapit don"
"Sabi na di talaga gagana itong reto reto"
"Sana pala pinatulan ko na si Keehan"
"Akala niya ba siya lang gusto ko?"
"No! Marami akong crush"
"Konting harot pa Yeseul, hindi na magiging malamig pasko mo"
"Plan B tayo pagdating sa bahay"
"Block ka sakin ngayon Minho Lee HAHAHA"May paang biglang sumulpot sa harap niya dahilan para matalisod siya pero agad naman siyang nasalo ng taong iyon.
"Lah parang tanga-Oh! Minho!!", sigaw niya
"Oppa...", dagdag niya sa pangalan ni Minho ulit
Nakatingin si Minho sa kaniya na nakasimangot din. Pinagpapawisan ito at halata ngang galing practice. Tinignan lang din sya ni Yeseul na may halo na pagtataka kung ano meron at nasundan siya ni Minho na agaw pansin dahil naka varsity pa.
"Siguro nakipaghiwalay yung babae"
"Umamin ata yung lalaki pero nireject"
"Eto napapanood ko sa Kdrama eh"Nahiya naman agad silang dalawa sa mga naririnig sa paligid kaya binitawan nila ang isa't isa. Hindi na sila kumibo pa at inintay nalang na magsalita ang isa sa kanila.
"Oh bagong kulay buhok mo", biglang salita ni Minho
Hindi siya pinansin ni Yeseul at nakatayo lang don. Nakasimangot ito kaya ginulo ni Minho ang buhok nito.
"Ahh!! Wag mo nga ko hawakan!", sigaw ni Yeseul
"Arte naman nito. Kala mo di ako crush", reklamo ni Minho
"Hindi naman talaga! Kapal mo. Dun ka na nga, uuwi na ko", sabi ni Yeseul saka nagsimulang maglakad
Hinila naman siya ni Minho at pinuwesto sa harap niya, "San ka pupunta?"
"SA JOWA KO!!", sigaw ni Yeseul saka naglakad muli
"NANDITO JOWA MO!", sigaw ni Minho na nakapagpa lingon kay Yeseul
"Wag mo na kong landiin oppa. Di ako natutuwa sayo. Babye!", sabi ni Yeseul saka nakasimangot na umalis
Tumawa naman si Minho habang hinabol si Yeseul. Nang maabutan niya ito ay inakap niya ito at binulungan.
"Topakin mo naman. Gusto mo lang ata ako yakapin eh", biro ni Minho na lalong nakapasimangot kay Yeseul
Hinampas nalang siya ni Yeseul kaya natawa siya at inakap nalang ng mahigpit ang dalaga. Lalo naman siyang natawa nang akapin din siya pabalik ni Yeseul.
"Let's date", bulong ni Minho kay Yeseul
Aalis sana sa yakap si Yeseul pero hinigpitan ni Minho ang yakap sa kanya.
"Di naman kita kalandian lang kaya wag mo na patulan yung Keehan. Ako nalang patulan mo", sabi ni Minho at hinalikan ang ulo ni Yeseul
Tuluyang nakahiwalay sa yakap si Yeseul at tinignan si Minho ng may halong pandidiri.
"Ang corny mo naman pala oppa", sabi ni Yeseul
Inirapan nalang siya ni Minho at saka inakbayan. Sabay silang naglakad pabalik sa school nila Minho. Si Yeseul naman ay di mapakali kung anong mukha ang ipapakita sa pinsan nito. Nakatingin lang ito ng diretso habang pinakikiramdaman si Minho na ngiting ngiting naka akbay sa kaniya.
"Napaka landi pala talaga nitong si oppa"
Lihim siyang tinignan ni Minho at ngumisi nalang ito. Alam niyang marupok si Yeseul kaya pumayag ito.
Nakarating sila nang matiwasay sa gym ng school nila Minho nang matiwasay at puno ng pang aasar. Pinangungunahan mismo nila Chan at Jisung. Nanatili ang mga pangaasar nila hanggang matapos ang practice game nila.
"Hyung, nagkamali tayo kay Minho", bulong ni Kihyun kay Taeyong
"Tama naman siya ng desisyon", sagot ni Taeyong habang naka tingin sa magkatabing naglalakad palabas na si Yeseul at Minho
"Akala ko papatulan niya si ShinAe eh. Kadiri pag nagkataon", sabi ni Kihyun at saka natawa
Pinakita naman ni Minho kay Yeseul ang picture nito kay Minho. Nalaman ni Yeseul na matagal palang nagiintay sa gilid si Minho at pinagmamasdan lang siya.
"Lamig na lamig ka siguro 'no? Kapal ng suot mo dito eh", puna ni Minho kay Yeseul na nakapagpasimangot dito
"Alam mo oppa, di ko alam kung seryoso ka ba talaga sa mga sinasabi mo o gusto mo lang na kaltukan kita", inis na sabi ni Yeseul
Tinawanan lang siya ni Minho at saka kumuha pa ng picture ni Yeseul. Nang makakuha siya ng panibago ay pinakita niya ito sa dalaga
"Ay ang ganda ko dito. Send mo sakin yan", sabi ni Yeseul saka inagaw ang cellphone ni Minho
Okay. Masaya na si Minho ngayon pero may isang tao ang hindi. Kanina pa siya nakamasid sa kanilang dalawa at kanina pa niya gustong sakalin si Minho. Kilala niyo na kung sino.
BINABASA MO ANG
Autumn || lee minho
Fanfiction"Autumn, the time when everything bursts with its last beauty, as if nature had been saving up all year for the grand finale." [seasons of the world #02: autumn] skz lee minho ff ;; 112720