Chapter 5

4 1 0
                                    

Fahrein


Dahan dahan kong iminulat ang aking mata ngunit dilim pa rin ang sumalubong sa'kin. Iginalaw ko ang aking katawan pero hindi ko magawa, saka ko lang napagtanto na nakatali pala ako sa Isang poste.

Ilang minuto akong nakatitig sa kawalan nang marinig ko ang pagbukas ng isang pinto. Nasilaw pa ako sa liwanag na pumapasok dito.

' Bakit ba kasi hindi ka na lang maglaho? Pabigat ka lang sa kanya pinapatagal mo pa eh.. maghihiwalay din naman kayo kasi ako ang mahal niya, naiintindihan mo ba yon?? Ako ang mahal niya!!'
Tinig ng babae na sa hinuha ko ay siya ring pumasok sa pinto. malakas niyang hinila ang buhok ko.

'Malandi!!'   sinampal ako nung babae pero hindi ko makita ang kanyang mukha

'Ngayon mawawala ka na sa landas ko!! YOU ARE NOTHING BUT A SLUT!!'
Hinila niya ang aking buhok at saka ako paulit ulit na sinampal, habang paulit ulit din niyang binibigkas ang salitang malandi at slut halos hindi ko na maramdaman ang aking magkabilang pisngi dahil sa pamamanhid.

Ano bang ginawa ko sa kanya??

May pumasok na tatlong kalalakihan mula sa pinto na siyang ring pinasukan nitong babaeng walang tigil na sumasampal sa akin.

'Tiba-tiba tayo sa kanya boss maganda na seksi pa at ang ganda ng kutis...' Sabi ng isa sa tatlong lalaki.

Unti- unti silang lumapit sa'kin matapos akong bitawan nung babaeng hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung bakit galit na galit sakin.

'Sige sa inyo na ang babaeng yan gawin niyo ang gusto niyo sa kanya..' matapos sabihin yon ay umalis na siya.

Hinawakan ako nung isa sa hita habang yung dalawa ay nanonood lang.

'N-No ... P-please wag... No..'

Tila wala silang naririnig.
Tinatanggal na niya ngayon ang aking pantaas na damit

'N-no!! Please let go of me please!!! Don't come near me N-no!!!'

Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga.

Naramdaman ko na may yumayakap sa'kin kaya sa takot ko ay nagkumawala ako.

"N- no!!! No... P-please... Don't— I'm begging you.."

Napahagulgol na lang ako sa takot.

"Shhh... it's me Rein... Si Lynn to, everything is gonna be alright.." mahinahon na pag-alo sakin ni Lynn na may bahid ng pag aalala na siya palang nakayakap sa'kin.

Yumakap ako ng mahigpit sa kanya dahil hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang hawak sa'kin ng mga lalaking yon.

Ngayon lang nangyari sa'kin ito... Hindi ko alam kung nangyari ba talaga ito o par—

My Forgotten Vero Amore Where stories live. Discover now