Chapter 1

6 3 0
                                    


Fahrein

Nagulat ako sa biglang pagsigaw ni Lynn  short for Elynna.

"BAKIT??" Gulat na tanong ko aatakehin ako sa puso pag talagang kasama ko tong dalawang ito.

"Baka may stalker ka tapos aabangan ka mamaya pag uwi tapos hihilahin ka papunta SA madilim na eskinita tapo--"

"Tapos isasaksak ko sa bibig mo yang kutsara pag hindi ka tumigil" pag putol ko sa sasabihin nya ang kulit talaga nito ni lynn ang lawak ng utak.

Napatingin ako sa dulong parte ng cafeteria at doon ko nakita ko ulit yung lalaki. Mag isa lang siyang kumakain. Hindi naman kalayuan ang table niya sa table namin.

Ngayon ko Lang napagtuonan ng pansin ang pisikal na itsura niya.

Messy brown hair, makinis ang mukha parang walang porse, matangos ang ilong, makapal na kilay, ang kanyang brown eyes na parang madami laging gustong sabihin paired with long curly eyelashes at manipis at hugis pusong labi na ang sarap----

"HOY!! Ano Yan?" Nag iwas ako ng tingin at ibinaling kay Lynn na biglang nagsalita. Sinundan niya ng tingin ang direksyon ng mga mata ko kanina at bigla siyang ngumiti ng nakakaloko.

"Kaya naman pala tahimik tong isang to" sabi ni shara habang nakatingin dun sa lalaki.

"Sige landi pa more susumbong kita kay Rei alam mo naman yun ayaw na ayaw may lalapit sayong ibang lalaki gusto eh sya Lang" baling niya sakin

"Sira parang napatingin lang landi agad?" Napabaling ulit ako sa table niya na agad ko din namang pinagsisihan dahil sa nasalubong ko ang kanyang mata na titig na titig sa akin para bang may ginawa ako sa kanya masama. Ngayon ko lang siya nakita pero bakit parang kilala niya ako sa uri ng tingin niya sa akin. Ibinaling ko na lang ang atensyon ko kila Lynn at nakinig sa kadaldalan nilang dalawa.


Papasok na kami sa susunod naming klase na makaramdam ako ng tawag ng kalikasan.

"Shara, iihi lang ako" Hindi ko na Kasi kayang tiisin pa.
"Ano ba naman yan kakagaling mo lang ng Cr tapos babalik ka ulit?? Sige sige at baka dito ka pa magkalat"

Sa likod na lang ng mga classroom ako dumaan malayo kasi pag sa hallway ako dumaan. Medyo marami kasing puno dito pero wala naman tumatambay.

Darlin' I, I can't explain

Where did we lose our way?

Girl it's drivin' me insane
And I know I just need one more chance

To prove my love to you
And if you come back to me
I'll guarantee
That I'll never let you go...

Ano yun? May multo ba dito kaya walang tumatambay?

Can we go back to the days our love was strong?

Can you tell me how a perfect love goes wrong?

Can somebody tell me how to get things back

The way they use to be?
Oh God give me a reason

I'm down on bended knee...

Sino kaya yung kumakanta? Ang Ganda ng boses pero ang sakit naman nung kanta..
Naninikip yung dibdib ko.

Lumapit ako sa isang puno at sumilip. May lalaking nakasandal sa kaharap na isa pang puno. Lumapit pa ako ng konti para mas marinig ko ng maayos. At para makita ko ng malapitan kung sino Yung kumakanta Hindi naman niya siguro ako makikita kasi bukod sa nakapikit siya ay nakaheadset pa tamang emote lang si kuya.

I'll never walk again until you come back to me...

I'm down on bended knee..
So many nights I dream of you

Holding my pillow tight
And I know I don't need to be alone, yeah

When I open up my eyes
To face reality

Every moment without you
It seems like eternity

I'm begging you, begging you come back to me

Bakit ganon ang sakit ng dibdib ko. Ang daming emosyon ang naririnig ko sa paraan ng pagkanta niya. Parang sinasabi niya yung lyrics sa kung sino man. Tinitigan ko yung mukha niya bakas ang lungkot at sakit sa gwapo niyang mukha. Nagulat ako kasi siya pala yung lalaking laging nakatingin sakin ng masama.

"DRYSTAN!!!" Lumingon ako sa gawing kanan ko kung saan nanggaling ang boses nung sumigaw at nakita ko ang isang lalaking tumatakbo palapit sa pwesto ng tinawag niyang Drystan. Mabilis akong tumalikod at umalis dahil bukod sa baka makita nila ako eh ihing ihi na talaga ako.

Mabilis lumipas ang mga araw. Tatlong buwan na ang lumipas simila nung makita ko yung Drystan na yun na nag e-emote  sa science park yung mapunong parte ng University. Ganon parin ang trato sakin ng hambog na Drystan na yun.

Hanggang sa makagrupo namin siya sa project  namin. Sobrang yabang niya ipinahiya niya sa buong klase nung i-grupo kami ng Instructor namin.

"I will group you into five, alam niyo na naman ang gagawin hindi ba? Okay so heto na Ms. Ritual, Ms. Burgo, Mr. Trapago, Ms. Caballero and Mr. Valdez you will be the first group and then...." Nagtawag pa siya ng kung sino sino hanggang sa tawagin niya ako.
"Ms. Junio, Ms. Sanchez, Ms. Reyes, Mr. Diaz and Mr. Monteverde you will be the last gro--" "WHAT?? Sir baka pwede mo ako ililat ng grupo" angal agad ni Drystan.

"And why is that Mr. Monteverde?" Masungit na tanong ng Instructor namin.

"Ayoko lang sir, kung pwede lang mag-isa na lang akong gagawa ng  project mas mahihirapan akong gumawa pag may pabigat na kagrupo" pag sagot niya kay sir habang naka tingin sa akin at kitang kita ng buong klase namin ang ginawa niyang pagtitig sa akin. Hindi rin yon nakaligtas sa mata ng Instructor namin.

"Kung may problema man kayo ni Ms. Junio wag niyo naman sana idamay ang subject ko,  My decision is final kayo ang mag kagrupo."

Yon ang nangyari nung i-grupo kami ni sir at simula non laging na akong inaasar ni shara at Lynn. Hindi lang yon minsan sinasadya niya akong bungguin kapag lalabas na kami ng room. At lagi niya akong tinitingnan na masama. Hindi ko maintindihan kung anong problema niya sakin.

Napahinto ako SA pag aayos ng mga gamit ko ng bigla akong kalabitin ni Lynn. Nang itaas ko ang aking tingin nakita ko si Dystan at si Dylon yung kagrupo namin. Nakatayo sa mismong harap nami nila shara at Lynn.

My Forgotten Vero Amore Where stories live. Discover now