Chapter 3

6 4 0
                                    

Fahrein

Lumingon pa ako sa likod ko para makasiguro kung ako Ang itinuturo niya pero wala naman akong nakita na kakaiba sa likod ko kaya ibinalik ko sa kanya ang tingin ko at ganon parin ang itsura niya.

"Bakit hindi mo agad sinabi samin? Tutulung-" madramang tanong sakin ni shara na agad ko din namang pinutol.

"Ano na naman ba ang sinasabi mo? " Kahit mukhang may idea na ako sa tumatakbo sa utak niya ay nagsigurado parin ako.

"Eh, hindi ba at nagsimula ka lang naman maging ganyan nung lumabas ka ng VIP? so binastos ka don nila Dylon?"

"Sandali paano napasok si Dylon sa usapan?" Napalingon ako kay Lynn ng bigla siyang nagtanong dahil kanina pa siya tahimik.

"Sila Dylon Kasi yung costumer sa VIP roo-" "OH MY GUMMY" napapailing na lang ako sa kanilang dalawa.

"Una sa lahat, mukha bang manyakis sila Drystan para sa inyo? " Sabay silang umiling habang nakanguso at nakatungo. Napangiti na lang ako dahil ang cute nilang dalawa pero agad ko rin namang iseneryoso ang mukha ko ng tumingin silang dalawa sa akin.
"WALA SILANG GINAWANG MASAMA SAAKIN." Binigyan ko talaga ng diin lahat ng sinabi ko para malaman nila na seryoso ako.

"Eh, ano yung arte mo kanina? Hindi ako naniniwala na pagod lang yon kilala kita."

Hay.. naku kilala talaga nila ako.
Hindi ko alam kung dapat ko pa bang sabihin sa kanila yung kanina o huwag na lang.

On the second thought, kaibigan ko naman sila so.... Sasabihin ko na rin.

"Oh? Ano na?" Untag sa akin ni Lynn nang hindi ko mapansin na natulala na pala ako.

"Ano kasi-" Hindi ko alam kung pano ko sisimulan.

"Anong ano kasi wag mo nga kaming bitinin." Nakakatakot din talaga ito si Lynn pag nagseryoso.

"K-kanina kasi nakita ko sila Drystan may mga kasamang babae.." naalala ko nanaman yung pakiramdam ko kanina nung makita ko sila..

" So..? Ano naman ngayon?" "Natatakot kasi ako..." Halos pabulong na sabi ko. Dahil nahihiya ako na sabihin sa kanila ang dahilan ng pananahimik ko

"At bakit ka naman matatakot aber?" Nakapamewang na tanong ni Shara habang nakataas ang isang kilay.

"Hin-hindi ko alam Basta n-nung makita ko sila kanina may kung ano akong naramdaman-" napahawak ako sa dibdib ko ng makaramdam ako ng kirot "n-natatakot ako- hindi ko alam kung bakit ganito ng makita ko sila ang sakit dito sa dibdib - gusto ko silang paghiwalayin pero sa anong dahilan eh h-hindi naman kami ganon na mag-kakilala para maramdaman ko ito... Lynn... I'm s-scared please help me get rid of this..." Kaagad kong pinunas ang mga luha na hindi ko namalayang naglandas sa aking pisngi.

Napayuko ako ng makita ko ang mga mata nila dahil may bakas ng awa ang seryoso nilang tingin sa akin.
Naramdaman ko Ang paglapit nila at Ang bahagyang pagtapik
sa aking likod. Ilang minutong namayani ang katahimikan at tanging hikbi ko lang ang maririnig sa kabuuan ng sala. Hanggang sa si Lynn na rin ang unang nagsalita.

"Dapat siguro magpahinga na muna tayo bukas na natin isipin ang dapat gawin."

Inalalayan nila akong dalawa hanggang sa makapasok ako ng kwarto bago sila pumasok sa kani-kanilang kwarto. Napangiti na lang ako habang nakatingin sa nakasaradong pinto.

'I am very lucky to have them as my bestfriends'

Naghanda na akong matulog at tumabi ng higa kay Rei. Napatitig ako sa maamong mukha ni Rei para siyang anghel kung matulog ang matangos niyang ilong ang kanyang mata na paborito Kong titigan dahil sa sobrang lalim at parang ang daming sinasabi.

My Forgotten Vero Amore Where stories live. Discover now