Chapter 03

0 0 0
                                    

Azandryll's Pov.

8:20 Am

Seryoso akong nagsusulat nang may marinig ako mumunting hikbi mula sa taong nakaupo sa tabi ko.

Kunot noo kong nilingon sa Izi na nakayuko habang may binabasa sa cellphone niya.

Nagtataas baba ang mga balikat niya at naririnig ko ang mumunti niyang hikbj dahil magkatabi na ngayon ang desk namin.

"Woi! Anong nangyari sayo." Nagtataka kong tanong sa kanya.

Nag-angat siya ng tingin sa akin at nakita ko ang naluluha niyang mga mata.

"S-Sana...Sana iba nalang yong namatay....Bakit siya pa?" Naiiyak niyang turan.

Agad naman akong kinabahan sa inaasal niya.

"Sinong namatay?" Nag-aalala kong tanong. Lalo siyang naluha sa sinabi ko.

What the...

"Yong Character...."

"..."

The. Fuck?

Huminga ako ng malalim, ilang beses, upang mapigilan ang kamay kong hampasin siya nitong hard bound na librong ginagamit ko ngayon.

Nakakamatay ang mga hampas ko kaya todo pigil ako.

Wattpad ......Epekto sa kanya ng wattpad....

Ipinikit ko ang mga mata ko sa sobrang inis.

Umiiyak siya dahil namatay yong character.

Character sa wattpad.

Character.

FUCKING CHARACTER!!!!

Damn it!

Akala ko kung napano na siya yon pala dahil lang sa isang character. Fuck it!

Arg!

Ilang ulit akong bumuntong hininga upang pakalmahin ang nagwawala kong kalooban.

"Az? Okay ka lang?" Tanong niya na may halong pag-aalala.

Alam kong napansin niya ang pagpipigil ko ng galit.

"Don't talk to me, please."

I tried my best to speak with a calm voice. I managed to but almost slipped at the end. I'm pissed.

"Ahm..O-Okay." nauutal niyang sabi sa mahinang boses.

Buntong hininga kong binuksan ang mga mata at nilingon si Izi na ngayon ay tulala sa kawalan.

Hindi na hawak nito ang cellphone at ang pumalit sa cellphone ay ang isang libro niya.

Damn. Hindi ko akalaing ganoon pala kalaki ang epekto ng wattpad sa isang mambabasa.

Nagmumukhang baliw.

Dapat by now ay nasanay na ako eh.

Sanay na dapat akong makita siyang bigla nalang tumatawa, biglang magagalit, biglang manghahampas at ngayon, biglang umiiyak.

Pero hindi eh. Hindi parin ako sanay.

Damn! Paano ko sasanayin ang sarili ko sa ugali niyang toh?

"A-Ahm A-Az? Galit ka ba?" Kinakabahan niya tanong. Buntong hininga ko naman siyang nilingon.

"I'm fine."simpleng sagot ko saka muling bumalik sa dating ginagawa.

"Business isn't only about money."
"Hehehe...."

Napabuntong hininga ako nang  mapatingin sa dereksyon namin ni Izi ang lahat. Lalo na si Sir.

When Love Walks AwayWhere stories live. Discover now