Chapter 05

0 0 0
                                    

Azandryll's Pov.

Napabuntong hininga ako nang magising. Tiningnan ko ang wall clock sa paanan ng kama ko.

4:30 pm

Muli akong pumikit at binalikan ang mga nangyari kaninang umaga.

Izi.

Ano kayang iniisip niya?

Ano kaya ang nasa isip niya nang makita niya akong manakit ng ganoon.

Nagbago kaya yong tingin niya sa akin.

Halimaw na rin ba ako sa tingin niya?

Kasi lahat ng nakakakita sa aking kumilos ng ganoon ay agad na sinasabing halimaw daw ako.

Nakakatawang isipin na nong ilang buwan akong parte ng underground fights, Ang masabihan ng Halimaw sa laban ay isang Karangalan pero ngayon parang ito na ang sumisira sa akin.

Then I realize, Underground fights belongs to hell itself that's why it is an honor to be a monster. But The real world is not fully owned by hell so There are times that being a monster is a disgrace and such.

Does this mean that I belong to the underground world where my skills and strengths are highly appreciated by the people?

But I don't want to be in that hell again. It's so lonely in there.

Everyone are traitors. They stab you from the back. That's why there? Trust is not in the vocabulary. Trust. Is known by no one.

I bet by now, Kalat na kalat na sa buong University ang tungkol sa ginawa ko. I bet they are now talking about the "Slutty monster" named "Azandryll".

Stupid morons.

Should I do something? Like delete some videos or posts in social medias to lessen the spread of what happened?

I can do it in a blink but should I?

Kapag ginawa ko yon. Madaling matatapos ang isyu. Mabilis iyong matutuldukan at parang walang nangyari.

Pero kung gagawin ko iyon, para ring niloloko ko yong sarili ko. Ipinapakita ko sa mundo ang takot ko.

Takot ko sa mismong sarili ko. Sa mismong kakayahan ko.

Takot akong masabihan na halimaw at demonyo. Takot akong bansagan na anak ni satanas.

Ayoko. Ayokong mabansagan na ganoon pero alam ko sa sarili ko na hindi ko na maaalis sa katawan ko at isipan ang kakayahan kong manakit at lumaban.

Isa lang naman ang naiisip kong sulusyon.
Control. Yon lang. Pero paano ko yon matututunan.

Ilang beses ko na iyong sinubukan pero lagi parin akong talunan. Lagi parin akong nawawala sa aking sarili.

Konting inis, nagwawala agad ako. I have Anger Management Issues. I won't deny that.

Maybe for now, I'll let the issue vanish on its own.

Kaya ko nga ba? Kaya ko bang tiisin na makarinig ng kung ano-anong salita mula sa ibang tao tungkol sa kademonyohan ko?

Bukas? Pagkapasok ko? Alam kong iyon ang sasalubong sa akin. Maiiwasan ko ba?
Mapipigil ko ba ang sarili ko?

Ayokong isipin pero alam kong hindi ko tanggap ng buo ang sarili ko. Alam ko ring ito ang dahilan kung bakit hindi ako matanggap ng buo ng mga tao.

Alam ko iyon. Alam na alam kaya lang. Wala akong ideya kung ano ang gagawin ko. Kung paano ko matatanggap ang sarili ko.

Muli akong bumuntong hininga bago bumangon. Napatingin ako sa mga kamay kong may benda. Ang tigas ng mga ito. Hindi ko maigalaw ang mga daliri ko.

When Love Walks AwayWhere stories live. Discover now