Azandryll's Pov.
"Az? Ahm..may pabor lang sana akong hihilingin sayo? Pwede ba?"
Kumunot ang noo ko habang tiningnan ang kabadong Ezekiel na matuwid na nakatayo sa harap ko. Bahagyang nakayuko ang ulo at malikot ang mga kamay.
Lihim akong natawa. Damn! How can he be this cute just by getting nervous?
"What is it?" Nakakunot ngunit nakangiti kong sabi.
"Ahm, kasi, Naikwento kita kina Mama at Papa. Ahmm....G-Gusto ka nilang makilala. Iniimbitahan ka nga nila sa tanghalian eh. " Sabi niya nang nauutal at hindi makatingin ng diretso.
Napapakamot siya sa batok tapos biglang mapapahawak sa laylayan ng T-shirt na suot niya.
Agad na nawala ang ngiti sa mukha ko at napalitan ng kaba. What did he just said!!!!
No! No! I'm not ready! I am not so fucking ready! Shit! Shit! Shit!
Anong gagawin ko? Hindi pa ako handa! Hindi ko alam kung anong sasabihin, kung paano bang kumilos sa harap ng mga ito. Ni wla akong alam ni katiting tungkol sa mga magulang niya
This is bullshit! Hindi pwede!
Pero hindi ko kayang ayawan si Izi. Hindi kaya ng sikmura ko. Looking at him, alam kong alam niya na maiilang ako but he pushed it. Gusto niyang makilala ko ang mga magulang niya. And I know something is up too.
"O-Okay lang naman kung hindi ka papayag. No hard feelings. Naiintindihan ko naman, Az." Nakangiti niyang sabi ngunit may konting panghihinayang at lungkot.
Napabuntong hininga ako. This is so sudden. But I have to accept it. Kung gusto kong manatili sa tabi ni Izi. Kailangan kong pakaharapin ang mga magulang niya.
Damn! Iniisip ko palang, Kinakabahan na ako ng sobra sobra.
"Okay. I'll be there." Sabi ko kasabay ng isang mahinang buntong hininga.
I saw how his face lit up.
"Really?"
Napangiti ako nang makita ang napakaaliwalas at tuwang-tuwa niyang mukha at mga mata.
This is enough to calm me down. Hmmm....
Tumango naman ako ng ilang beses at ngumiti.
Ilang beses akong napalunok habang nakatayo kami ni Izi sa labas ng Pinto ng napakalaki nilang bahay.
Hayyy....hindi na nga ata bahay toh eh. Mansyon na toh. Hiyang-hiya ako. Sheeetttt....
Pinipigilan ko siyang buksan ang pinto dahil kinakabahan pa ako.
Paulit-ulit kong pinapahid sa pantalon ko ang mga kamay kong pinagpapawisan.
Sinuri ko muna ang sarili ko mula ulo hanggang paa.
Sinuot ko ngayon ang bago kong Black leather boots, Black jeans and light Gray na sleeve less shirt. hanggang mid thigh ang haba. Hindi loose hindi rin naman tight.
Pinaresan ko yon ng black tube top. May suot akong Army style Dog tag. At silver na relos.
Naka- centipede style ang buhok ko habang natatakpan naman bahagya ang noo at sentido ko ng magulo kong baby hair na nagmumukang bangs.
On top of the sleeve less shirt. May suot akong black leather coat. May suot din akong manipis na black cotton gloves na hanggang palapulsohan ang haba.
Damn! Pansin ko! Ang kabang nararamdaman ko ay hindi nababagay sa suot ko for fuvk's sake!!
"Az, nag-aantay na sina mama sa loob." Nakangusong sabi ni Izi.
YOU ARE READING
When Love Walks Away
Storie d'amoreTrue Love is one of the hardest thing to find. People who keep on looking for it can never find it because Love is not something we can find but something we can have unknowingly. Most people who aches for it became numb. And People who waits for...