Chapter 04

0 0 0
                                    

Ezekiel's Pov.

Nanigas ako sa kintatayuan ko dahil sa nasaksihan.

Hindi ko maisip na kayang gawin ni Aza ang ganoon.

Ang makipaglaban na pawang isang eksperto sa labanan.

Ang lamig at dilim ng awra niya. Kakaibang takot ang binibigay niya sa mga nakakakita sa kanya.

Ang blanko niyang mukha at malamig na mga mata ay may kakayahang patayin ang sino man sa isang tingin lang dahil sa sobrang takot.

Nakikita ko ang namumunong galit sa buong pagkatao niya.

Damn it! Kundi ko sana sinampal si Kara ay hindi siya magsasalita ng mga ganoong salita at hindi mababalot ng ganitong galit si Aza.

Pakiramdam ko, biglang nawala ang bestfriend ko.

Bigla siyang namatay. Pinatay siya ng Galit.

Naninikip ang dibdib ko habang nakatingin kay Aza. Damn it!

Gusto kong bumalik yong dating siya. Yong medyo masungit ngunit sweet at mabait. Hindi yong ganito.

Ayoko ng ganito.

"Well, Kara, This slut can Kill."

Pakiramdam ko sinaksak ng isang daang kutsilyo ang puso ko at paulit-ulit na nadurog ng sobrang pino.

Damn! Di ko akalaing darating ang araw na makikita ko ang ganitong kagalit na mukha ni Aza.

Damn! She's so soft and caring!
Kabaliktaran sa nakikita ko ngayon.

This is the other side of her.
She was pushed at her limit!

Her beast awakened.

Gusto kong sundan si Aza nang mabilis itong naglakad palayo. Pero hindi ko maigalaw ang mga paa ko. O kahit man lang lingonin siya nang dumaan siya sa harap ko ay hindi ko magawa.

Naninigas parin ako sa kinatatayuan. Hindi parin ako makapaniwala.

Walang malay na nakahandusay sa sahig si Kara. Dumugo ang ulo niya dahil tumama iyon sa semento.

Agad itong dinaluhan ni Drake at Ricky.

"Your bestfriend is a monster, Kiel and you're turning into her beast." Matigas na sabi ni Drake nahindi ko magawang kontrahin.

Bumukas yong bibig ko pero walang salitang lumabas. Tila ba naputol ang dila ko at hindi ako makapagsalita.

"Nakakatakot si Azandryll."
"She's a monster."
"Anak ni satanas."
"Oh my god, This school accepted a demon!"

Kumuyom ang kamao ko sa galit. Dumilim ang paningin ko.

Aza is not a demon.
She's the sweetest angel I've met.

At kung ang pagprotekta sa kanya ay nangangahulugang pagiging beast niya, wala na akong pakialam.

Sa lahat ng taong kilala ko, Sa harap lang ni Aza ko nagawang maging totoo sa sarili ko. Hinhayaan niya akong maging ako. At tanggap niya ako.

Hindi niya ako pinipilit na magbago. Kahit na araw-araw ko siyang iniinis dahil sa bigla bigla kong tawa o iyak sa pagbabasa ng wattpad, hindi niya ako tinalikuran.

We've been friends for two weeks now, araw-araw, iba-iba ugali ang nakikilala namin mula sa isa't isa.

Walang araw na lumipas na wala kaming nalalamang bago tungkol sa isa't isa.

She's my friend. My one and only bestfriend.

I don't care if people call her monster and demon. I don't care.

When Love Walks AwayWhere stories live. Discover now