Azandryll's Pov.
"Aza! Saan ko ilalagay tong dalawang vase?"
"Dyan sa magkabilang gilid ng TV!"
"Aza! Wala ka bang bookshelf dito? Saan ko ilalagay tong isang maletang puno ng mga aklat mo?"
"May bookshelf ako dyan. Paki-assemble nalang please. Nasa ilalim ng mga libro!"
"Aza! Itong mga paintings dito bato isasabit sa sala?"
"Oo maliban sa nasa loob ng pulang plastik! Para sa kwarto ko yon!"
Dumaan ang limang minuto ay natapos ko rin ang ginagawa ko. Damn! Humahalimuyak sa buong kusina ang bango ng cookies na binake ko saktong pagbukas ko ng mocrowave oven.
Agad ko iyong inilabas at inilagay sa isang malapad na plato.
Lumabas ako ng kusina dala ang plato at isang pitsel ng nestea.
"Izi! Break muna. Kanina ka pa paikot-ikot" natatawa kong turan sabay lapag nong mga dala ko sa ibabaw ng mini table sa sala.
"Haha... okay lang. Nag-eenjoy naman ako. Tsaka ang sarap ng foods kaya ganado. Haha..." Tumatawa niyang turan habang isinasabit ang isa sa mga paintings ko sa pader.
"Hayyy...Kapagod pero worth it! Ang ganda na at organize ang living room mo." Nakangiti niyang turan sabay pabagsak na umupo sa sofa at agad na kumuha ng isang piraso ng cookies at kinain.
"Yep, Thanks for your help." Pasasalamat ko naman.
Indeed, maganda na talaga tingnan ang sala ng bahay ko.
Tatlong Oras ang hinugol namin upang maayos at maorganize namin ito.
"You're welcome...hmm...ang sarap neto. Ang galing mo talaga sa kusina. The best!" Manghang-mangha niyang turan matapos tanggapin ang pasasalamat ko.
Natawa nalamang ako at bahagyang napailing.
"Of course." Proud kong sabi na nginitian lang niya at mabilis na ininom ang juice na nasa basong sinalinan ko kaninang pagkalapag ko ng mga ito.
"May aayusin ka pa ba ngayon?" Kalauna'y tanong ni Ezekiel. Agad naman akong napatingin sa kanya at umiling.
"Wala na pero may lakad ako mamayang 5:00 pm" Sabi ko habang nililigpit ang mga kinainan namin.
"Saan ka naman pupunta? Hindi ligtas maggala sa gabi ng mag-isa, Aza." Tanong niya na bahagya kong ikinatawa at ikinailing.
"Huwag kang mag-alala. Hindi ako gagala. May pupuntahan lang na isang lugar." Natatawa kong turan saka dinala ang mga kinainan sa kusina.
"Pwede sumama?" Sabi niya habang sumusunod sa akin papunta sa kusina.
"Pfftt...hindi ka mag-eenjoy doon." Nakangiti kong turan habang hinuhugasan ang mga kinainan.
"Ano bang klaseng lugar ang pupuntahan mo?"
"Restaurant. Nag-na-night shift ako, Ez. Main course foods yong niluluto ko. Mabobored kalang don." Natatawa kong turan sa kanya.
"Main course? Means, more on fried?" Nakangiwi niyang turan.
"Yep." Nakangisi kong sabi habang tinitingnan siya mula sa gilid ng aking mga mata.
"Ahh...haha...okay. hehe...Sige. Ingat ka don. Uuwi na rin ako kasi past four na eh. Kita nalang tayo sa school bukas." Natatawa niyang turan habang pakamot-kamot sa batok.
Natawa naman ako sa inasta niya at tumango nalamang.
Inihatid ko siya hanggang sa garahe at binuksan ang gate para makadaan ang kotse niya.
YOU ARE READING
When Love Walks Away
RomantizmTrue Love is one of the hardest thing to find. People who keep on looking for it can never find it because Love is not something we can find but something we can have unknowingly. Most people who aches for it became numb. And People who waits for...