Chapter 5

9.2K 426 9
                                    

Chapter 5

The morning sun had risen, and as usual, our CEO entered the office with his cold and domineering demeanor. His voice was icy, and he would always speak with authority whenever he gave us tasks to do.

"Mukhang good mood ngayon si boss," bulong sa akin ni Melanie nang dumaan sa cubicle ko. Kalalabas lang niya galing sa opisina ni Iñigo.

Napakunot ang noo ko. "Huh? Parang gano'n pa rin naman, walang ipinagbago."

"Hindi, e! May kakaiba sa kanya ngayon. Hindi man lang niya ako sinigawan sa mali ko."

Napaarko ang kilay ko. "Baka naman kaunti lang ang mali mo para aksayahin ang oras sa sermon sa 'yo?"

"Hindi!" giit niya. "Napagpalit ko ang schedule niya kay Mr. Arevalo at Mr. Quintin. Tapos sabi niya, do things better next time."

Napalunok ako. Bigla akong dinaluyan ng kaba. "Who knows, baka sinusubukan niyang maging mabuting tao?"

"Nagkakamali ka," bulong niya at saka mas lumapit pa, "Baka may sex life na ang boss natin!"

Humagikgik siya at mapaglarong kinurot ang balikat ko. Naaaliw ako sa pagtawa niya, kalaunan ay napaisip ako kung paano niya iyon nalaman? Ang lakas naman yata ng radar niya?

For some reason, may pakiramdam siyang walang sex life ang boss namin dahil alam niya halos ang aktibidades nito. Umiikot lamang sa trabaho, pagpupulong, at pag-uwi sa bahay ang oras niya. Wala siyang social life, maliban sa anibersaryo at mga party ng kumpanya.

"Sigurado ka?" si Geneva, lumapit at nakiusyo rin.

"I'm 100 percent sure. Hindi na virgin ang boss natin," bulong muli ni Melanie sa amin.

"With who?" Hindi napigilan ni Geneva ang kanyang pananabik.

"Aba'y ewan ko? Wala na akong alam tungkol sa kanya kapag umuuwi na siya," si Melanie, na sobrang daldal na ngayon.

Ayaw kong maging obvious, kaya I still act like my usual self. Kumalma ako at hindi nagpaapekto. "Huwag na nating pag-usapan ang sex life niya. Tao pa rin siya, and we should respect his privacy," paalala ko sa kanila.

Now, the two playfully looked at me, wiggling their brows. Sinundot ako ni Geneva sa tagiliran, at umikot naman ang aking mga mata.

"Ikaw, ha? Baka may alam ka at hindi mo sinasabi sa amin. Tandaan mo, wala dapat sikreto sa pamilyang ito," pang-aasar ni Geneva.

Hindi ko pinansin ang komento niya. Hindi ako kailanman naging interesado sa personal na buhay ng aming boss. Tulad niya, pumapasok lang ako para magtrabaho at umuuwi para magpahinga. Wala akong pakialam sa tsismis dahil wala naman akong kikitain sa gano'n.

"Ah! Baka iyong babaeng nakita ko sa kuwarto ni Sir Iñigo noong minsang magkasakit siya!" si Melanie.

"Huh? May babae siya?" nagtagal ang tingin ni Geneva kay Melanie.

"Hindi! Painting lang 'yon... Sa pagkakaalam ko, dati iyong beauty queen. Hindi ko lang alam kung anong pangalan dahil hindi naman ako mahilig manood ng international pageant. Sayang lang sa oras," sagot niya.

Nagpatuloy ang kuwentuhan nila hanggang makarating kami sa cafeteria. Lunch time na, pero iyon pa rin ang topic nila.

"Maganda ba?" curious na tanong ni Geneva.

Napaisip saglit si Melanie. Patuloy ang pakikinig ko sa kanila. I still remember that woman in that painting. She won Binibining Pilipinas when I was in elementary school. I watched the pageant with my father. Isla Gabrielle Gomez was his bet because of her natural beauty. Para siyang diyosa na bumaba sa lupa noong rumarampa na siya. Sigawan ang mga tao nang i-anunsiyo ang pagkapanalo niya.

April (Gugma Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon