Chapter 8

7.4K 381 6
                                    


"Ma, please, umuwi na tayo!"
 
Namumula ang mukha ni Maeve sa kahihiyan, habang ang lahat ng tao sa ward ay nakatingin sa amin.
 
Naningkit ng husto ang mga mata ni Auntie nang sulyapan niya ako. "Hindi pa tayo tapos, April! Huwag na huwag mong ipakikita ang pagmumukha mo sa akin!"
 
Hindi rin nakaligtas sa kanya ang lalaking nakahawak pa rin sa kanyang braso. Tumingala siya kay Iñigo. "Ito ba ang bago mong lalaki?" Suminghal siya. "Good luck na lang sa 'yo dahil malas ang babaeng 'yan!"
 
"Where the hell is the security here? Paano nakapasok itong mga delikadong tao?" Muling umalingawngaw ang malagom na boses ni Iñigo.
 
Pilit na kumalas si Auntie sa mahigpit na pagkakahawak ni Iñigo sa kanya.
Doon na nagpakita ang dalawang security guard. Sinulyapan ni Iñigo si Auntie, at walang pag-aalinlangang hinila nila ito palabas.
 
Ano ba! Bitawan n'yo ako!" sigaw ni Tita. Hawak siya ng dalawa sa magkabilang-balikat.
 
"'Wag na kayong gumawa ng eksena dito, ma'am. Sa labas na tayo," said the guard.
 
"Hindi n'yo na ako kailangang kaladkarin! Kaya kong maglakad mag-isa! Bitawan n'yo ako!" Patuloy siya sa pagsigaw, at umalingawngaw ang kanyang mga boses sa pasilyo ng ospital. "Ano ba?! Sabing bitiwan n'yo ako, e!"
 
Saka lang tumahimik ang paligid noong wala na siya. Ang mga tao sa ward ay bumalik sa kanilang sariling mga gawain.
 
"Shit!" Napamura si Iñigo nang tumingin sa akin. "Dumudugo ang labi mo! Bakit mo hinayaang saktan ka nila ng ganito?"
 
Umirap ako sa kanya. "Ikaw kaya ang sabunutan nang nakatalikod, makakaalma ka ba agad? Saka ano nga palang ginagawa mo rito?"
 
Gusto ko siyang pasalamatan sa pagpunta sa totoo lang, pero mas nanaig ang gulat ko sa presensiya niya. Nakasuot siya ng navy blue polo shirt at shorts.
 
"I wanted to check if your grandma is doing fine now. Hindi ko alam na iba pala ang aabutan ko."
 
"Well, magso-sorry ba ako dahil naabutan mo ang gulo namin?"
 
Ngumisi siya. "I don't care about your family drama." Nakatuon ang mga mata niya sa akin, ngunit nakaramdam ako ng biglaang tensyon nang bumaba sa labi ko ang tingin niya. "Mukhang ayos ka naman yata?"
 
"Of course, I'm not your damsel in distress. I don't need your help." Iniwas ko ang tingin sa kanya at humarap kay lola.
 
Praktikal akong tao. Hindi ako naniniwala sa mga love story na laging kailangang iligtas ng lalaki ang babae. Dapat maging independent ang mga babae. Ang mga babae ay dapat maging matatag para sa kanilang sarili.

Girls shouldn't have to depend on anyone for anything. I believe I should make myself capable enough to take care of myself and stand up for myself in times of difficulty. I don't like depending on some pathetic guys. Kaya ko na ang sarili ko.
 
Ang kulang lang talaga sa akin ay pera kaya ako nakadikit kay Sir Iñigo. Other than that, wala na. Hindi na rin naman siya lugi dahil natuturuan ko naman siya sa lahat ng gusto niyang matutunan.
 
"I like your spirit...Kung ibang babae lang ang nasa katayuan mo'y baka yumakap na sila sa akin at umiyak ng husto."
 
Napatawa ako ng mahina. "Ibahin mo ako sa kanila. I don't need you. Pera lang ang kailangan ko sa 'yo."
 
"You're really something," he said. "It's a good thing that I chose you."
 
Hindi ko siya pinansin. Sinuklay ang gulo gulo kong buhok at pagkatapos ay kinuha ang bimpong nasa tabi ng thermos. Ipinunas iyon sa pawis na mukha ni Lola. Doon ko lang napansin ang hapis niyang mukha, puno na ng gitla ang kanyang noo, senyales na tumatanda na talaga siya.
 
Ginagap ko ang kamay niya. Inokupa ko ang inuupuan kanina ni Maeve. Naramdaman ko ang pag-alis ni Iñigo ngunit hindi ko na siya nilingon pa. Yumuko ako at idinantay ang pisngi ko sa kulubot na kamay ni Lola.
 
"Get well soon, La, please?" bulong ko sabay halik ng tuktok ng kamay niya. I don't want to cry right now. I am choosing to be strong. Alam kong hindi siya basta-basta mawawala sa akin.
 
She was diagnosed with type 2 diabetes long ago. Kaya nga lagi dapat siyang may pang-maintenance na gamot.
 
Iyon ang dahilan kung bakit kahit hirap ako sa boss kong masungit ay kinakaya ko pa rin. Kahit hindi ako sanay sa office works ay nananatili pa rin ako. Gagawin ko ang lahat para sa lola ko. Isasantabi ko ang lahat ng pride para lang sa kanya.
 
Hinuhusgahan ako ng mga tao pero wala iyon sa akin. Bakit? Mapapakain ba ako ng panghuhusga nila? Maibibili ba ng gamot ni Lola ang opinyon nila?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 08, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

April (Gugma Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon