Chapter 2
From: The CEO
I am warning you. Don't leave me.Inanyayahan siya sa isang hapunan ng pamilya, ngunit tinanggihan ko ang kanyang alok na sumama sa kaniya. Hindi pa naman ako ganoon ka-close sa kanila at nag-aalala akong baka makita ako ni Donya Thylane. I have a secret about her and her husband, and I don't want to be on the wrong side when she found out that I am the assistant to her son.
"April, ikaw ba 'yan?"
I looked at the guy who just called my name, and my eyes bulged upon realising who he was! His tantalising blue eyes struck me!
"Pietro?"
He smirked. Taas-noo siyang nakipagkamay sa akin. "The one and only!" Sinuyod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. I am still wearing my office attire, which is a brown pantsuit and a white camisole. Ngumiti ako sa kanya. "Wait! Are you having a date with someone right now?"
Nilingon ko ang five-star restaurant na kinaroroonan ko. It was dimly lit, with soft lighting casting a warm glow over the room. Ang mga dingding ay pinalamutian ng magagandang likhang sining ng Tsino, at wala ni isang ingay akong naririnig.
"Actually, no. Katatapos ko lang," pagsisinungaling ko. Wala akong ganang mag-order dahil busog pa ako sa kinain kong banana cue kanina.
"So, you are about to go home?"
"Sort of." Inayos ang strap ng shoulder bag ko at umambang tatayo na.
"Then let's go. Ihahatid na kita. Sa Makati ka pa rin nakatira?"
"Oo naman. Doon pa rin."
I felt a sense of relief wash over me as we both went to the exit of the restaurant. It was like a weight had been lifted from my shoulders. I couldn't stand being in the same room as her mother if she had ever seen me.
Seeing Pietro was a blessing in disguise, and I knew it was my chance to make an escape. May ibang araw pa naman para makausap si Iñigo at may ilang oras pa akong mag-isip kung kukunin ko ba ang alok niya o hindi?
Sa paglabas naming dalawa sa restaurant, inaasahan ko na ang tuluyang pag-uwi at pagpapahinga pagkatapos ng mahaba atbnakakapagod na araw sa trabaho.
"Pi-nark ko ang sasakyan ko roon!" aniya sa mapagmataas na boses.
We walked towards the VIP parking area. Pero namilog ang mga mata ko noong makita ko si Iñigo na nakatayo sa tabi ng kanyang kotse. Madilim ang mga matang nakatingin sa akin.
"Where do you think you are going?" he said, his dark voice roared.
"Uuwi na, Sir," I replied, trying to keep my distance from him. Kumapit ako sa braso ni Pietro.
"Well, let's go. We need to talk about my 'business' proposal," his voice echoed, gesturing for me to follow him.
"Pero may kasama na akong uuwi, Sir."
Nagsalubong ang mga kilay niya. "Don't make me mad, Miss Dimagiba." He opened the driver's seat.
Tingnan mo? Gusto niya akong kausapin, pero ni hindi man lang niya ako kayang pagbuksan ng pinto ng kotse?
Pietro gazed at me, wiggling his eyebrow. "Who's this hot guy?" halos tumili niyang bulong sa akin.
"Itigil mo 'yang kalandian mo, Pietro..." gigil ko siyang kinurot sa braso.
My eyes widened a fraction when he raised his hand. "Ah, sir. Kayo na lang po ang maghatid sa bruhang 'to. Baka hindi na naman kasi ako bayaran sa pakiki-hitch hike niya sa 'kin."
BINABASA MO ANG
April (Gugma Series 1)
RomanceSi April Rose Dimagiba ay dating matagumpay na sex guru sa isang secret website. But when her father passed away, she made the difficult decision to abandon her career and fulfill his dying wish. However, fate had other plans for her when financial...