Prologue

13 0 0
                                    

This is a work of fiction.

Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All characters appearing in this work are a work of fiction.


Chapter 01

Dear Future Self,

I don't even know myself at all. I thought be happy by now~

                                                                       Last Hope by Paramore

It's already 11 o'clock in the evening right now and here I am listening to one of the songs of my favorite band, Paramore. Maghahating gabi na at hindi pa ako tapos sa mga gawain ko. Ang hirap din pala pagsabayin yung pagiging writer at pagiging estudyante. Hindi naman ako mayaman para humilata lang at magpakasaya. Ano kaya ang feeling ng maging mayaman? 11 years from now nasaan na kaya ako? Mayaman na kaya ako? May bahay at kotse na kaya ako? May boyfriend na kaya ako? Sa totoo lang, nakakatakot isipin ang future. Naiiyak na lang ako sa t'wing iniisip ko ang magiging future ko. Alam mo, tama ba 'tong naging desisyon ko na ipagpatuloy pa yung pag-aaral ko? O dapat ba huminto na lang muna ako? Makakapaghintay pa naman yung edukasyon 'pag nakapag-ipon ako pero yung kumakalam na sikmura hindi na. Ano ba ang dapat kong gawin?

                                                                                                                                                      Love,

                                                                                                                                                      Your Past Self

Papalapit na ang deadlines at hindi ko na alam ang gagawin ko. Papikit pikit na yung mata ko pero hindi p'wedeng matulog. Sana lang tama ang desisyon ko na ito. Gusto ko na talaga matulog. Athena, kaya mo yan! Para sa future. Gambatte! Pinapalakas ko loob ko para maalala ko kung bakit ako nagpupursigi sa pag-aaral.

Alexis is calling you...

"Hello"

"Hello, Athena. Kumusta na yung mga scripts? Matatapos ka na ba?"

"May progress naman na. Siguro by this week ends maipapasa ko na siya."

"Okay, sige. "

Nagulat naman ako. Ayan na nga ba sinasabi ko eh. Hinahabol na ako ng deadlines. I need to think. I need to focus. Magtimpla na lang ako ng kape para magising diwa ko. For sure, mga 3am na naman ako makakatulog nito.

Dear Future SelfWhere stories live. Discover now