Enchant 24

138 88 8
                                    

2 YEARS LATER....

Finally, 4th year college na kami at malapit ng grumaduate!, na-e-excite ako sa graduation day namin, matutupad ko na ang pangako ko kay Papa na makapagtapos ako, makakapagtrabaho na rin ako ng maayos kahit na nagtratrabaho kami pero sideline lang yun pangbayad na rin sa pagtulong nung dalawa sa'ming apat kahit pa ayaw nilang magpabayad.

"Oh nasan na naman si Sue?" tanong ni Suzy bago tignan ang boyfriend niya.

"Baka nasa Kitouji na naman niya, alam mo naman yung dalawang yun" walang ganang sambit ni Stella habang nakatutok sa laptop na ipinahiram sa kanya ng boyfriend niya pft.

"Hay naku Stella, kung sinagot mo na ako edi sana wala kang kinaiinggitan ngayon" parinig ni Yohann habang nakatitig sa kanya.

"Eh kung itikom mo yang bibig mo para naman may silbe ka dito" iritableng saad niya bago tignan ang thesis paper niya.

"Stella, masyado kang subsob diyan" saad ko dahilan para mapahinto siya't tignan ako.

"Hindi porket kasama tayo sa cum laude magpepeteks-peteks na tayo" masungit niyang saad dahilan para matawa kami.

Oo nga pala, kasama kaming walo (ako, Suzy, Louie, Sue, Kitouji, Stella, Yohann at Fio) sa cum laude, pagtapos nung nangyari 2 years ago napag-isipan kong isubsob ang sarili ko sa pag-aaral kesa sa magmukmuk ako dahil wala naman akong mapapala kung gagawin ko yun.

"Ang talino talaga ng future girlfriend ko" sabi ni Yohann bago akbayan si Stella pero nakatikim lang siya ng isang upper cut dito.

"Spell ASA!?, tsk!, kabaliwan yang sinasabi mo, hinding-hindi mo ako magiging girlfriend tsk!" iritableng saad niya bago muling ipagpatuloy ang ginagawa niya.

"Haha wag kang magsalita ng tapos, Stella, mapapasagot rin kita" kompyansang saad niya bago tignan si Stella.

Nagtatakha rin ako sa kanilang dalawa, apat na taon na nanliligaw si Yohann kay Stella pero 'di man lang niya sagutin si Yohann gayung tandem naman sila kapag nagkakaproblema ang isa sa'min.

"Oo nga Stella, kailan mo ba sasagutin si pareng Yohann?" tanong naman ni Louie, kinurot naman siya ni Suzy sa tagiliran para tumahimik ito pero tinawanan niya lang ito.

"Kapag nagtanong siya ng matino at kapag tumino na ang isip niya" sabi niya habang nakatutok sa papel na hawak niya.

"Hindi ba ako matino?" nakangusong tanong ni Yohann kay Stella, napahinto sa ginagawa niya si Stella bago niya tignan si Yohann.

"Hindi, mukha ka kasing abnormal sa paningin ko" sabi niya bago ibalik ang atensyon niya sa laptop.

Natatawa na lang ako sa kanila at naiiling, nagsalpak na lang ako ng earphone ko atsaka nakinig ng music, napapikit ako bago sumandal sa sandalan na kinauupuan ko pero napamulat rin ako agad nung maramdaman ko na may kamay sa balikat ko at nung tignan ko siya, si Aj lang pala, simula nung malaman niya ang ginawa ni-----nung lalakeng yun lagi siyang nasa tabi ko.

Sumenyas siya na hihiramin ang isang earphone ko kaya ibinigay ko yung kabila at inilipat ko sa kabila kong tenga para naman 'di kami maghilahan.

"Ayiiieee ang sweet niyong tignan" kinikilig na sabi ni Suzy na tinatawanan lang ni Louie at Yohann, samantalang si Stella walang pake.

THS1: Enchanting His Heart (Under Editing)Where stories live. Discover now