Enchant 25

135 91 5
                                    

Tulala akong nakaupo sa sofa nila Mama, dinala niya ako dito sa tinutuluyan nila nung ama ni Denn pero nasa abroad na agad siya at si Mama naman bukas ang flight paalis, may big project daw kasi ang kompanya nila sa Canada.

"Matulog ka na anak" sabi ni Mama bago haplusin ni Mama ang buhok ko.

"Mama, bakit masakit pa rin?" wala sa sarili kong tanong sa kanya bago ko siya tignan at inintay na sumagot.

Huminga siya ng malalim bago niya pagkatitigan ang mukha ko, isang ngiti ang gumuhit sa labi niya bago siya magsalita.

"Kasi anak, mahal mo pa" maikling sagot ni Mama.

"Kahit dalawang taon o matagal na nangyari yun pero kapag nasasaktan ka pa ibig sabihin may puwang pa siya diyan sa puso mo anak"

"Eh kay Papa, may puwang pa rin po ba siya sa puso niyo?" takhang tanong ko kay Mama, huminga muli siya ng malalim bago tumingin kung saan at titigan yun.

"Noon malaki ang puwang niya dito sa puso ko, kaya nga kami nagpakasal pero habang tumatagal, nawawala yun, workaholic masyado ang Papa mo anak...siguro ang pagkukulang ng Papa mo ay kawalan ng atensyon at oras sa'kin na siyang hindi ko naintindihan noon" mapait na ngiting sambit ni Mama.

"Ngayon, meroon pa naman, kahit papano minahal ko si Stanley pero hanggang dun na lang talaga kami kaya pasensya na anak kung hindi namin naibigay sayo ang pamilyang inaasam mo" lumuluhang sambit ni Mama.

Napatahimik at napatulala ako kay Mama dahil sa mga itinuran niya, mahirap siguro tanggapin yun para kay Papa pero mukhang mas mahirap kay Mama, ngayon mas naiintindihan ko na ang mga sinabi sa'kin ni Stella.

"Kung may pagkakataon lang na maibalik ako sa nakaraan, gugustuhin kong bumalik sa panahong mahal na mahal namin ang isat-isa pero ganito talaga ang tadhana namin...kaya anak, kung magkakapamilya ka man, wag mong hahayaan na maging produkto siya ng isang broken family ha?"

Naluluhang niyakap niya ako, hinimas ko ang likod niya para pakalmahin siya hanggang sa huminto siya sa pag-iyak niya, ngayon lang kami nagkausap ni Mama ng ganito, nakakatuwa talaga hindi ko maintindihan ang mararamdaman ko.

"Kung anu man ang nagawa sayo ng binatang yun anak, patawarin mo, matuto kang magpatawad...kung diyos nga nagpapatawad ng makasalanang tao, tayo pa kayang tao lamang" nakangiting sambit ni Mama.

"N-Natatakot po akong pakinggan ang kasinungalingan niya"

"Anak, lahat naman nagsisinungaling at kailangan magsinungaling para sa kaligtasan ng iba...siguro kaya niya yun ginawa ay dahil may malalim siyang dahilan, pinakinggan mo na ba siya sa paliwanag niya?"

THS1: Enchanting His Heart (Under Editing)Where stories live. Discover now