Jaxsen's POV
Kinausap ko si Phenelope tungkol dito, sa totoo lang nakaplano na talaga ito, magpropropose na ako sa girlfriend ko kahit na dalawang buwan palang kami magnobyo at magnobya.
"Kuya, ayos na ba talaga ang lahat?" paninigurado ko sa kanya.
"Kanina ka pa Jaxsen" iritableng sambit niya, bakit na naman?
Napatingin ako kay Fio na kasama si Kitouji at Yohann na nag-aayos sa gagawin naming surpresa para sa girlfriend ko.
"Ahhh selos" pang-aasar ko habang nakatingin sa iba na abala na rin sa pag-aayos.
"STOP.MOCKING.ME" may diing sabi niya bago umalis dahilan para matawa na lang ako.
Kinuha ko ang phone ko nung maramdaman ko itong magvibrate, may message pala sa'kin si Phenelope.
SMS: Phenelope Ramos
Hey, I'm so bored with your girl, masyado siyang shy type, anyway kasama namin si Angelo Josh.Agad naman na nireplayan ko siya, nagmamadaling tumulong na rin ako sa pag-aayos ng gaganapan.
6:30PM
Natapos rin kami, nakatayo ang lahat at tinignan ang buong paligid.
"Ayiiiieee excited na ako, ikaw ba Kito?" tanong ni Sue sa boyfriend niya, tanging tango lang ang ibinigay niyang sagot bago akbayan ang girlfriend niya na kilig na kilig.
"Oh, bakit ka umiiyak babe?" tanong ni Louie sa girlfriend niya na si Suzy.
"Tears of joy ito, ikakasal na kasi ang kaibigan namin, buong akala ko si Stella ang mauunang ikasal" sabi niya, nabatukan naman siya ni Stella.
"Ako magpapakasal?, hindi mo ba alam na pagtapos ko ng ilang taon sa pagiging stewards ko papasok ako sa kombento?" Stella.
"Hindi ko hahayaan na gawin mo yan Stella" biglang sabat ni Yohann.
"Sino ka para diktahan ako sa mga gusto ko ha!?"
"Ako, bakit aangal ka?" maangas na sabi niya, nagpapalit-palit ako ng tingin sa kanila bago mailing na natatawa.
"Ahhh maangas ka na ngayon?, halika dito, ipapaalala ko sayo kung pano tayo unang nagkita dali" paghahamon niya kay Yohann.
Pinatunog niya ang mga kamao niya ganun rin si Yohann pero umawat na kami, baka masira pa nila ang plano ko mahirap na.
"Tumigil na nga kayong dalawa diyan, para kayong mga bata" sabi ni Sue.
"Wow, coming from you huh?" sarkastikong saad ni Stella.
Natigilan lang ang lahat nung biglang may tumunog phone, nagpakiramdaman pa muna kami hanggang sa kapain ko ang bulsa ko, sa'kin pala, tumatawag si Phenelope!
[Tsk, why you took so long huh?!]
"Pasensya naman, nasan na kayo?"
YOU ARE READING
THS1: Enchanting His Heart (Under Editing)
Romance🔹Rom-Com, Drama, Slight Action, Young Adult🔹 "Love me again, like before when you love me the most." SERIES 1: Meet Stacey Rinn Alvarez, an ingenuous woman who has a simple yet contented life. She has no other desire but to finish her studies, fin...