Unknown's Point Of View
Bakit ang tagal?! I heard na si Grey na ang magdodonate ng puso niya. It can't be. I should be the one whose getting that heart. Ako ang papatay! And once Andrea got her heart back, I'm freaking sure that she'll be dead.
Padabog na lumabas si Zereil sa room ni Andrea Sydney. Galit nitong isinara ang pinto.
Diretso na siya sa paglalakad, mukhang galit na parang iiyak na. Hinabol ko siya.
" Miss! Ikaw 'yong kaibigan ni Andrea diba? " mahinahong tanong ko sa kanya pero imbis na sagutin niya ako ay nakatanggap ako ng malutong na malutong na trashtalk.
" Put tongue in a lung Kuya!! Kita mo namang galit ako diba? Masaquette eh! Tagos sa heart ko kaya pwede ba, Tongue in a ka talagaaa-- *tsup*"
" Yan! Ang ingay mo kasi. " sabi ko matapos ko siyang halikan.
" >\\\< Waaaaaaaaa!! First kiss koo!! " tapos umupo na siya sa sahig ng hospital. P*ta namang babae 'to. Kaya siguro hiniwalayan ni Grey to dahil isip bata eh. Tae naman.
" Waaaaaa! T^T nurse! Penge akong alcohol! Ehhhhhhh >\\\< Kinuha ng mamang 'to ang first kiss kooooo!! " attention seeker -_- Wala akong oras sa mga ganito. Hinayaan ko siyang mag-iiiyak dun sa harap ng information desk. Palabas na sana ako ng pintuan ng biglang natamaan ako ng isang 3inch na heels -_- Lumingon ako para tignan kung sinong nilalang ang may gawa nun.
Nakita kong nakatayo na at nag-iisa na lang ang pares ng heels ni Zereil.
" Hoy g*go ka! May tinatanong ka pa sakin kanina diba? Sasagutin ko pa 'yon! " sabay pamewang.
" I can do my own research. I can get the answer without you saying any word. " tapos tinalikuran ko na siya.
Sumakay nako sa kotse ko at pinaharorot ng takbo ito.
Troy's Point of View
" Ayoko sana, na ikaw ay mawawalaa~ sino ba naman ako para pigilan ka ahhhhhhh~ "
Bakit puro mga broken hearted to? Si Caine, broken hearted dun kay Corine. Itong si Zereil, broken na broken daw kay Grey -_- Hayy. It's been a year na din siguro simula ng magbreak sila.
" Ang halik mo, namimiss ko~ teka! Halik?! Waaaaa! Kuyaaa! yung lalaki kanina sa hospital! " Napatakip ako ng tenga dahil sa sobrang lakas ng pagkakasabi niya sa microphone.
" Kuya! Hinalikan niya ko! Diba masama magnakaw?! " still, naka-microphone pa din siya at nakatakip parin ako ng tenga.
" Isn't it abusing? Anong law ang nilabag niya Kuya tell me!! " Microphone pa din. Sumigaw ako na wag na siyang gumamit ng mic dahil masakit sa tenga.
" I'm not a lawyer, love doctor ako. Learn the difference, Ze. " bigla naman siyang napasandal sa upuan.
" Bakit kasi natin pinipilit ang mga bagay na hinding-hindi naman babalik satin? " tanong niya. Napa-buntong hininga ako sa tanong niya.
" Kasi siguro, minahal mo ng sobra ang taong hindi nararapat sa'yo. May mga tao kasing dumadaan sa buhay natin na hindi naman magtatagal. " napatingin ako sa kanya at tumingin din siya sakin.
" May dumadaan ba na mukhang natraffic Kuya? Syempre pag dadaan ka, mabilisan lang talaga. " -__- ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Pilosopa talaga ang batang 'to. Kung ano ako kaseryoso, ganun naman siya pilosopo. Binatukan ko siya.
" Paano kita tutulungan niyan kung kahit sarili mo hindi mo matulungan? " napakamot siya ng ulo.
" Mahal ko siya Kuya. Mahal na mahal. Kaya lang may iba na siyang mahal at yun pa ang pinakamamahal kong bestfriend. Paano na yan? Mahal ko siya tapos mahal niya din ay iba? Parang ang unfair naman. Bakit kasi hindi niya na lang din ako mahalin? "
natahimik ako sa sinabi niya. Siguro dahil natamaan din ako sa mga pinagsasasabi niya. Alam ko kung gaano kasakit ang ganun. Yung mahal mo ang isang tao na hindi ka naman gusto? Tsk. Pag-ibig.

BINABASA MO ANG
Most Wanted : THE PLAYBOY'S HEART
RandomHeart.. It gives life.. We can never live without that thing.. Kailangan kong makuha ang puso niya. Kailangan kong kunin para mabuhay ako. Kailangan ko siya, kailangan niya ko. Makukuha ko kaya ang puso niya kung ang taong pagkukunan ko mismo ay ang...